PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mom ends up at ER after popping pimple in “Triangle of Death”

Why "Triangle of Death" is a dangerous facial zone
by KC Cordero
Published Aug 21, 2025
The young mom and the Triangle of Death area
Ibinahagi ng isang young mom ang nakakatakot niyang experience matapos magpisa ng pimple na nasa “Triangle of Death” ng kanyang mukha. (Photos: @lishamarie on TikTok, Shape)

Ibinahagi ni Lish Marie ng Michigan, USA, ang isang video last August 8, 2025, kung paanong ang pimple sa mukha niya ay nagdulot ng panganib sa kanyang buhay.

Ang overlay text sa video: "Reminder. Do not pop a pimple in the death triangle. Or you will end up at urgent care."

Ang tinutukoy niyang facial area ay sa ilalim ng left nostril, kung saan pinisa niya ang pimple gamit ang kanyang mga kuko.

Screenshot of young mom's TikTok video
Ang screenshot ng TikTok video ng young mom na si Lish Marie. Photo: @lishmarie1 on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang limang oras, naramdaman niyang may mali sa kanyang mukha. Namaga ang kaliwang bahagi nito.

Kapag sinusubukan niyang ngumiti, napakasakit.

Tanging ang kanang bahagi ng kanyang bibig ang naigagalaw niya.

Read: TOTOO BA: Ref magnets spike electric consumption?

YOUNG MOM ADMITTED TO EMERGENCY ROOM

Makalipas ang apat na oras, nagpunta si Lish Marie sa emergency room ng isang ospital.

Mabilis naman siyang nilapatan ng lunas ng mga doktor.

The young mom
Mapapansin ang tila pagkakangiwi sa mukha ng young mom dahil sa infection. Photo: @lishmarie1 on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binigyan agad siya ng apat na gamot kabilang ang antibiotics and steroids para sa infection na pumasok sa kanyang bloodstream.

Read: Solenn Heussaff, Nico Bolzico on a mission for dengue-free home

OTHER CASES OF POPPING PIMPLES IN TRIANGLE OF DEATH

Ang TikTok video ni Lish Marie ay nakakuha na ng 10.7M views, 241K reactions, at mahigit 3K comments.

Nung nag-viral iyon, iniulat ng news website na New York Post last August 12 na maraming kaso ng mga taong nagpisa ng pimples sa same area ng mukha ang nagkaroon ng disastrous consequences.

Isang babaeng hindi na tinukoy ang pangalan ang dumanas ng staph (Staphylococcus or Streptococcus) infection na mas masakit daw kumpara sa naranasan niya nung nanganak.

Nagkaroon din siya ng permamenteng pilat sa mukha.

Isa pang nanay ang nagbahaging ang anak niyang dalaga ay isang linggong naospital at kinailangang sumailalim sa facial surgery dahil kumalat ang infection ng pinisa nitong pimple.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Couple sells wedding tickets; earns PHP7.5 Million

WHAT IS TRIANGLE OF DEATH?

Napag-alamang sa mga kaso, kabilang ang kay Lish Narie, ay sa iisang bahagi lang ng mukha sila nagpisa ng pimple.

Ang area na ito ay tinatawag na “Triangle of Death.”

The Triangle of Death area
Ang diagram ng bahagi ng mukha na tinatawag na Triangle of Death. Photo: X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang triangular area sa mukha na nasa pagitan ng bridge of the nose at corners of the mouth.

At dahil sa anatomical structure ng area na ito ng mukha, ang pagpisa sa maging napakaliit na pimple ay nagiging dahilan ng kumplikasyon.

Read: Shoulder fillers or "Jennie Shoulders," do you want them, too?

WHY POPPING PIMPLES IN TRIANGLE OF DEATH IS EXTREMELY DANGEROUS

Sa panayam ng media outlet na NDTV kamakailan sa Indian dermatologist na si Dr. Vishakha Dhorde, ipinaliwanag kung bakit delikadong magpisa ng pimple sa bahagi ng mukha na tinatawag na Triangle of Death.

Ani Dhorde: “There is no valve mechanism in this area to prevent retrograde blood flow.

“If bacteria from an infected pimple enter these veins, they can reach the brain and cause severe infections such as septic cavernous sinus thrombosis, potentially leading to loss of eyesight, stroke, paralysis or even death.”

Dagdag ng isa pang Indian dermatologist na si Dr. Ajay Rana: “Because of this anatomical pathway, an infection in this zone can, in rare cases, spread from the face to the brain without the protective filtering of other parts of the circulatory system.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibig sabihin, kapag nagpisa sa facial area na ito, nagkakaroon ng open wound kung saan makakapasok ang mapanganib na bacteria sa bloodstream.

Nagiging sanhi ito ng infection na posibleng makarating sa utak.

Read: Dr. Sam Bernardo cautions against unsafe dental trends on social media

CASES ARE RARE, BUT WHY TAKE THE RISK?

Gayunpaman, ang mga ganitong kaso ay rare o bihirang mangyari.

Sa kabila nito, ipinapaalala ng mga dermatologists na gaano man kaliit ang risk, huwag itong balewalain.

Gaya sa kaso ni Lish, sinong mag-aakalang sa pagpisa niya ng pimple na nasa Triangle of Death ay sa hospital siya babagsak?

Read: Filipino scientist returns home after studying at Harvard University: 'I came back to serve.'

YOUNG MOM THANKFUL SHE ACTED QUICKLY

Sa isa pang TikTok video na ini-upload ni Lish last August 10, sinabi niyang mabuti na lang at agad siyang sumugod sa hospital matapos maramdamang may mali sa kanyang mukha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya sa video, “I think I caught mine extremely quick, within hours so I’m on a ton of meds.”

Beinte kuwatro oras umanong tabingi ang kanyang pagngiti.

Bumalik lang ang maayos na kondisyon ng kanyang mukha makalipas ang tatlong araw.

May ibang hindi kasingsuwerte ni Lish.

Ito ay dahil ang bacteria na gaya ng Staphylococcus o Streptococcus ay napakahirap gamutin kapag nakapasok na sa bloodstream.

Kapag pinisa o tiniris nang todo ang pimple sa Triangle of Death, ang pamamaga ay maaaring kumalat hanggang sa cavernous sinus.

Magiging sanhi naman ito ng pag-press ng mga ugat sa optic nerves at iba pang sensitive organs na malapit sa utak.

Read: Man chooses country to travel to by throwing dart at world map

HOW TO POP PIMPLES IN THE TRIANGLE OF DEATH

Para sa mga conscious na may pimple sa Triangle of Death, ipinapayo ng mga doktor na kung talagang gusto itong tirisin, kailangang maging sobrang ingat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
  • Maghilamos munang mabuti.
  • Hugasan din ang mga kamay gamit ang tubig at sabon.
  • Huwag pipisain ang pimple gamit ang mga kuko. Sa halip, gumamit ng cotton swab. Kung gagamit ng popping tool, siguraduhing na-disinfect muna ito sa pamamagitan ng alcohol.
  • At kung anumang paraan ang gagamitin sa pagtitiris ng pimple, huwag mag-apply ng sobrang pressure para maiwasan ang pamamaga.

Marami sa mga nagkomento sa video ni Lish ang nagpahayag ng pangamba at nagsabing magiging maingat na sa pag-treat sa pimple na nasa Triangle of Death.

Patotoo ng isang netizen: “I almost died from this. It’s no joke, I was hospitalized for a week and a half and had surgery.”

Marami rin ang nagpasalamat kay Lish Marie dahil ngayon ay naging aware na sila sa panganib na hatid ng simpleng pagpisa lang sa pimple.

Read: Working mom passes civil engineering board exam after 11 tries

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinahagi ng isang young mom ang nakakatakot niyang experience matapos magpisa ng pimple na nasa “Triangle of Death” ng kanyang mukha. (Photos: @lishamarie on TikTok, Shape)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results