Nalalakihan ka ba sa iyong mukha at naghahangad na sana ay mas defined ang cheekbones at jawline mo?
Sa mga gusto ng “hugis bigas” na mukha, isa sa options para ma-achieve ito ay ang buccal fat removal procedure.
Marami-raming artista na ang sumailalim sa procedure na ito para mas maliit tingnan ang mukha nila sa screen.
Isa na rito si Xyriel Manabat, na nag-viral pa ang kanyang glow-up noong nakaraang taon.
Mismong ang beauty clinic ni Xyriel na Faces ang Curves ang nagkumpirma na sumailalim ang Kapamilya actress sa surgical procedure na ito.
Read: Here's how much it costs to achieve Xyriel Manabat's beauty transformation
WHAT IS BUCCAL FAT?
Sa Harvard Health Publishing article na inilathala nitong November 5, 2024, tinalakay ang cosmetic procedure na ito.
Ang buccal fat ay ang taba sa pisngi o pagitan ng iyong cheekbones at jawline.
Magkakaiba ang buccal fat ng tao—ang iba ay mas malaki ang pisngi at ang iba ay mas obvious ang contour ng mukha.
Ayon sa Harvard, may kinalaman ang genes, edad, at body weight sa buccal fat ng isang tao.
May mga pagkakataong nagmumukhang mas bata ang tao kapag may round cheeks.
Pero ang iba, nalalakihan masyado sa kanilang pisngi at chin area kahit pa hindi naman sila overweight.

Read: What’s the real deal about beauty-clinic promos
HOW THE BUCCAL FAT REMOVAL PROCEDURE IS DONE
Ang Buccal Fat Removal ay tumatagal ng less than one hour.
Pinapauwi rin ang pasyente pagkatapos ng procedure.
Isinasailalim din siya liquid diet sa loob ng ilang araw o linggo.
Kelangan din ang mouth rinses para maiwasan ang infection ng mga sugat.
Sa interview ng doctor ng Faces and Curves noong 2023, ang price range na binanggit niya ay PHP45,000 to PHP55,000.
Kailangan ding isaisip na mayroon itong risks, tulad ng infection at bleeding kaya importante ang proper care matapos ang operasyon.
Isa ring risk ang nerve damage na maaaring magdulot ng permanent o temporary numbness sa pisngi.
Binanggit din sa Harvard article na isang risk ang overcorrection o nasobrahan ang fat na natanggal at maaaring hindi ma-achieve ang resulta na hinahangad.
May posibilidad ding hindi pantay ang buccal fat na natanggal sa dalawang pisngi.
Kaya importanteng legit at certified cosmetic surgeon ang kinokonsulta para rito.
NON-INVASIVE WAY TO REMOVE BUCCAL FAT
Kung gusto mo ng non-invasive option, maraming beauty clinics na gumagamit ng machines, gaya ng radiofrequency at heat, para matunaw ang facial fats.
Ang healthier option, siyempre, ay mag-diet at mag-exercise.
Importante rin ang hydration o pag-inom ng sapat na tubig para ma-flush out ang fats sa katawan.
Huwag kalimutan ang sapat na tulog at pag-iwas sa stress na sanhi ng pagtaas ng cortisol, na siyang trigger sa stress eating.
May mga suggested facial exercises din sa social media na sinasabing makakatulong para ma-improve ang hugis ng mukha.
May mga netizens na nagpapatotoong effective sila, pero meron ding mga kumukuwestiyon.
Pero kung hindi naman ikapapahamak, hindi masamang subukan, di ba?
