Isa sa top insecurities ng Pinay ay ang dark underarms.
Ang sarap sanang mag-sleeveless, bilang mainit sa ating tropical country. Pero kailangang magtiis kasi nga, karamihan ay hindi confident itaas ang kanilang mga braso.
Bakit hindi mo i-try ang baking soda?
Though walang scientific proof na nakakaputi ito ng kili-kili, dahil sa "alkaline substance" nito, hindi madidistorbo ang pH level ng balat. Sa halip, may soothing effect pa ito.
Dahil isa ang kili-kili sa pinaka-sensitive na part ng skin, at exposed sa friction, kailangang maging maingat tayo sa mga produktong ginagamit.
Ang baking soda as an exfoliant is gentler and more effective na pang-tanggal ng dead skin cells.
Narito ang mga mixture na kayang-kayang gawin with popular baking leavener as the main ingredient.
Baking Soda + Cornstarch
- Gumawa ng paste sa pamamagitan ng paghahalo ng isang kutsarang baking soda, isang kutsarang cornstarch, at isang kutsaritang cucumber juice.
- I-apply ito sa kili-kili, saka patuyuin.
- Hugasan sa pamamagitan ng malamig na tubig.
- Gawin ito dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.
Baking Soda + Coconut Oil
- Gumawa ng paste sa pamamagitan ng paghahalo ng isang kutsarang baking soda at coconut oil.
- I-apply ito bilang scrub sa kili-kili, saka ibabad for 15 minutes.
- Gawin ito dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.
Baking Soda + Milk
- Gumawa ng paste sa pamamagitan ng paghahalo ng isang kutsarang baking soda at gatas.
- I-apply ito bilang scrub sa kili-kili, saka patuyuin.
- Hugasan sa pamamagitan ng maligamgam na tubig.
- Gawin ito dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.
Baking Soda + Lemon Juice
- Gumawa ng paste sa pamamagitan ng paghahalo ng isang kutsarang baking soda at juice mula sa kalahating lemon.
- I-massage ito sa kili-kili sa loob ng isang minuto.
- Patuyuin sa loob ng 20 minuto.
- Hugasan sa pamamagitan ng malamig na tubig.
- Gawin ito dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.
Baking Soda + Water
- Gumawa ng paste sa pamamagitan ng paghahalo ng dalawang kutsarang baking soda at isang kutsaritang tubig.
- I-apply ito bilang scrub sa kili-kili sa loob ng isang minuto.
- Ibabad at patuyuin sa loob ng 25 to 30 minuto.
- Hugasan sa pamamagitan ng maligamgam na tubig.
- Gawin ito dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.
Ang sabi ng ilang netizens na naka-try, makikita raw ang effect after a month. Just make sure you always wear comfortable clothes; magpa-wax instead of shave or pluck; at huwag na huwag kukuskusin nang matindi.