Paano nga ba nakukumbinsi si Vice Ganda para maging endorser ng isang brand?
“Money, charot,” ang tumatawang bulalas ng It's Showtime host.
Kidding aside, isa sa mga binanggit niya ay ang TV Commercial (TVC): Dapat swak sa personalidad niya.
Aniya, “Yung TVC na ginawa namin that’s very ano… kumbaga nung pinresent nila sa akin yung storyboard, sinabi nila sa akin na yung nagawa daw nila ay parang representation of how they see me.
“Parang pag pinapanood daw nila ako, napi-feel nila na parang I make things seem so easy, parang keri ko lang lagi, yung ganun.
“Parang lahat mukhang mahirap, pero parang kine-keri niya lang. The situation may seem kinda hard, pero pag ginampanan ko siya.
"Parang keri ko lang siya, so parang connected din sa akin."
VICE GANDA's interest IN THE PRODUCT
Isa sa mga ini-endorsong beauty product ni Vice ay ang Luxe Skin Beauty Talks L’Anna, na isang "oral sunblock."
Ang natatawang dugtong ng stand-up comedian, "Oral siya. Alam niyo naman, siyempre mahilig ako sa oral ano, presentation.
"Bata pa lang, anything oral parang kaya ko iyan, charot."
Seriously speaking, na-curious daw siya dahil kakaiba ang product.
“Nung una, parang it’s alien to me, yung thought na oral sunblock, parang hindi ko pa siya naririnig.
"Hindi pa ako masyadong aware or exposed dun sa konsepto ng oral sunblock, kaya sabi ko, ‘Ay parang ang bongga nun!’
“Kasi just like me, ang dami kong gustong i-try na mga bago, risk-taker ako, e, yung ganun, gusto ko marami akong i-try.
"Ayoko nung nahuhuli din ako o kaya it’s either makasabay ka sa panahon o mauna ka or ikaw ang mag-i-introduce ng mga bagong bagay sa mga taong nakapaligid sa iyo.
“So, bago siya sa akin tapos tinry ko siya tapos in-explain niya sa akin, sabi ko, ‘Puputi ba talaga ako dito?’
“Sabi niya, ‘Hindi naman kasi din talaga iyon yung ano, hindi kasi yun ang purpose ng paggamit ng produktong iyan.’"
VICE GANDA SEES THE BENEFITS OF USING THE PRODUCT
Hindi siya nakakaputi, pero as its name suggests, proteksiyon siya sa araw para hindi ka mangitim.
Napaka-profound naman ng takeaway ni Vice.
Sa pagpapatuloy niya, “Kumbaga di ba meron superficial na idinudulot sa iyo, merong skin-deep na idinudulot sa iyo, sa loob di ba.
"Ito hindi lang panlabas yung pinoprotektahan sa iyo. saka hindi lang panlabas yung pinapaganda sa iyo, inaalagaan ka din niya sa loob.
“And nandun ako sa punto ng buhay ko na gusto ko naman merong nag-alaga sa akin sa loob, hindi lang sa panlabas ang napapaganda sa akin, yung meron siyang epekto sa kaibuturan ko, ganun! Hahaha!
“So meron siyang epektong ganun, kumbaga meron siyang mga ingredients nanakakatulong sa…Siyempre, kaka-celberate ko lang ng 48th birthday ko, di ba.
"Proud ako sa edad ko, pero ayokong magmukhang… di ba, sino gustong magmukhang losyang?
“Gusto natin 48 tayo pero we are aging gracefully, hindi tayo natutuyot, hindi tayo nalalaos, kumbaga meron pang isasagad yung kagandahan natin.
“Itong mga ganitong klaseng products, ito yung makakatulong sa iyo para mas ma-achieve mo yung better version of yourself.
"Hindi yung habang tumatanda ka, paubos ka nang paubos, hindi lesser and lesser version of yourself yung nakikita nila kundi better and best version of yourself.
"Ganda, no? Hahaha!”
Read: Radiant in white: Vice Ganda's star-studded post-birthday party
VICE GANDA CAN VOUCH FOR THE PRODUCT SAFETY
Yes, dapat safe ito.
Dagdag na pahayag ni Vice, “Simple lang kasi ako, ayoko ng maraming… ayoko ng kumplikasyon.
"Kaya itong L’Anna na supplement na ito, ang dali lang naman, kasi anytime, kahit may laman ang tiyan o wala, puwede mo siyang gamitin, hindi yung natatakot ka, ‘Masisira ba ang tiyan ko dito?’
“So ayan, kasama siya sa everyday routine ko, sa morning kahit hindi pa ako nakakakain kasi kailangan na ko sa Showtime or may chance na kumain or maisasabay ko siya, napakadali lang gamitin.
“Very basic lang kasi talaga ako, kasi feeling ko naman hindi ko kailangan masyado, ang dali-dali namang i-maintain nito.
"Dalawang products lang tapos magandang combo ng prayers, isang Glory Be, dalawang Hail Mary, at isang Our Father,” at tumawa si Vice.
ABOUT ORAL SUNBLOCK
Bago nga sa kamalayan ng mga Pinoy ang sunblock na iniinom, sanay ang madla sa ipinapahid sa balat, kaya sa palagay ni Vice, ano ang magiging pagtanggap ng publiko sa oral sunblock?
Sagot ni Vice, “Mga Filipinos naman kasi, very ano sila e, very flexible, very adaptable, especially now, yung Gen Z, they keep up with the time, di ba?
“Hindi na nahuhuli yung mga mamimiling Pilipino ngayon, especially because of social media, sobrang aware yung mga tao sa mga nangyayari, sa mga issues sa kapaligiran.
“Ang health ngayon, malaking bagay sa kanila, ang wellness malaking bagay sa mga tao.
"Kaya di ba ang dami din na nagsusulputang produkto na nagbibigay ng, yung sinasagot yung mga pangangailangan ng mga Pilipino sa wellness.
"Kaya yung mga Pilipino, hindi na ito magiging mahirap para sa kanila, nakasanayan na nila kasi ganun na yung mga Pilipino ngayon.
“Nagsisimula na silang, especially after the pandemic, yung health scare nating lahat, di ba, now after the pandemic, we are making sure na malusog tayo.
"Na kung saka-sakaling magkakaroon man ng anumang banta sa kalusugan natin or healthcare, hindi tayo mapaparalisa or matataranta o mapupunta sa isang sitwasyon na hindi tayo handa.
“So, yung mga ganitong products, feeling ko hindi mahihirapan ang mga Pilipino na kasanayan at gawing bahagi ng kanilang lifestyle.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Vice sa launch noong April 17, 2024, sa Manila House, Bonifacio Global City.
