Ang mga products na ito ay hindi lang pampa-beauty, puwede rin sa kilikili

by Patricia Melliza Adapted for PEP.ph by Karen A.P. Caliwara
Apr 24, 2019
Kung may beauty regimen ka para sa mukha, dapat sa kilikili rin na sinasabing sensitive body part.
PHOTO/S: Creative Commons

May regimen ka ba para sa iyong kilikili?

Hindi porke't hindi ito madalas nakikita ay kampante na tayo sa soap and water sa tuwing naliligo t deodorant pagkatapos maligo.

Kailangan pa rin ng TLC lalo na kung meron kang kilikili concerns gaya ng odor, bumps, at ingrown hair.

Alam mo bang ilan sa mga products na ginagamit mo sa mukha ay puwede rin sa kilikili?

Check these out:

Micellar Water

Dahil nasa tropical country tayo, hindi maiiwasang pagpawisan lalo kung maalinsangan ang panahon.

Ang micellar water ay puwedeng gamitin as cleanser sa kilikili dahil sa mild at gentle formula nito.

Gamit ang cotton pad, ipahid sa kilikili, at bahala na ang "micelles" o mild surfactants na tanggalin ang oil at dirt nang hindi magda-dry ang skin.

Look for brands with zero percent alcohol para walang sting kapag pinahid mo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

TRY MO ITO: NIVEA Face Acne Clear MicellAIR Water, PHP84.50 para sa 200ml, availabe sa Lazada

Face mask

Alam mo bang may pores din ang kilikili natin?

Dahil diyan, puwedeng bumara ang excess sweat, residue mula sa deodorant, at anumang dirt, na nagiging sanhi ng odor at dark appearance.

Ang solusyon: Mask.

Marami nang Pinay ang naka-try nito, at nawawala raw ang amoy kapag pinagpapawisan sila.

Female Network Tip: Yung mga clay masks na may charcoal ay mabisa para sa detox. Pero bago ka ma-excite, i-test mo muna if hiyang ang skin mo lalo pa't ang isa sa pinaka-sensitive part ng katawan ang kilikili.

Continue reading below ↓

TRY MO ITO: Origins Clear Improvement Active Charcoal Mask to Clear Pores, SM Megamall

Cleansing Balm

Sa mga pagkakataong inaantok ka na at tinatamad nang mag-shower, gently massage a cleansing balm para tanggalin ang deodorant residue.

Ang maganda pa rito, magiging mas malambot ang feel ng kilikili dahil hindi lang siya cleanser kundi moisturizer rin.

Continue reading below ↓

TRY MO ITO: Banila Co. Clean It Zero, PHP1,150, Watsons

Beauty Oil

Ang maganda sa face oils ay may multiple uses sila—puwede sa hair, sa kamay, labi, at maging sa kilikili!

Kung meron kang bumps sahil sa kaka-pluck at kaka-shave, makakatulong ang sunflower oil para lumiit ang mga ito at ma-even out ang dark spots.

Just add a few drops, massage for a few minutes, then leave it for 15 minutes.

Hugasan pagkatapos.

Continue reading below ↓

TRY MO ITO: Human Nature Sunflower Beauty Oil, PHP174.75/50ml, BeautyMNL

ALSO READ

Read Next
Read More Stories About
kilikili, armpits, underarm
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung may beauty regimen ka para sa mukha, dapat sa kilikili rin na sinasabing sensitive body part.
PHOTO/S: Creative Commons
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results