Paano magkilay step by step? Don't worry, five steps lang!

Ang taray ng kilay!
by Emmy Burce
Jun 30, 2019
How to make the kilay of your dreams? According to kilay experts, you have to do it based on your facial features and bone structure.
PHOTO/S: Unsplash

Kung dati ay paputihan ng mukha o papulahan ng lipstick ang labanan sa beauty, ngayon, pagandahan ng kilay.

In fact, kung tatanungin mo ang mga artista ng basic make-up routine nila, most of them will give "magkilay" as their top answer.

Pero marami pa ring babae ang medyo hindi kumportableng gawin ito. Kapag hindi kasi tama ang pagkikilay, pansin na pansin ito at mas lalong nakaka-conscious.

Pero kung kaya mo namang matutunan ito, why not, di ba?

After all, hindi naman siya ganun kakumplikado.

Basta ang dapat na tandaan, a perfect kilay should be able to frame the face perfectly.

Ayon sa brow artist na si Celina Fernandez, "It’s according to facial features, according to your bone structure," regardless kung manipis o makapal ang iyong kilay.

So, pakihanda na ang eyebrow pencil, at simulan nang mag-practice.

1. Dot the start of your brows.

Ayon kay Celina, it's the "dimple of your nose, straight up."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong pa niya, "[It's] for slimmer nose. That's why for Asians, sa dimples ng nose, but sa Caucasians, sa outer because they already have pointed nose."

2. Mark the natural arch of your brows.

Ito yung highest part ng brow na katapat ng center ng pupil, at ito rin yung magbibigay ng "taray look," dahil, ayon kay Celina, "the arch gives that tightened effect, it accentuates your cheeks."

3. Know the edge of your brows.

Gamit ang iyong eyebrow pencil, i-slant ito at itapat sa dulo ng eyes, kung saang part ito tumapat sa kilay, doon mo tatapusin shading.

Ika nga ni Jodi Sta. Maria, kailangan ang step na ito para even ang iyong look.

In a nutshell, ganito siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

4. After shaping, proceed with the shading.

Gamit ang pencil, i-shade ang kilay para mas even ito. Para mas maging defined ito, gumamit ng angled brush.

5. Blend out the color with a spoolie or mascara brush.

Yung iba, gumagamit ng gel to keep them in place.

Maglagay ng powder sa perimeter ng brows para matakpan ang mga lumampas sa shape, at mas umangat ang brows.

Once ma-perfect ang pagkikilay, humanda ka na sa "ang taray ng kilay" comments.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
How to make the kilay of your dreams? According to kilay experts, you have to do it based on your facial features and bone structure.
PHOTO/S: Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results