Ang magaspang na balat ay isang common problem.
May mga daily habits—gaya ng pagsa-shower nang mainit or paggamit ng maling sabon—na puwedeng maging sanhi nito.
Kahit ang init ng panahon o lamig ng aircon ay nakakaapekto sa texture ng skin.
What you need then is a daily beauty regimen para ma-prevent ang mga rough patches at tiny bumps, at mapanatiling soft at smooth ang balat.
Four-step routine lang ito.
1. Use the right cleanser.
Iwas muna sa mga soapy at foamy types kasi harsh sila sa dry skin.
Gumamit ng mild, fragrance-free, at cream cleansers, gaya ng Cetaphil Gentle Skin Cleanser (PHP399.00).
2. Exfoliate
Iwas muna sa madalas ng paggamit ng scrub. You only need to exfoliate once a week para tanggalin ang dead skin at flakes.
Go for chemical exfoliants na may alpha hydroxy acids. Try Milk Peel Cream Mask from Althea (PHP490), which you can leave on for one minute.
3. Hydrate
Iwas muna sa pagbababad sa hot shower kasi tinatanggal nito ang natural oils sa balat.
Pagkatapos maligo, habang damp pa ang skin, maglagay agad ng moisturizing lotion para ma-lock in ang moisture.
Hanapin ang mga brands na walang alocohol at fragrance, at merong Hyaluronic acid, na effective mag-absorb ng moisture.
Ang Olay Regenerist Micro-Sculpting Night Cream (PHP1,899) ay merong Amino-Peptide Complex, na kayang mag-penetrate nang 10 layers deep sa skin. Bonus: May niacinamide din ito na nakakatulong i-minimize ang wrinkes.
4. Use SPF.
Iwas muna sa araw as much as possibe. Pero kung hindi talaga kaya, pick a non-sticky and moisturizing SPF.
Nivea Protect & White Face Cream (PHP414) has SPF 50, and offers "long-lasting moisture and protection."
Isa rin itong skin lightener.