PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie doll na may Down syndrome, inilunsad

Para mas inclusive ang saklaw ng Barbie dolls
by KC Cordero
Published Apr 26, 2023
Photo of a model with Barbie doll with Down syndrome
Ang Barbie doll na may Down syndrome ay isang paalala na hindi dapat i-underestimate ang “power of representation." Nasa larawan ang British model na si Ellie Goldstein at ang bagong Barbie doll.

Inilunsad ng toy manufacturer na Mattel ang kauna-unahang Barbie doll na may Down syndrome ngayong April 26, 2023 (Manila Time).

Nakipag-ugnayan ang Mattel sa National Down Syndrome Society (NDSS) para matiyak na accurate na maire-represent ng bagong Barbie doll ang mga taong may Down syndrome.

Photo of Barbie doll with Down syndrome

Tampok sa damit ng doll ang mga disenyong paru-paro, gayundin ang mga kulay na yellow at blue bilang pagpapahayag ng Down syndrome awareness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang naman sa accessories ang pendant necklace na may tatlong chevrons—na nagre-represent ng tatlong kopya ng 21st chromosome.

Mayroon din itong ankle foot orthotics, na ginagamit ng mga batang may Down syndrome bilang support.

Read also: Pia Wurtzbach channels Barbie for her 33rd birthday shoot

HAKBANG PARA MAS INCLUSIVE ANG SAKLAW NG BARBIE DOLLS

Pahayag ni Kandi Pickard, NDSS president and CEO ng Mattel, ang Barbie doll na may Down syndrome ay isang paalala na hindi dapat i-underestimate ang “power of representation."

Isa aniya itong malaking hakbang para sa “inclusion and a moment that we are celebrating."

Photo of Barbie doll with Down syndrome

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa bagong produkto ng Mattel na itinuturing na "the most diverse doll on the market," umaasa ang kumpanya na maipagpapatuloy nito ang “journey of inclusivity.”

Noong 2020, ang Barbie Fashionistas line nito ay nagtampok ng mga unang manika na may vitiligo, walang buhok, mas dark ang skin tone at may gold prosthetic limb.

Read also: Kelsey Merritt nagmistulang Barbie doll sa 2022 Venice Film Festival red carpet

ANO ANG DOWN SYNDROME?

Ang Down syndrome ay isang genetic condition kung saan ang isang tao ay ipinapanganak na may extra copy ng chromosome 21.

Ibig sabihin, mayroon siyang kabuuang 47 chromosomes sa halip na 46.

Nakaka-apekto ito sa kanyang utak at development ng katawan.

Ang mga taong may Down syndrome ay nabubuhay nang masaya lalo na kung maaalagaan at masusuportahan.

Kada taon, tinatayang nasa 6,000 sanggol na isinisilang sa United States ang may Down syndrome.

Ang naturang kondisyon din ang itinuturing na “most common chromosomal condition diagnosed in the United States.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read also: Andrea Torres admits being offended by negative comments about her brother with Down Syndrome

“COMMITMENT TO REPRESENTATION”

Inihayag naman ni Kim Culmone, senior vice president of Barbie and dolls design, ang napakalaking pagbabago ng Barbie bilang brand sa mga nakalipas na panahon.

Sinasabing may epekto ang mga Barbie dolls sa beauty standards ng sosyedad. Maraming bata sa iba't-ibang panig ng mundo ang lumaki kasama ang kanilang perfect-looking dolls na tila naging batayan pagdating sa konsepto nila ng pagiging maganda.

Posibleng isa ito sa rason ng brand para paigtingin ang “commitment to representation with a variety of diverse dolls."

Ngayong taon, kabilang sa 2023 Fashionistas line-up ng mga bagong manika ay may braces. May Ken Fashionista naman na may prosthetic leg.

Photos of Barbie dolls

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman kay Lisa McKnight, executive vice president and global head of Barbie and Dolls, ang layunin ng kumpanya ay makita ng lahat ng bata ang kanilang sarili sa Barbie.

Sa pamamagitan ng paglalaro ng bata ng manika na kaiba sa buhay na kinamulatan, natuturuan itong makaunawa at magkaroon ng simpatya—“leading to a more accepting world."

Read also: Fil-Am Dr. Audrey Sue Cruz, kinilala at ginawan ng Barbie doll version

2 BABAENG MAY DOWN SYNDROME, TUMULONG SA DESIGN AND STYLE

Para naman kay Michelle Sagan ng NDSS, mahalaga ito hindi lang para sa mga may Down syndrome at kanilang pamilya kundi maging sa iba pang indibidwal na gustong maglaro ng manika—may kapansanan man ang ito o wala.

Ibinahagi rin ni Sagan na nakipag-ugnayan sa NDSS ang Mattel isang taon na ang nakalilipas.

Nagtulungan sila para mabuo ang Barbie doll na may Down syndrome.

Read also: Meet Brina Maxino, the degree holder who has Down Syndrome

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbigay ang NDSS ng feedback, na malugod na tinanggap ng Mattel.

Nakibahagi sina Charlotte Woodward at Kayla McKeon— mga babaeng parehong may Down syndrome—sa mga miting na isinagawa.

Nagbigay rin ang dalawa ng opinyon para sa design and style ng manika.

Isang medical professional naman ang nag-review sa physical features.

Ang mukha ng Barbie doll na may Down syndrome ay mas mabilog, maliliit ang tainga, at flat ang nasal bridge.

Ang katawan ay mas maikli ang frame at mahaba ang torso.

Ang mga palad ay iisa ang guhit—isang characteristic ng may Down syndrome.

Umaasa si Sagan na ang version na ito ng Barbie doll ay magbubukas ng mga talakayan tungkol sa naturang kondisyon, at mas malawakang pagtanggap at pang-unawa sa mga taong may Down syndrome.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Barbie doll na may Down syndrome ay isang paalala na hindi dapat i-underestimate ang “power of representation." Nasa larawan ang British model na si Ellie Goldstein at ang bagong Barbie doll.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results