Mga klase ng tsaa na nag-uumapaw sa skin benefits

Alam mo bang may klase ng tsaa na nakakaganda at nakakabata?
by Gretzel Lantican
Jun 6, 2019
Studies suggest that green, black, white, and oolong tea have antioxidant properties, which are good for the body and shows in your skin.
PHOTO/S: Unsplash

Tea drinker ka ba?

If you still are not, maraming rason para isama mo ito sa iyong daily habit.

Alam mo ba na lahat ng tea na under ng genus Camellia sinensis, aka tea flower, ay sagana sa antioxidants gaya ng catechins at polyphenols?

Ayon sa studies na inilathala ng Time magazine, "Drinking a cup of tea will lower your stress and anxiety levels, and it will improve your immune system."

Dagdag pa sa list of benefits nito ay ang mga sumusunod:

1. Nakakababa ng cholesterol

2. Nakakabawas ng cortisol levels, na isang main stress hormone

3. Nakakawala ng inflammation

4. Nakakapag-improve ng memory at focus.

May four varieties ang tea flower: green, black, white, and oolong.

Alam mo ba na marami ring skin benefits ang pag-inom ng tsaa?

Chai Black Tea

Ang combination ng black tea, ginger, at iba pang spices ay para sa mga prone ang balat sa acne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga sa isang blog na Chai Benefits for Skin, meron itong "invigorating herbs" that will address swelling and dryness.

Mabilis din daw itong magpagaling ng infection and magtanggal ng blemishes.

Pakiramdaman lang ang iyong katawan lalo na kung meron kang problema sa hyperacidity o gastrointestinal condition. Ang labis na pag-inom ng black tea na may kasama pang ginger ay maaaring makapagpalala ng ganitong kalagayan.

Early Grey Black Tea

Dahil sa high potassium content nito, mas hydrated ka.

Ayon sa Food.ndtv.com, ang isang tasa kada araw ay makakapag-provide ng water-soluble minerals and essential vitamins na makakapagbigay-buhay sa katawan.

May high levels of catechin din ito na beneficial sa oral infections. In fact, kasama sa natural component ng Earl Grey tea ang fluoride, na panlaban natin sa cavities at tooth decay.

Chamomile Green Tea

If you want to look fresh and glowing, try mo ang tsaa na ito na nakare-relax ng nerves. In fact, perfect itong inumin bago matulog upang kumalma ang iyong isip at ikaw ay antukin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Karamihan din sa beauty websites ay sinasabing mabisa ito para paliitin ang eyebags at i-lighten ang dark circles. Just boil the tea bags in hot water, palamigin sila, saka ibabad sa ilalim ng eye area for five minutes.

Matcha Green Tea

Nakamamangha ang anti-aging power ng matcha tea dahit pinuprotektahan nito ang balat laban sa free radicals na sanhi ng dark spots, sun damage, at wrinkles.

Nakaliliit din daw ito ng pores at nakakababawas ng sebum (natural oil) production, thanks to its tannin content.

Ginger Green Tea

Dahil sa high amount of vitamins, minerals, and antioxidants, this tea has antibacterial properties para sa skin infections at para mas malinis ang skin.

The ginger alone has "40 antioxidant properties," ayon sa styleCraze.com, and can even out skin tone and improves its elasticity.

It's for hair growth, too.

Peppermint Green Tea

Samantala, ayon sa cupandleaf.com, kayang i-treat ng peppermint tea ang skin rashes and bug bites, kabilang na rin ang dry at itchy scalp.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero bago ka mag-hoard ng tea, remember that you can drink up to five cups per day lang para hindi ka mag-palpitate at ma-addict sa caffeine.

Tandaan na laging kumonsulta sa doktor bago baguhin nang lubusan ang iyong diet at lifestyle upang makasigurong naaayon ito sa iyong timbang at medical history.

Kung hindi mo naman type uminom ng tea, pumili ng hair and body products na may tea variants, na may same relaxing, calming, at rejuvenating effects din para maging healthy ka, pati na ang buhok at balat mo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Studies suggest that green, black, white, and oolong tea have antioxidant properties, which are good for the body and shows in your skin.
PHOTO/S: Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results