Ang dandruff ay isang common scalp condition kung saan nagiging flaky, scaly, at itchy ang affected areas.
Hindi ito serious at contagious. But the minute na nagiging very obvious ang mga flakes sa ulo at damit, not to mention, nagiging cause na ng discomfort ang kati, kailangan nang mabahala.
ANO ANG CAUSES NG DANDRUFF?
Ayon sa MayoClinic.org, ang skin cells sa anit natin ay normal na natatanggal at napapalitan. Kapag may overgrowth sa mga cells na ito, dumarami ang shedding, causing a build-up.
Kadalasan, ang sensitivity sa malassezia furfur, isang klase ng yeast na nasa scalp, ang dahilan kung bakit may overgrowth ang skin cells.
Mas prone rin sa pagkakaroon ng dandruff ang mga taong may oily hair.
At kapag nagkaroon ng excessive oil production, maaaring magresulta ito sa mas severe case ng dandruff, ang sebborheic dermatitis, na ayon sa webMD.com, ay isang "chronic form of eczema that causes red, itchy skin on the upper back, nose or scalp."
ANO ANG MABISANG TREATMENT SA DANDRUFF?
Para ma-restore ang balance sa scalp, at ma-eliminate excess oil, ang solusyon ay shampoo, which does not just rinse away the excess skin cells, but also strips the hair of its oils.
Para sa mas severe case ng dandruff, kailangan ng medicated shampoo that will target killing the yeast or fungus sa anit.
Narito ang mga ingredients na dapat hanapin, ayon sa Healthline.com:
Zinc Pyritione
Sa isang abstract na na-publish sa website ng National Center for Biotechnology Information, nagkaroon daw ng "progressive reduction...from three to nine washes" sa dandruff problem ng 16 subjects gumamit ng shampoo na may one percent zinc pyrithione (ZPT).
Ang anti-fungal drug na ito ay gentle to use every day.
Ketoconazole
Ang klase ng drug na ito ay ginagamit as treatment hindi lang sa dandruff kundi pati na rin sa fungal infections gaya ng jock itch, athlete's foot, at ringworm.
Salicylic Acid
Ang ingredient na ito ay kilala sa pag-prevent ng sebum buildup kaya mabisa ito sa acne at dandruff.
Kapag nasobrahan, it can cause dryness so it is not recommended to use this for a long period of time.
Selenium Sulfide
Kayang pigilan ng anti-infective agent na ito ang "abnormally high rate" ng pagdami ng cells dulot ng fungus.
May side effect nga lang ito pagdating sa kulay ng buhok.
Coal tar
Tar-based shampoos work two ways: (1) natatanggal nito sa dead cells sa buhok (2) pinipigilan din niya ang overgrowth ng skin cells.
Pero gaya ng Selenium Sulfide, may effect rin ito sa kulay ng buhok.
Tea Tree Oil
Ilang shampoo brands ay meron nang five percent ng natural ingredient na ito na may antifungal properties.
Another option is magdagdag ng five to ten drops ng tea tree essential oil sa shampoo bottle.
This remedy can reduce the flaking nang walang side effect.
Just make sure na hindi ka allergic sa tea tree oil.
Generally speaking, on the dosage and frequency of use, it is best to consult a doctor bago mag-try medicated shampoos for dandruff.