Ang matinding pagpapawis ng kili-kili ay isang concern ng mga Pinoy dahil sa matinding init ng panahon sa bansa.
Hindi ba't nakaka-conscious kapag naging obvious ang baskil o basang kili-kili sa suot mong body-hugging blouse o colored long-sleeved polo?
Mas nakakahiya kung meron kang job interview o date. Imbes na makapag-focus ka sa inyong usapan, hindi mo maialis sa isip mo ang marka sa iyong top, at hindi mo rin maitaas ang iyong braso.
At hindi dun natatapos ang iyong problema kung ikaw ay magko-cummute, di ba, lalo na kung siksikan sa bus o MRT.
Ang sweating, sa underarm man o ibang parte ng katawan, ay normal na reaksiyon ng katawan.
Our sweat glands produce sweat to help us cope with the heat.
Ayon sa everydayhealth.com, "Normally, we sweat to cool our body and control our body’s temperature."
Pero kung sobra ang iyong pagpapawis sa palad, talampakan, at kili-kili, ang tawag sa kondisyon na ito ay hyperhidrosis—na hango sa Greek word na hidrosis, na ang ibig sabihin ay "sweat" o pawis.
Hindi siya life-threatening, pero threat siya sa daily activities dahil hindi mo gaanong magagamit ang braso mo kung nadidiyahe kang itaas ito.
ANO ANG SOLUSYON SA MATINDING PAGPAPAWIS NG KILI-KILI?
Use antiperspirant properly
Pinapatay ng antiperspirants ang odor-causing bacteria, at pinipigilan nito ang paglabas ng pawis mula sa ating sweat glands.
Kung sakaling hindi umuubra ang pawis sa nabili mong deodorant sa grocery o drug store, tingnan mo ang label at i-check sa active ingredients kung at least 13 percent ang kahit ano sa aluminum salt compounds na ito: aluminum chloride, aluminum chlorohydrate, at aluminum zirconium tetrachlorohydrex glycine.
Note that aluminum salts do not really stop sweat production. Ang ginagawa nito ay bina-block ang pag-exit ng pawis through the duct sa skin. Temporary lamang ang blockage kaya kailangang mag-reapply throughout the day.
Huwag lang kalimutan na ipahid ang antiperspirant sa tuyo at malinis na balat.
Subukan mo ring gamitin ang antipersperant tuwing gabi, kung kelan pinakamalamig ang iyong body temperature.
Ayon sa mga health websites, one to four days daw bago mag-take effect ang bisa ng antiperspirant sa pagbabawas ng pawis, kaya tiyagain mo lang.
Make your armpits hair-free.
Ayon sa healthline.com, "Hair holds moisture, and underarm hair is no exception," kaya pag tinanggal ito, mababawasan raw ang pagpapawis, maging ang body odor.
Some pluck and shave, pero kung gusto mong maging makinis din ang iyong kili-kili, at mas matagal rin bago tumubo ulit ang buhok, go for waxing.
Better yet, ipa-laser mo para hindi mo na siya madalas na problemahin.
Wait a few minutes before dressing up
Iwasang magbihis shortly after taking a bath, lalung-lalo na kung ikaw ay nag-hot shower, kung saan mas magiging mainit ang body temperature mo.
And when you feel warmer, siyempre, pagpapawisan ka.
Ganun din ang mangyayari kung nagbihis ka kaagad after taking a cold shower.
Mala-lock daw ang moisture sa katawan mo, at mas mabilis kang pagpapawisan.
So, whether hot or cold shower, magpatuyo munang mabuti bago magbihis, okay.
Watch what you eat
Believe it or not, ang ating kinakain ay may epekto rin sa ating pagpapawis.
Alam mo bang sweat-inducing food ang mga processed, high in fat, bawang, sibuyas, maging ang ice cream?
Isama naman sa iyong diet ang mga sweat-reducing food tulad ng dairy products, cheese, almonds, bananas, eggs, oats, chicken breast, broccoli, spinach, cabbage, watermelon, grapes, potatoes, at oats.
Sa mga inumin naman, iwasan ang caffeine at alcoholic beverages.
Uminom rin ng maraming tubig upang mapanatiling hydrated ang katawan at mabawasan ang matinding pagpapawis.
Try the advanced treatments
Although there are several natural ways para iwasan ang excessive underarm sweating, there are some who prefer undergoing advanced treatments.
Ilan sa mga puwede mong treatment options ay botox injections, miraDry, at maging surgery.
Ang botox ay isang anti-wrinkle drug na, ayon sa webmd.com, works on our armpits "by preventing the release of a chemical that signals the sweat glands to activate."
Ang treatment na ito ay may kamahalan, at ang injection ay medyo masakit para sa ilang pasyente kaya nangangailangan ang procedure ng anesthesia.
Mahal man at masakit, "Botox is more than ninety percent effective as a hyperhidrosis medication," sabi ng webmd.com.
Available ang botox injections sa mga derma clinics.
MiraDry, on the other hand, eliminates not just the underarm sweat, kundi pati na rin ang odor glands at underarm hair.
Sa non-surgical treatment na ito, i-i-expose ang affected area sa 39-degree heat ng thermal energy. Wala kang mararamdamang init o sakit dahil may local anesthesia.
Ang bawat session ay tumatagal usually ng isang oras.
Para naman sa mga taong merong axillary hyperhidoris o excessive armpit sweating, ang isa pang treatment option for them ay surgery, gaya ng Endoscopic thoracic sympathectomy (ETS).
Ganito inilarawan ng Department of Surgery ng University of California San Francisco ang minimally-invasive surgical procedure na ito: "A sympathetic chain is cut or clamped to eliminate the excessive sympathetic nerve activity that causes the abundant sweating."
Kadalasan, kaya pinagpapawisan ang ating kili-kili ay dahil mainit ang panahon o kinakabahan o sobrang excited.
Sa axillary hyperhidoris, pinagpapawisan ang kili-kili kahit walang trigger o external factors.
Ayon pa sa WebMD.com, "Many who suffer from this condition sweat nearly all their waking hours, regardless of their mood or the weather."
Nagagamot din ng surgery na ito ang facial sweating o blushing.
At habang iniisip mo kung aling treatment option ang gusto mo, huwag kalimutan ang mga sumusunod:
1. Siguraduhing mabango at malinis ang damit na isusuot. Mas nama-magnify kasi ang hindi magandang epekto ng excessive sweating kung may body odor ka.
2. Pumili rin ng mga natural fabric gaya ng cotton at linen na mas mabilis mag-absorb ng pawis.
3. Maging pawis-ready, at magdala parati ng panyo o face towel.
4. Makakatulong din ang mga mga portable fans o kahit anong pamaypay.