Paano maalis ang peklat ng tigyawat sa mukha?

by Emmy Burce
Jun 23, 2019
Do your acne scars bother you? Don't worry there are home remedies and beauty products to help you get rid of them.
PHOTO/S: Unsplash

Ang maging flawless, particularly sa face, ang isa sa mga beauty goals ng Pinay.

At ang peklat na dulot ng tigyawat o acne scar ang very visible na skin imperfection.

Hindi ito dapat balewalain.

Bukod sa hindi magandang tignan, nakakadagdag pa sa time, effort, and money kapag matinding stress na ang dulot nila sa loob ng mahabang panahon.

Gaano katagal mo na ba silang tinitiis?

Narito ang mga puwede mong idagdag sa beauty routine mo para once and for all, maalis ang peklat na dulot ng tigyawat sa mukha.

Mag-focus muna tayo sa mga beauty oils.

Coconut Oil

Ang beauty secret ni KC Concepcion ay may taglay na antioxidants saka vitamins E and K na makakatulong para magkaroon ng healthy skin tissues.

May "anti-inflammatory and antimicrobial properties" pa ito kaya puwede nitong agapan ang skin lesions.

Pero hindi ito para sa may oily skin at prone sa whiteheads.

Paano gamitin ang coconut oil sa acne scar?

Continue reading below ↓
  1. I-rub sa palad.
  2. I-dab nang dahan-dahan sa mga peklat.
  3. Ibabad overnight saka maghugas ng mukha kinabukasan.
  4. Gawin ang mga steps na ito daily or every other day.

Tea Tree Oil

Kilala ang tea tree oil hindi lang as effective remedy sa acne-prone skin, kundi pati na rin sa pagpapaliit ng peklat.

Pero hindi ito para sa mga may dry skin.

Paano gamitin ang tea tree oil sa acne scar?

  1. Mag-add ng three to four drops sa isang kutsarang coconut oil
  2. I-apply sa scars and lesions.
  3. Ibabad sa loob ng isa hanggang dalawang oras bago hugasan ang mukha.
  4. Gawin ang mga steps na ito daily.

Castor Oil

Dahil sa vitamin E at omega-3 fatty acids na taglay nito, makakatulong ito sa pag-repair ng scarred at damaged skin tissues, pati na rin sa pag-reduce ng pigmentation.

Paano gamitin ang castor oil sa acne scar?

  1. I-apply diretso sa peklat.
  2. Ibabad overnight saka maghugas ng mukha kinabukasan.
  3. Gawin ang mga steps na ito daily.

Bukod sa mga oils, may mga cooking and baking ingredients na mahahanap sa kusina.

Apple Cider Vinegar

Gaya ng coconut oil, may antimicrobial at anti-inflammatory properties ito na kayang bawasan ang pamumula ng acne scars.

Pero hindi ito para sa mga may dry skin kaya mag-moisturize pagkatapos.

  1. Mag-add ng isang kutsrang apple cider vinegar sa dalawang kutsarang honey at tubig.
  2. Gamit ang cotton pad, i-apply ito sa buong mukha.
  3. Ibabad sa loob ng 10 to 20 minutes bago hugasan.
  4. Gawin ang mga steps na ito daily or every other day.

Baking Soda

May exfoliating properties naman ito na nakakatanggal ng dead skin cells.

At dahil sa alkaline nature nito, binabalik sa normal pH ang skin, na makakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng acne.

Continue reading below ↓

Paano gamitin ang baking soda sa acne scar?

  1. Ihalo ang dalawang kutsara nito sa isang kutsarang tubig.
  2. I-apply sa scars.
  3. Patuyuin saka hugasan ang mukha.

Green Tea

Ang taglay nitong catechins ay nakakatulong sa pag-reduce ng inflammation at ng size ng acne scars .

Mabisa raw ito whether you drink it or apply topically.

Paano gamitin ang baking soda sa acne scar?

  1. Idikit ang gamit nang tea bag sa affected areas.
  2. Or gamitin ang green tea leaves as exfoliant.
  3. Gawin ang isa sa steps na ito daily.

Samantala, may mga beauty products na instantly available, at hindi nagre-require ng mabusising steps.

Face Republic Crystal Glow Whitening Cream

Ang moisturizing cream na ito with white flower complex ay may ingredients na ang main goal ay linisin ang acne marks sa mukha.

It comes with a sachet, PHP26.00, so puwede mo siyang subukan muna.

Price: PHP26.00

Continue reading below ↓

Sleeping Beauty Face Mask Whitening Rice Formula

Ang rice mask ay kilalang traditional treatment sa South Korea para maging lighter ang skin.

Rich in Vitamin B and E, hindi lang nito pinapakiinis ang texture kundi pinapaliit rin nito ang pores.

Ang sachet pack ay PHP49.00.

Face Republic
Sleeping Beauty Face Mask_Rice

Read Next
Read More Stories About
taglish, Non Celebrity
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Do your acne scars bother you? Don't worry there are home remedies and beauty products to help you get rid of them.
PHOTO/S: Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results