TOTOO BA: Washing face too much is not good for acne-prone skin?

"The most number of times you can wash your face is three times a day."
by Justine Punzalan
Nov 14, 2019
Do you have an acne-prone skin? Dr. Vicki Belo (not in photo) has a piece of advice: "The most number of times you can wash your face is three times a day. Five times a day is bad."
PHOTO/S: iStock

"Kaya ka nagkaka-pimple kasi hindi ka naghuhugas ng mukha."

May common notion na ang hygiene—or to be more specific, ang dirty skin—ang sanhi ng pagkakaroon ng pimple o acne.

Kaya naman, ang inherent reaction ay maghugas parati ng mukha.

Hindi ito exactly mali, pero hindi rin ibig sabihin na doing the opposite will do wonders to your face.

Sa Cosmpolitan Beauty Con, nagkaroon ng pagkakataong ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dr. Vicki Belo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa sa mga tinanong sa kanya ay: Can washing your face several times a day make your skin smooth and less prone to pimples?

Sagot ni Dr. Belo, "Washing your face is medyo mali kasi if you wash your face so much, you just irritate it and redness [appears].

"And your body will think, 'O, it's so dry. I better make more oil.'"

Ang nangyayari tuloy, magkakaroon ka ng oily skin, which, according to the beauty doctor, causes breakouts.

What is an acne-prone skin?

Ayon sa mga skin experts, genes play a role.

It's a given na ang skin ay makakaranas ng hormonal fluctuations at oil productions, at makaka-encounter ng acne-causing bacteria.

Pero may mga pinagpala na hindi mai-inflame ang kanilang sebaceous glands, na siyang nagpo-produce ng sebum, na may two major functions sa skin: (1) to keep the skin moist (2) to help prevent infection.

WHAT IS BAD FOR ACNE-PRONE SKIN?

Kung ikaw ay may acne-prone skin, ang skin mo ay "inherently dry, irritated, and inflamed."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya hindi advisable ang paghuhugas ng mukha nang higit sa tatlong beses kada bawat araw.

Sabi ni Dr. Belo, "The most number of times you can wash your face is three times a day.

"Five times a day is bad."

Pero pagdating sa pagri-rinse ng face, more is better.

Ani Dr. Belo, "You can rinse it 20 times" to make sure na walang naiwang residue ang facial cleanser na ginamit mo.

Huwag ring kaligtaang na bigyan ng extra TLC ang T zone—na sakop ang noo, ilong, baba, at ang area na nakapalibot sa bibig.

Binigyan ni Dr. Belo ng special mention ang chin area.

Aniya, "There are so many oil glands here."

These oil glands are then aggravated by many factors, pero isa sa mga pinaka-common ay paggamit ng toothpaste na hindi hiyang sa iyo tuwing ikaw ay nagsisipilyo.

Isa pang rason ay maaring mayroong "sack" or small pit sa ilalim ng balat mo na na-develop noong nagkaroon ka ng pimple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag ang mga sacks na ito are irritated, sa kanila tumutubo ang mga pimples.

Dinetalye ito ni Dr. Belo sa panayam niya sa PEP.ph at iba pang media people, "Adult acne, a lot of people get it from toothpaste around their mouth, sometimes, [there's] already a sack from an old pimple.

"[The pimple] already develops a sack. Hindi na siya iyong maliit lang, malaki nang [pit na] ganoon, so it keeps filling up."

Huwag rin daw kalimutang hugasan ang bandang tenga.

Aniya, "Sometimes, the ears kasi when you wash, the soap was there, and when you rinse, nakakalimutan, so this is very irritating to the pores.”

WHAT's the best skin care for acne-prone skin?

Ang paggamit ng tamang facial wash ay importante.

Ayon sa Prevention.com, humanap ng mga cleanser with the following ingredients: benzoyl peroxide, na hate na hate ng mga acne-causing bacteria; salicylic acid, na nakakatanggal ng pore-clogging debris sa skin, kabilang na rito ang blackheads at whiteheads); sulfur para mabawasan ang inflammation); glycolic acid, isang type ng alpha hydroxy acid na wina-wipe out ang dead skin cells.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinay-hinay lang though sa paggamit kasi naka-dry sila ng skin.

When you have acne-prone skin, you need to keep your face moist, at makakatulong diyan ang noncomedogenic (or anything labeled "oil free") moisturizer.

Samantala, inirerekomenda naman ni Dr. Belo ang "Agnes treatment."

Sa kanyang papapatuloy, "So there's a machine for that, we actually burn the sack so that no oil can accumulate there anymore.

"It's called 'Agnes.' It's especially for the chin, it's also for the oiliness, so you're less oily [and] get fewer pimples."

"The problem though is downtime and it's a little painful.

"Worth it naman."

Ilang sessions ang kailangan bago makita ang resulta?

Sagot ng doktora: "Four sessions, once every month."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Do you have an acne-prone skin? Dr. Vicki Belo (not in photo) has a piece of advice: "The most number of times you can wash your face is three times a day. Five times a day is bad."
PHOTO/S: iStock
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results