Bukod sa dark underarms, ang pagkakaroon ng maitim na siko at tuhod ay kasama sa mga concerns ng Pinay.
Gustuhin mo mang mag-sleeveless o mag-shorts, hindi mo ito magawa sapagka't nako-conscious ka na makita ng iba ang mga ito.
Bakit nga ba sila nangingitim?
Ayon sa HealthLine.com, ang karaniwang causes ng dark elbows and knees ay ang mga sumusunod:
(1) accumulation of dead skin cells
(2) hyperpigmentation increased by sun exposure and birth control pills
(3) dark spots from a recent pregnancy
(4) freckles and age spots, skin conditions tulad ng psoriasis at eczema, at inflammation from a previous injury.
Sa interview naman ng Pinoy M.D. show ng GMA-7 kay Dr. Jean Marquez, isang dermatologist, ang friction o pagkiskis ng siko at tuhod sa mesa o floor, gayundin ang madalas na pag-scrub tuwing ika'y naliligo o naghuhugas, ay maituturing ding mga salarin.
Hindi rin daw tama ang madalas na paggamit ng body scrub nang hindi ka nagmo-moisturize kasi "kumakapal ang balat doon at nangingitim."
Bukod sa pagsunod sa payo ni Dr. Jean, mayroon pang ibang mabisa, mabilis, at all-natural na paraan para paputiin ang iyong mga siko at tuhod.
At makikita mo ang epekto sa loob ng five to 15 minutes lang.
Magpaputi ng siko in 5 minutes
Ang method na ito ay madali lang gawin at kakailanganin ang mga sumusunod:
- Toothpaste
- Bicarbonate of soda
- Toothbrush
- Spray bottle with water
Una, lagyan ng toothpaste ang iyong siko at tuhod. Siguraduhing ito ay makapal at natatakpan ang kalahatan ng target areas.
Pangalawa, kuskusin ang toothpaste gamit ang toothbrush. I-scrub ito gently.
Pangatlo, ibabad ang paste sa iyong siko sa loob ng limang minuto.
Panghuli, tanggalin ang toothpaste sa iyong siko gamit ang spray bottle with water. Ipagpag ang mga matitirang toothpaste na hindi natanggal ng spray.
Magpaputi ng siko in 10 minutes
Mas maproseso ang method nito, pero sinasabing mas epektibo. Kakailanganin mo ang mga sumusunod:
- Baking soda
- Coconut oil
- Body lotion
- Lemon halves
- Cotton ball
- Small plastic bowl
Una, maglagay ng kalahating kutsarita ng baking soda sa small plastic bowl.
Pagkatapos, lagyan ang baking soda ng kalahating kutsarita ng coconut oil at kalahating kutsarita ng body lotion.
Kunin ang lemon at ipiga ito sa iyong mixture. Haluin ang mixture until you make a smooth paste.
Next, kunin ang cotton ball at lagyan ito ng iyong ginawang mixture. Ipahid ang cotton nang paikot sa iyong siko at tuhod.
Gamit ang iyong kamay, ilagay ang natitirang mixture nang padampi-dampi. Hayaan itong matuyo for five to ten minutes.
Pagkatapos, linisin ang iyong siko at tuhod gamit ang malamig na tubig.
Magpaputi ng siko in 15 minutes
Hindi batid ng marami na ang patatas ay may whitening properties.
Gamit ang isang mixture na may halong cucumber at lemon, makikita mo ang epekto nito sa loob lamang ng 15 minutes.
Bukod sa mga sangkap na nauna nang nabanggot, ihanda mo rin ang mga sumusunod:
- Powdered milk
- Cotton ball
- Grater
- Strainer
- Tatlong plastic bowl
- Hand towel
Balatan ang patatas at i-grate ito.
Ilagay ang grated potato sa strainer at pigain ang juice nito sa isang plastic bowl.
Kunin ang cotton ball, i-dip ito sa potato juice, at ikuskos sa iyong siko at tuhod sa loob ng limang minuto.
Kunin ang lemon at hatiin ito sa gitna. Lagyan ng powdered milk ang ibabaw nito, at saka ikuskos din sa iyong siko at tuhod sa loob ng limang minuto.
Kunin ang cucumber, balatan, i-grate, at pigain ang juice sa isang bowl tulad ng iyong ginawa sa patatas.
Kumuha ng cotton ball at i-dip ito sa cucumber juice, at ikuskos ito sa iyong siko at tuhod sa loob ng limang minuto.
Panghuli, punasan ang mga areas gamit ang dry hand towel. Gumamit ng moisturizer para hindi mag-dry ang affected skin.
Panatilihin ang kaputian ng iyong siko
Kung nais mong panatilihing maputi ang iyong siko, mahalaga rin na ikaw ay mayroong regular skin-care routine.
Cleanse and moisturize
Siguraduhin na araw-araw mong hinuhugasan ang iyong siko at tuhod.
Huwag gumamit ng matapang na sabon o body scrub dahil puwede nitong ma-irritate ang iyong balat.
Pagkatapos mo silang hugasan, gumamit ng moisturizer. Ika nga ni Dr. Jean Marquez, isa sa mga rason ng pag-itim ng siko at tuhod ay ang pagiging dry ng balat.
Kung wala kang moisturizer, puwede ka ring gumamit ng kahit na anong lotion at patungan ito ng coconut oil o kaya ay aloe vera gel.
Ayon rin sa American Academy of Dermatology, maaari ka ring gumamit ng mga skin-care products na may soy, lignin ellagic acid, at vitamin B3 na nakatutulong sa pag-lighten ng kutis.
Exfoliate
Bukod sa pagpapanatiling malambot ang balat ng iyong siko, importante rin na iwasan mong mag-accumulate ang dead skin cells.
Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-exfoliate isa hanggang tatlong beses sa isang linggo.
Gumamit ng exfoliating body wash o sugar scrub na mabibili sa mga tindahan. Puwede ka ring gumawa sa bahay gamit ang asukal na ihahalo sa olive o coconut oil.
Ikuskos ang body wash o sugar scrub sa balat in a gentle, circular motion.
Gumamit ng suncreen
Bago umalis ng bahay, siguraduhing maglagay ng sunscreen na nakatutulong sa pagprotekta ng iyong balat laban sa matinding sikat ng araw.
Piliin ang sunscreen na may SPF 30 o higit pa at ilagay ito sa iyong katawan 15 minutes bago ka lumabas.
Ingatan rin ang pagpapahid sa mga target areas sapagka't puwede mawala ang sunscreen sa tuwing ititiklop mo ang iyong braso.
Magre-apply kung kinakailangan.
Nasabi rin ni Dr. Jean na importanteng gawin ang lahat ng ito—ang pag-moisturize, pag-exfoliate, at paggamit ng suncreen—sapagaka't meron silang natural healing effect sa ating balat.
Ani niya, "Kasi ang skin kapag minoisturize mo, pagnilagyan ng sunblock, [at] iniwasan mong i-traumatize by rubbing, it has a natural healing effect, maghi-heal siya.
"So kung ano man ang nandoon na nangitim, eventually magpe-fade siya in time."
Ihanda na ang shorts at sleeveless.