Paano matanggal ang eye bags?

Oct 30, 2019
According to dermatologist Dr. Cricelda Valencia, there are three types of under-eye pouches: dark circles, puffy eyes, and eye bags, and each one has its own proper treatment that you should follow to get rid of them for good.
PHOTO/S: ISTOCK

Worried ka ba sa eye bags mo?

Kahit anong ganda kasi ng skin mo, magmumukha kang mas matanda at laging haggard.

But there are ways para matanggal sila.

Narito ang summary ng interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) with dermatologist Ma. Cricelda Rescobar-Valencia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TYPES AND CAUSES OF UNDER-EYE POUCHES

Ayon kay Dr. Valencia, ang eye bags ay isang klase ng pouches under the eyes.

Iba rin ito sa dark circles or puffy eyes.

DARK CIRCLES

Ang kadalasang nagkakaroon ng dark circles around the eyes ay iyong mga "mas bata" o more or less ay 25 years old.

Ang pangunahing sanhi nito ay genes.

Aniya, "Mostly iyong mas bata, complain nila iyong dark circles, iyong maitim iyong ilalim ng mata.

"So dark circles are usually caused by genetics. Sometimes nasa lahi lang talaga iyong maitim ang mata.

"Usually, ito iyong even ang upper eyelid and lower eyelid, parehong dark.

"Idagdag mo pa iyong mga taong, alam mo iyon, iyong non-atomic differentiation, may mga tao talaga na mas malalim ang mata.

"Iyong mga Arabian descent, mga ganoon. So puwede rin iyong cause."

PUFFY EYES

Isa pang type ng under-eye pouch ay ang tinatawag na "puffy eyes.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon kay Dr. Valencia, ito ay simpleng pamamaga ng mata na maari ring mawala as you go through your day.

Kadalasan, you get puffy eyes paggising mo sa umaga o kapag ika'y puyat.

"Puffy eyes naman is iyong swelling around the eyes. Cause naman noon is lack of sleep, water retention from eating salty food, and drinking too much liquid before going to sleep.

"Di ba mapapansin mo rin kapag after natin magising sa umaga, parang mas maga iyong mata.

"It's because iyong pag-blink ng eyes, aids in the lympathic drainage. So kapag gabi, pagnatutulog tayo, syempre hindi naman nag-bi-blink iyong mata, right?

"So hindi maka-circulate iyung water around it properly. So paggising mo, medyo maga pa siya tapos as the day goes longer, nawawala na siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod dito, puffy eyes can be caused by allergies gaya ng atopic dermatitis or eczema, pati na rin ang ilang bisyo gaya ng paninigarilyo at kadalasang pag-inom ng alak.

Diin ni Dr. Valencia, "You drink alcohol, you smoke a lot.

"''Tapos [puffy eyes] can also be because of allergies, when you have atopic dermatitis [eczema]...iyong bahing nang bahing kasi madalas nilang i-rub at kusutin ang mata."

EYE BAGS

Yung eye bags ay sanhi ng paglaylay ng under-eye area dahil sa aging.

Nagsisimula ito as early as 25 years old.

Dr. Valencia expounds, "Meron kasing dark circles, puffy eyes, saka meron talagang eye bags, iyong talagang malalaki, iyong parang may maleta sa ilalim ng mata.

"Iyon naman is because of aging, because of the skin's elasticity.

"So usually, nag-i-start iyon 25 years old.

"Habang tumatagal, bumababa na iyong structure under the eyes and also iyong mismong skin texture mo.

"Since nagninipis na siya, bumababa na iyong collagen saka iyong elastin content (elastic tissue) in the skin, mas nagiging lawlaw na siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Dr. Valencia, aging causes the fats and skin under your eye to sag.

Aniya, "Iyong eyelids kasi natin are the thinnest skin sa katawan natin. So as we age kasi, nagninipis pa siya lalo.

"And also iyong fat, there are fats kasi supporting the under-eye area, e.

"As we age, iyong fat na iyon kumokonti, so bumabagsak na rin iyong area under our eyes."

Tulad ng puffy eyes, ang pagpupuyat, allergies, smoking, and drinking can contribute sa pag-develop ng iyong eye bags.

Ani Dr. Valencia, "So dagdagan mo pa iyun, lack of sleep, alcohol, smoking, saka if you have allergies, if you rub your eyes frequently puwede siyang magkaroon ng dark discoloration under your eyes."

PANTANGGAL NG DARK CIRCLES

Kung mayroon kang dark circles, makakatulong ang mga under-eye creams, which can help lighten your skin.

She expounds, "For dark circles, since ang problem mo diyan is more of pigmentation saka iyong blood supply around the eyes, you can apply mga topical medications that contain hydroquinone, iyong wh-tening agent na ginagamit even for melasma, mga pekas, peklat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos you can also apply topical medications that contain Vitamins A, C, and E. These can also lighten the undereye area. Mild pa sila so those can't irritate the eyes."

Bukod sa hydroquinone, Vitamins A, C, and E, sabi rin ni Dr. Valencia na mabisa ring ingredients ang caffeine at retinoids sa pagtanggal ng dark circles.

"You can also apply topical medication with caffeine, iyong nasa kape," she says.

"Kasi caffeine is a strong vasoconstrictor parang pinapasikip niya iyong daluyan ng blood around the eye, so as a result, nagiging less congested iyong mata."

You can also apply yung mga retinoids. Kasi ganoon rin a, pampa-smoothen ng mga wrinkles."

Marami sa mga creams na ito ay matatagpuan sa mga department stores at drug stores nationwide.

Ngunit ang paalala ni Dr. Valencia, siguraduhing basahin ang mga ingredients na nakasulat sa bibilhin mong produkto.

"There are multiple topical undereye treatments. Pero you just have to be careful and you just have to read the label kasi mababasa mo naman kung ano iyong active ingredients," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So if you look at the ingredients list in a product, kung ano iyong pinakanauna sa listahan, iyon ang pinakamarami siya [na content]."

PANTANGGAL NG PUFFY EYES

Kung ikaw ay mayroong puffy eyes dulot ng water retention o pagpupuyat, inirerekomenda ni Dr. Valencia ang paggamit ng jade rollers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Jade Rollers, okay naman siya for puffy eyes kasi iyong coolness from the rollers helps in improving the congestion around the eyes.

Hindi advisable, though, when it comes to dark circles and eye bags dahil hindi pa siya proven scientifically.

And since puffy eyes can also be caused by smoking, inirekomenda ng dermatologist na baguhin ang lifestyle.

Sabi niya, "Since it's because of vices and allergies, kapag ganoon naman, madali naman, you just have to make lifestyle changes."

PANTANGGAL NG EYE BAGS

When it comes to eye bags, it is advisable na mag-undergo ng invasive derma treatments para ma-address ang loss of collagen, elastin, and fat.

Dr. Valencia details, "Mas invasive iyong treatment mo.

"You can have blepharoplasty para matahi siya or you can do energy-based treatments, radio frequency or mga RF na tinatawag.

"Puwede rin iyong mga high intensity ultrasound o mga HIFU o di kaya mga Ulthera na tinatawag, iyon yong brand name niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"[These are] energy-based treatments that can promote iyong collagen remodeling saka iyong cell turnover ng skin, so kahit papaano, medyo magta-tighten iyong skin mo."

Dagdag pa ni Dr. Valencia, "You can also do chemical peels pero this should be done by a board-certified dermatologist kasi the skin is a very sensitive area and iyong peel kasi, since natutuklap iyong lumang skin, lumalabas iyong bagong balat.

"It promotes cell turnover or cell renewal pero it has to be performed by a certified dermatologist.

"Saka usually, ang chemical peel on the eyes, imagine mo lalagyan ka ng asido sa mata, so it can also do serious effects."

PAANO MAIWASAN ANG PAGKAKAROON NG UNDER-EYE POUCHES

Importanteng magkaroon ka ng beauty regimen para sa dark circles, puffy eyes, at eye bags.

Ayon pa kay Dr. Valencia, you should start "as early as 25 years old."

Aniya, "Kasi once you reach 25 years old, iyong decrease in collagen and elastin, exponential na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Especially accelerated na siya when you reach your 50s, hindi na rin ganoon kaganda iyong repair ng balat.

"Kasi kapag bata ka, okay lang mag-party-party ka ng gabi, okay lang kasi the skin will repair itself.

"Pero kapag tumanda ka, mas mabagal na or mas mahirap na iyong healing capacity ng skin mo."

So ano ang mga dapat gawin to keep your eyes look fresh and relaxed?

First, apply cool compress using a spoon, cloth, cucumber or tea bags for 15 minutes every other day.

Dr. Valencia details, "You can do cool compresses with gentle pressure under the eyes, sitting upright, so hindi nakahiga.

"Puwede kang kumuha ng spoon o kaya tela, puwede ring cucumber.

"You just put it on the eyes for mga 15 minutes. Ganoon lang...

"You can do it every other day or if you're puyat from last night."

"Puwede ka ring kumuha ng tea bags kasi tea bags have green tea which is an antioxidant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It also has caffeine which is a vasoconstrictor para maiwasan ang venus constriction mo."

Inirerekomenda rin ng doktora ang changes sa pagtulog, pag-inom tubig, at paninigarilyo.

Aniya, "When you sleep, try to sleep upright so water won't accumulate in your eyes.

"And then you take water. Hydrate yourself para hindi ka mag-puffy eyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Tapos avoid ka lang ng alcohol, less salt intake, lessen your smoking."

Payo rin niya para sa mga allergies, "Kung alam mo naman you have a history of atopic dermatitis, you have to prevent it para hindi rin bumalik ang pamumula ng mata mo."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to dermatologist Dr. Cricelda Valencia, there are three types of under-eye pouches: dark circles, puffy eyes, and eye bags, and each one has its own proper treatment that you should follow to get rid of them for good.
PHOTO/S: ISTOCK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results