Kumusta ang summer mo? Nag-enjoy ka ba?
Sa heat index na umabot ng 40 degrees Celsius, hindi lang nakaka-dehydrate ang init, nakakalusaw pa.
At kung nagbilad ka sa araw o nagbabad sa tubig nang walang SPF or (Sun Protection Factor), malamang may sun-related skin problem ka ngayon.
Ayon sa American skin care professional na si Dr. Gary Goldfaden, naa-activate daw ang melanin sa balat kapag bonggang-bongga ang sun exposure mo.
At kapag nagkaroon ka ng "overproduction of melanin," magiging sanhi ito ng pagkakaroon ng freckles at dark spots.
Magkaiba ang dalawang ito, lalo na sa size.
Kaya bago mo isiping may freckles ka dahil mestiza ka, basahin mo muna ito.
Yung freckles o pekas ay "small patch of light brown color" sa mukha, likod, at iba pang parte ng katawan na nabababad sa araw.
Naglalabasan sila dahil sa "extra melanin," na nagsisilbing "natural barrier" ng balat sa UV rays, at dahil sa genes (yup, hereditary siya).
Mas prone sa pagkakaroon ng freckles ang mga mapuputi.
For the past few years, naging beauty trend ang faux freckles, na kinagiliwan ng ilang celebrities gaya ni Nadine Lustre.
Samantala, flat brown at mas malaki sa freckles ang dark spots.
Nagiging prone ang balat natin dito as we age. Usually, these melanocytes o "mature melanin-forming cell" start appearing in our mid-30s. Mas lumalaki ang size nila habang tayo ay tumatanda, at mas nangingitim kapag nabababad sa araw.
Ang sanhi naman naman nito, ayon sa American plastic surgeon na Melissa Doft, ay "overproduction of melanin due to long-term exposure to the sun" at "hormones—both estrogen and progesterone" kaya nagkakaroon din ang mga pregnant women.
How to get rid of freckles and dark spots?
1. Laser
Kasama sa beauty treatment ng mga stars after a beach trip ang laser.
Ayon sa ilang beauty clinics, kaya raw tanggalin nito ang freckles at dark spots sa loob ng dalawa hanggang anim na sessions.
Ayon sa self.com, ang "focused beam of light" ang siyang nagbi-break o nagtatanggal the pigment particles sa balat.
2. Chemical peels
Sa pamamagitan ng exfoliating treatment na ito, natatanggal ang "upper layers of dead skin."
Ang common active ingredients ay "glycolic, mandelic, salicylic, and lactic acids, along with trichloroacetic acid."
Sa loob ng tatlo hanggang anim na treatments, every three to four weeks, makikita mo na ang result.
Just do not overdo it dahil puwedeng masunog ang balat kapag nasobrahan.
3. Microdermabrasion
Ang exfoliating treatment na ito ay gumagamit naman ng "tiny particles to sand away dead skin."
It is milder because it does not destroy the skin tissue.
4. SPF
Huwag na huwag aalis ng bahay nang walang SPF, which is the best way to prevent skin discoloration.
Look for the ingredients zinc oxide or titanium dioxide, which can block out most of the rays that will darken the dark spots.
Mag-reapply every two hours, ha.
5. Vitamin C
Hindi ito pampaputi, pero kaya niyang i-target ang areas kung saan may pigmentation.
6. Hydroquinone
Ang over-the-counter concentration na ito ay kayang mag-inhibit ng tyrosinase, isang enzyme na responsible sa production ng melanin.
Ang epekto nito ay makikita after two weeks.
But again, maging maingat sa pag-a-apply dahil posible itong maging sanhi ng dryness at redness.
7. Kojic Acid
Mula sa mushrooms o fermented rice, kilala ito bilang skin lightener. Ibabag ang affected area tuwing gabi para ma-achieve ang goal mong maging flawless.
8. Aloe vera, apple cider vinegar, black tea, milk, and green tea.
Lahat ng ito ay kilala ring skin lightener.