Whether beauty conscious ka or not, ang oily hair ay nakakasira ng araw.
Kahit kasi bagong paligo ka, nanlalagkit ang hibla ng buhok mo.
And all throughout the day, mukhang basa ang buhok mo pero icky at yucky ang feeling.
Katulad ng sa oily skin, ang oily hair ay sanhi ng overactive sebaceous glands na nagpoproduce ng sebum, na siyang "protective barrier" ng anit para maiwasan ang moisture loss. Kapag nasa normal level ito, it prevents the hair from drying out and breaking. Pero kapag sobra, nagiging greasy.
Ang mga sumusunod ay sinasabing may effect sa activity ng sebaceous glands natin, ayon sa itsa10haircare.com:
- Heredity problems
- Unhealthy eating habits
- Medications
- Improper hair care
Ano ang solusyon sa oily hair?
Narito ang mga madalas nating ginagamit sa hair na may effect sa oil production.
Offhand, avoid touching your hair too much with your hands. The same rule applies sa oily face, di ba, para hindi kumalat ang lagkit.
1. Shampoo
- Iwasan ang overwashing o excess scrubbing. Kapag tinanggalan natin ang buhok ng kanyang natural oils, nagkakaroon ng bonggang oil production.
- Gumamit ng clarifying shampoo two to three times a week. Ang advice ni Ricky Reyes sa panayam niya noon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), piliin ang mga shampoo na translucent instead of creamy.
- Pagdating naman sa conditioner, use it once or twice a week from mid-shaft (not roots) to ends.
- Rinse it well, around 30 seconds, to make sure na walang residue ng shampoo at conditioner sa buhok.
- Gumamit ng cold water (not hot) to shut down the sebaceous glands, and close the cuticle, na makikita sa outermost part of the hairshaft. It strengthens and protects each strand.
2. Dry shampoo or baby powder
Those times na hindi ka magsa-shampoo, use either one of these two na makakatulong sa pag-absorb ng oil.
3. Brushing
Huwag munang maging close sa brush o suklay mo kasi over-brushing can stimulate oil production.
- Glamour suggests using a wide-tooth comb.
- Bustle recommends brushes with boar bristles, which is good at distributing the oil from roots to ends.
4. Styling products and tools
Huwag munang magplantsa ng buhok, at huwag muna gumamit ng mousse, hairspray, wax, or any hair product made with emollients.
5. Vitamins
Ayon sa MedicanNewsToday, try B vitamins dahil may epekto sila sa level of sebum production.