Paano maiiwasan ang paglalagas ng buhok sa pamamagitan ng tamang pagkain?

Isama ang mga ito sa grocery list.
by Gretzel Lantican
Jun 26, 2019
Worried about hair fall? Eating the right kind of food can help nourish and strengthen each strand because diet plays a major role in hair growth.
PHOTO/S: faungg's photos on Flicker

Maraming rason kung bakit nalalagas ang buhok.

On a daily basis, normal lang daw na malaglag ang 80 to 100 strands, lalo na pagkatapos maligo.

Pero kapag higit pa rito ang bilang, at napansin mong hindi na sila ulit tumutubo, kailangan mo nang mag-alala.

Alam mo ba na kasama sa mga possible causes ng hair fall ay vitamin and mineral deficiency?

Ang iron, halimbawa, ay kailangan sa pag-produce ng hair protein para mas tumibay ang bawat strand.

Kailangan naman ng mga cells—kasama ang buhok, na sinasabing fastest growing tissue sa katawan—ang vitamin A for growth, maging ang skin glands para makapag-produce ito ng sebum, isang oily substance na nagmo-moisturize ng scalp at nagpapalago ng buhok.

Samantala, ang vitamin B12 ay may epekto sa red blood cells, na siyang nagdadala ng oxygen at nutrients sa scalp at hair follicles, ayon sa HealthLine.com. Kailangan ito para tumubo ulit ang buhok.

Ang vitamin C naman ay kailangan sa production ng collagen, na importante sa hair structure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito rin ay tumutulong para mas mabilis ma-absorb ng katawan ang iron, na essential sa hair growth.

Ayon naman sa mga research, ang Vitamin D deficiency ay itinuturong isa sa causes ng alopecia, na tinukoy sa MedicalNewsToday.com na isang "common autoimmune disorder" kung saan puwedeng tumuloy sa "complete loss of hair" (alopecia totalis) o "complete loss iof hair in entire body (alopecia universalis).

Ito kasi ang nagki-create ng new follicles o yung mga maliliit na pores sa anit kung saan tumutubo ang hair.

Kagaya ng vitamin C, ang vitamin E ay isa ring antioxidant.

Alam niyo bang may study na isinagawa, kung saan mga taong nakakaranas ng hair loss ang naging subjects? Ang resulta: may 34.5% increase sa hair growth ng mga subjects na nag-take ng Vitamin E.

In short, malaking bagay ang nagagawa ng diet. Kaya narito ang listahan ng mga pagkaing pampalago at pampatibay ng buhok.

1. Eggs

Dahil ang buhok, in essence, ay protein, nakabubuti rito ang protein-rich foods gaya ng egg yolk, na good source din ng iron.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa WebMD.com, ang recommended portion o serving sa almusal at tanghalian ay singlaki ng ating palad.

2. Spinach

Ang vegetable na ito ay sagana sa vitamins B, C, at E; potassium, calcium, iron, magnesium, at omega-3 fatty acids. Lahat ng ito ay nakapagpapalago ng buhok.

3. Tuna

Ayon sa Fox News, ang Omega 3 fatty acids ay umaabot hanggang sa hair shaft at cell membranes ng anit para mas maging matibay ang bawat strand.

4. Kamote

Dahil rich source ito ng beta-carotene, ang kaya raw nitong i-provide sa katawan, ayon sa Healthline.com, ay "four times your daily vitamin A needs."

5. Nuts

Imbes na mag-junk food, ito na lang ang gawin mong snack dahil excellent source ito ng biotin, na kilala bilang hair vitamin.

Special mention ang almonds, walnuts, pecans, at Brazil nut—na sagana sa Selenium, isang mineral na nakakatulong sa pagpapahaba ng buhok.

6. Avocado

Ang vitamins B12 and E nito ay nakakatulong sa production ng collagen at elastin—na pinapalakas ang bawat strand dahil sa amino at protein content ng prutas na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

7. Okra

Ang vitamins A, C, K, calcium, at potassium nito ay nakakapagpahaba ng buhok, nakaka-moisturize ng dry scalp, at nakakatanggal ng dandruff.

8. Complex carbohydrates

Kaya hindi advisable sa mga nagpapapayat ang tuluyang tanggalin ang carbohydrates sa diet ay dahil kailangan ng buhok ng energy, at nagsisilbi itong "fuel" para magamit ang mga proteins sa cell repair at growth.

Piliin ang mga complex carbs gaya ng baked o boiled potatoes, rice, grains at whole-grain breads, cereals, at pasta.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Worried about hair fall? Eating the right kind of food can help nourish and strengthen each strand because diet plays a major role in hair growth.
PHOTO/S: faungg's photos on Flicker
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results