Jennylyn Mercado, 37, rebrands her 10-year-old salon as Dyln style lounge.
Named after her unica hija Dyln, it’s a one-stop shop offering not just haircuts or mani-pedis, but also lash extensions, brow lamination, and beauty drips.
It is located at 128 Animat Building, Maginhawa St., Diliman, Quezon City.
In an interview with select members of the press, including PEP.ph (Philippine Entertainment), Jennlyn says that Dyln used to be Fit and Form, a three-story building in Kamias, Quezon City.
She elaborates: "Dapat talaga wellness center siya.
"Noong time na yun, meron akong ka-partner, tapos yung partner ko iniwan ako, and then nag-decide ako na gawin na lang siyang salon.
"Now 10 years na siya, ako pa rin mag-isa. Mas okay na rin iyan para rin hindi na magulo. Sariling business ko na lang siya talaga."
As a celebrity, owning her own beauty lounge feels like the perfect fit for her.
"Love ko naman ang pagpapaganda. Isa yun sa mga ginagawa talaga naming mga artista. Kaya passion na rin para sa akin.
"Kung ano yung quality na ginagawa sa aking service—sa buhok, sa nails, sa loob ng sampung taon na-master na namin at nagi-improve bawat taon.
"Ngayon may additional services kami—lashes, drip, brows."

Is it better to save or take out a loan to finance the capital for her business?
"Kung may income ka naman na talagang regular na pumapasok, at secured ka naman, puwede namang galing sa iyo na.
"Kasi mahirap din ang may utang. Di tayo sure kung anong mangyayari baka di natin mabayaran. Maapektuhan lahat—yung business mo, yung family mo isipin din yun.
"As much as possible na kung kaya na manggaling sayo, sa iyo na lang."

Read: Jennylyn Mercado finally renews contract with GMA Network
JENNYLYN MERCADO HANDS-ON OWNER
How hands on is she when it comes to managing Dyln?
Jennylyn answers: "Yung reports, tawag, maya't maya. Importante na hands-on para hindi tayo naloloko.
"Hindi natin masasabi yung panahon ngayon. Hindi natin alam may nangyayari na hindi mo alam.
"So mas maganda na aware ka sa lahat ng galaw at sa lahat ng decisions sa business mo."
Asked about her recommended services, Jennlyn names the health and beauty drips, while Dennis likes the hair grower treatment.
"Kasi di ba ngayon uso mga sakit, lagi kami nasa labas, exposed kami sa mga tao, so importante na tumaas yung immune system. Tsaka siyempre yung glow, kasama na yung mga gluta [drip].
"Usually sabay kami ni Dennis or pumupunta sa bahay pag wala talagang oras. Dito ako nagpapa-hair color, haircut at nails. Arte-arte. Hahaha!"

Read: How Dennis Trillo, Jennylyn Mercado's film company was born
ON QUALITY CONTROL
To prove her point, Jennylyn tells PEP that she personally tries the products and services at her salon.
"Siyempre dapat quality yung mga ginagamit na pang-hair, lalo na sa lash dahil sa mata iyan. Mahirap na makaaksidente kami.
"So, talagang inaaral muna, may mga tests. Ako mismo, sa sarili ko, ako muna ang nag-test bago namin ipa-test sa ibang tao. May mga research siyempre.
"Sa drip, hindi puwede kung sinu-sino ang magtutusok sa vein [ng customer]. May registered nurse kami. Nag-skin test muna kami bago ipasok yung IV [drip sa vein].
"Kailangan maging cautious kasi health yun ng tao. Diretso sa vein [pag beauty drip], diretso sa mata [lash extension], buhok ng tao.
"So mahirap magkamali."

Jennylyn tells PEP that she personally underwent training on the proper application of lash extensions, highlighting her commitment to providing top-notch service at Dylyn’s lash extension studio.
"Nanonood ako, nag-train ako nung sa lashes. Kasi gusto kong lagi ako naka-lashes.
"Kasi pagkagising mo, ayos ka na, hindi mo na kailangan mag-mascara, buhay na yung mata.
"So nung nag-training sila dito, nagla-lash training sila, kasama ako.
"Na-realize ko ganun pala talaga kahirap, yung pulido. Isa-isa mo siyang gagalawin. Kailangan steady yung hands mo."

Read: Jennylyn Mercado shares secret to stress management
WHAT HAS SHE LEARNED AS AN ENTREPRENEUR
Over the years, Jennylyn has come to understand that failure is an inevitable part of running her own business, serving as a stepping stone to growth and success.
"Maraming beses na rin kaming nag-fail. Hindi naman palaging puno yung business mo. May mga times na wala ring tao.
"Pero siyempre di ka pwedeng tumitigil lang sa ganun. Kailangan nage-explore ka ng bago sa services.
"Importante yung tiwala sa iyo ng customers."

What matters most to her is having a reliable legal team to ensure she avoids any legal complications.
"So kailangan ngayon, sa dami nang natutunan ko, kailangan sigurista tayo.
"Sobrang suwerte ko na yung legal team kotalagang tutok iyan. Kung minsan may ma-miss ako, sila yung 'Uy, eto iyan.' So suwerte ako na andiyan sila sa tabi ko. Di nila ako pinapabayaan.
"Importante talaga yung due diligence. I-review niyo, hindi basta papasok sa kahit anong business nang di niyo alam pinapasok niyo.
"Kung gusto niyo ng partner, kilalanin niyo muna nang mabuti. Kung kaya mag-isa, kayo na lang."
While Dylyn is her solo venture, Jennylyn says that she consults her husband, Dennis Trillo, 43, on her business decisions.
"Halos lahat ng gawin ko, hindi lang sa business, pati sa showbiz career. Lahat iyan sinasabi ko kay Dennis.
"Importante na open ka sa partner mo, sa family mo, kung ano yung mga ginagawa mo.
"Baka magulat na lang sila. 'Pinasok mo ito?!' Tapos may problema na pala."
Having a business is not just an investment for Jennylyn, but she also considers it her pamana for son Alex Jazz and daughter Dylyn.
"Siyempre kaya ko naman ginagawa ito para sa future ng pamilya ko, sa mga anak ko.
"Pag wala ako, sila na magha-handle nito, para naman secure na yung future nila.
"Pag dumating yung panahon na kailangan ko silang iwan—huwag naman—pero di natin masasabi yung panahon. Di natin alam kung ano puwede mangyari."
