PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Influencer admits PHP8-million cosmetic surgery changed her life

Sulit daw talaga ang nagastos
by KC Cordero
Published Sep 13, 2024
Hirase Airi then and now
Hindi na makikilala ngayon si Hirase Airi. Aminado siyang gumastos ng PHP8 milyon sa pagpapabago ng kanyang hitsura. Aniya, sulit naman dahil nagkaroon ng 180-degree turn ang malungkot niyang buhay sapul pagkabata na dulot ng kanyang dating hitsura. (Photos courtesy of @Nyairin_0518 on YouTube)

Mula pagkabata ay tampulan na si Hirase Airi ng panunukso at laging nabu-bully dahil sa pisikal niyang anyo.

Masakit ang mga panlalait na kanyang natatanggap araw-araw.

Bukod dito, may bubog ding dulot sa kanya ang problemang pampamilya.

Naghiwalay kasi ang kanyang ama’t ina noong bata pa siya.

Hindi maganda ang naging pakikitungo sa kanya ng ina dahil kamukha ni Hirase ang ama, kaya parang araw-araw rin nitong nakikita ang hiniwalayang mister.

Madalas din daw siyang sabihan na sana ay hindi na lang siya nito ipinagbuntis.

Read: Japan’s "most frugal woman" spends PHP79 on food daily; now owns three houses

Hirase Airi then
Maging ang ina ni Hirase Airi ay hindi gusto ang kanyang hitsura—na bukod sa hindi kagandahan (base sa biased beauty standards) ay kamukha pa niya ang amang kinamumuhian ng ina. Photo: Screenshot @Nyairin_0518 on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Life story of farmer’s son who finishes college after 10 years

Dahil sa mga tila basag na bubog na ito na humiwa sa kanyang pagkatao, ipinangako ni Hirase sa kanyang sarili na kapag may sapat na siyang pera ay ipababago niya ang kanyang mukha.

Ilang buwan ang nakalilipas, nag-upload si Hirase sa kanyang YouTube channel ng ilang videos tungkol sa dramatikong pagbabago ng kanyang kaanyuan.

Read: Photographer nanalo sa photo contest gamit ang lumang iPhone

Hirase Airi now
Ito na ngayon ang hitsura ni Hirase Airi na sobrang layo na sa kanyang dating anyo, Photo: Screenshot @Nyairin_0518 on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: A Boy, a Bicycle and a Legacy: Remembering John Gokongwei Jr.—the film

Ipinakita niya ang kanyang hitsura noong bata pa siya hanggang maging teenager—at ang kanyang anyo ngayon na isa nang pretty girl.

Namangha ang mga nakapanood sa kanyang transformation dahil sa sobrang ganda niya ngayon kumpara noon.

Read: SUCCESS STORY: Batang magbubukid Amado Panes now a teacher

INFLUENCER, MAAGANG NAGPLANONG SUMAILALIM SA COSMETIC SURGERY

Nakatapos lang ng high school si Hirase kaya hindi siya makapag-apply sa mga trabahong mataas ang suweldo.

Sixteen years old siya noon.

Ang ginawa niya ay namasukan siya nang sabay bilang security agent at delivery girl.

Namuhay rin siya nang simple para makaipon siya ng sapat na pera para sa plano niyang cosmetic surgery.

Humiwalay na siya sa kanyang ina at nangupahan sa isang mumurahing apartment.

Read: Fil-Am White House executive chef retires after 29 years

Nakaipon siya ng 10 million yen o PHP 3,972,410—at agad siyang sumailalim sa procedure para ipabago ang kanyang mukha nang sumapit na siya sa edad na 19 noong 2020.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi doon natapos ang pagpapabago sa kanyang anyo.

Noong 2021 ay may mga sumunod pang procedures, including breast augmentation.

Sumailalim din siya sa skin treatments para kuminis ang kanyang kutis.

Ayon kay Hirase, sa kabuuan ay gumastos siya ng mahigit 20 million yen o PHP 7,944,820 para sa iba’t ibang procedures, ma-achieve lang niya ang pangarap na kagandahan at makaiwas na sa panlalait at pambu-bully.

Halos lahat naman ng bahagi ng kanyang katawan mula ulo hanggang paa ay nabago—maliban aniya sa kanyang lips.

Read: VIRAL: Teacher climbs flagpole to secure flag knot

NAGING SOCIAL-MEDIA INFLUENCER AT SUMIKAT MATAPOS ANG COSMETIC SURGERY

Twenty-six years old na ngayon si Hirase.

Kahit malaki ang kanyang nagastos sa cosmetic surgery, para kay Hirase ay sulit naman dahil nagkaroon ng 180-degree turn ang takbo ng kanyang buhay.

Read: SUCCESS STORY: 4Ps scholar Khane Cervantes is Magna Cum Laude and teacher's board Top 1

Hirase Airi then and now
Mula nang sumailalim sa procedure ay nagkaroon na ng maraming oportunidad si Hirase Airi para mapaunlad ang kanyang buhay at mawala ang panlalait sa kanya ng mga tao. Photo: Screenshot @Nyairin_0518 on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: Bus conductor who feeds stranded passengers survives being stranded himself

Dahil pretty girl na siya, nagkaroon siya ng appearance sa mga TV shows sa Japan kabilang ang Hyena of Love.

Mayroon siyang 419K subscribers sa YouTube, at milyun-milyong followers sa iba’t ibang social media platforms.

Ang kanyang contents ay tungkol sa plastic surgery, at kung paano nito binago ang kanyang buhay.

Naging advocate siya ng cosmetic enhancement.

Aniya, siya ang buhay na halimbawa na ang ganitong procedures ay kayang maghatid ng mga positibong pagbabago sa buhay ng isang tao.

Hinihikayat niya ang mga taong kulang ng kumpiyansa sa sarili dahil sa kanilang anyo na ikunsidera ang cosmetic surgery para maging confident.

Pero laging mahigpit na paalala ni Hirase sa kanyang mga followers: “Use plastic surgery in moderation.”

Read: Paintings of 2-year-old artist sell for PHP400K

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi na makikilala ngayon si Hirase Airi. Aminado siyang gumastos ng PHP8 milyon sa pagpapabago ng kanyang hitsura. Aniya, sulit naman dahil nagkaroon ng 180-degree turn ang malungkot niyang buhay sapul pagkabata na dulot ng kanyang dating hitsura. (Photos courtesy of @Nyairin_0518 on YouTube)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results