PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yssa Nicole Nengasca: "banana cue girl" na artistahin ang ganda

...pero mukha raw siyang tangke ng gasul noong bata pa.
by KC Cordero
Published Feb 15, 2022
Yssa Nicole Nengasca while selling banana cue.
Nag-trending ang banana cue vendor na si Yssa Nicole Nengasca matapos mapansin ng netizens ang angkin niyang kagandahan.

Parang artista.

Ito ang iisang reaksyon ng netizens mula nang mag-trending si Yssa Nicole Nengasca, ang tinaguriang “Banana Cue Girl” ng Barangay Poblacion 2, Midsayap, Cotabato.

Sixteen years old si Yssa at Grade 11 student sa Notre Dame of Midsayap College.

Yssa Nicole Nengasca while selling banana cue.

Nagtatrabaho sa ibang bansa ang kanyang mga magulang. Nang pumutok ang pandemya, naisipan ni Yssa na magtinda ng banana cue para may pandagdag sa allowance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago ang banana cue, nagtinda muna siya ng maja blanca at halo-halo.

“Sa ngayon, concentrate ako sa business. Four pesos ang isang piece ng banana cue. Pero PHP20 lang pag five pieces ang bibilhin.”

MUKHA RAW SIYANG GASUL NOONG ELEMENTARY

Active sa iba’t ibang social media platforms si Yssa. Kuwento niya sa kanyang uploaded video sa YouTube noong August 25, 2020, taga-Midsayap ang kanyang mommy, at taga-Davao City ang kanyang daddy. Sa Davao City rin siya lumaki.

“Sa parents ko siguro namana ang looks ko,” aniya.

Yssa Nicole Nengasca solo picture.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Palipat-lipat sila sa Midsayap at Davao City dahil sa personal reasons na ayaw na niyang banggitin.

Sa relatives siya nakatira ngayon.

“Yung pinaka-painful na naramdaman ko ay nung umalis si Daddy [para magtrabaho sa abroad], 'tapos sumunod si Mommy.”

Pagbabahagi pa niya, noong grade seven hanggang grade eight, tingin niya sa sarili ay hindi siya pretty. Sa Midsayap siya nag-aaral noon.

"I'm chubby. Yung mga classmate ko, tinutukso nila ako. 'Hoy, gasul! Hoy, pangit.'"

Noong una ay nasasaktan siya, hanggang sa makasanayan na niya ang panunukso ng mga ito.

Grade nine ay nag-transfer siya sa Davao City.

"Doon na ako nag-start mag-workout. Nag-diet ako. Inalagaan ko ang aking sarili.

"Pagbalik ko noong Grade 10 ako, dito na uli ako nag-aral sa Midsayap, yun, na-shock sila. Iba na kasi ang hitsura ko.”

PRIORITY ANG PAGTULONG SA FAMILY

Dahil mukhang artista, may mga nagtatanong kay Yssa kung saan siya mahusay.

Aniya, "I tried dancing and singing sa school, pero parang wala akong talent. Pangbanyo lang.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero base sa kanyang uploaded videos sa YouTube, may comedic talent si Yssa.

Noong January 30, 2022, isa siya sa mga nag-post sa kanyang Facebook account ng hugot lines nang aminin ni Donny Pangilinan sa panayam ni Karen Davila na na-ghosting pala ang popular Kapamilya teen star.

Nagpanggap si Yssa na siya ang babaeng tinutukoy ni Donny.

Screenshot of Donny Pangilinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

By the way, wala siyang boyfriend. At kung sakali mang ma-in love siya, “Ang tipo kong lalaki ay matino. Yung may pangarap. Pero hindi pa ako magbo-boyfriend.”

Mahilig siya sa pets. Meron siyang dog, pero iniwan niya ito sa Davao City. Nabalitaan niyang namatay na ito kamakailan.

“Nalungkot ako at di pa naka-move on.”

Biro niya, “Sa birthday ko, baka naman. Sana may magbigay ng dog.”

Isa naman sa mga gusto niyang baguhin sa kanyang sarili ay medyo mainitin ang kanyang ulo.

"Minsan nadadala ako ng aking emotion. Pag na-carried [away] ako, may mga nasasabi ako kung minsan."

Nasa Cotabato man si Yssa ngayon, plano pa rin niyang bumalik sa Davao City.

"After this pandemic na lang siguro kasi delikado pa ngayon ang panahon dahil sa virus."

Biro pa niya, ayaw pa niyang mawala sa mundo dahil bukod aniya sa mahal ang pagpapalibing ngayon, "Marami pa akong gustong ma-achieve.

“I want to travel, and help my family.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-trending ang banana cue vendor na si Yssa Nicole Nengasca matapos mapansin ng netizens ang angkin niyang kagandahan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results