Ang mahahaba at malalantik na pilikmata o eyelashes ay isa sa “coveted physical features” ng mga kababaihan.
Ito ang dahilan kaya masigla ang industriya ng fake eyelashes.
Gayunpaman, ang long lashes ay tila hindi patok sa mga kalalakihan.
Para sa ibang “alpha male types,” ang pagkakaroon ng isang lalaki ng mahahabang pilikmata ay “too feminine.”
Kaya sa ibang parte ng mundo, ang ginagawa ng mga lalaking may long eyelashes ay tini-trim.
LOOKSMAXXING: A GLOBAL TREND
Sa video na ini-upload ng YouTube channel na The Social CTV last March 12, 2026, ibinahagi na malaking bilang ng mga kabataang lalaki sa buong mundo ang sumusunod sa beauty trend na pagti-trim ng kanilang eyelashes “for a more masculine look.”
Ipinapagawa nila ito alinman sa mga barber shops o beauty salons.
Ayon pa sa video, nagiging global trend na ito.
Maraming lalaking users ng TikTok at iba pang social media platforms ang nagpo-post ng video habang nagpapa-trim ng eyelashes.
Ikinukunsidera nila itong bahagi ng “looksmaxxing," isang word na na-coin sa online forums noong 2010s at sumikat sa TikTok.
Isa itong self-improvement practice na naka-focus sa pagma-maximize ng physical attractiveness “largely targeting boys and young men across social media.”
IS IT SAFE TO CUT OR TRIM YOUR EYELASHES?
Pero hindi ipinapayo ng mga medical professionals ang pagti-trim ng eyelashes.
“Lashes typically have a limited growth cycle, and they rarely reach a length that would pose a problem,” ayon kay Dr. Stephanie Trovato, isang dermatologist, sa artikulong nalathala sa medical website na clevelandclinic.org last June 19, 2026.
Paliwanag ni Trovato, ang pagti-trim sa pilikmata ay isang “risky practice.”
Pinakauna aniya sa potential risks ay napaka-obvious—ang paglalagay ng sharp object na pang-trim malapit sa mata.
Bukod sa delikado ito, maaaring may taglay ring bacteria ang trimming paraphernalia kung hindi malinis.
Nagiging sanhi rin ito ng iritasyon at posibleng magkaroon ang mga mata ng pamamaga, impeksiyon, at bahagyang paglabo ng paningin.
Dagdag ni Trovato: “In some cases, cutting or trimming your eyelashes could contribute to problems like eyelid inflammation [blepharitis], which requires treatment.”
Babala pa niya: “And here’s something else you may not have thought of: Cutting your eyelashes can disrupt your tear film—the invisible liquid barrier that coats your eyes.
“The result? Dry, itchy eyes.”
Read: LTO chief slams Geo Ong's helicopter arrival: "Hindi katanggap-tanggap."
WHY EYELASHES ARE ESSENTIALS TO EYE HEALTH
Kahit pa wala namang napabalitang problema sa pagti-trim ng eyelashes, nababawasan ang health benefits nito sa mga mata.
Ang ating pilikmata kasi ay hindi lang naman dekorasyon.
Functional ito at nakatutulong na maprotektahan at mapanatili ang delicate environment sa paligid ng mata.
Ang eyelashes ay nagsisilbing barrier na humahadlang sa dami ng dumi at debris na nakapapasok sa ibabaw ng mata, paliwanag pa ni Trovato.
“Removing or trimming them can increase the risk of dust and debris making it onto the surface of your eye.
“That can lead to inflammation, irritation, and other symptoms.
“Their natural curve also diverts liquids and irritants like sweat away from your eye.”
At may isang fun fact tungkol sa eyelashes: kapag hinipo ito o may napadantay na kahit anong bagay, nagti-trigger iyon ang blink reflex.
Kaya hindi talaga ito dapat na i-trim.
DO TRIMMED EYELASHES GROW BACK?
Kung first time lang i-trim ang eyelashes, tutubo pa itong muli.
Pero napakatagal bago ito bumalik sa dati.
At kung palagian ang gagawing pagti-trim, doon na magkakaproblema.
Ayon kay Trovato, kung ang follicles ay intact and unharmed, tutubo pa rin ito matapos i-trim.
Pero kung madalas, dahil sa dinanas na trauma, mahihirapan na itong tumubo pang muli.
Huwag din aniyang maniniwala sa mga nagsasabing ang pagpuputol at pagti-trim sa eyelashes ay mas nakakapagpalago at magpapakapal dito.
Ipinaliwanag niyang walang medical evidence na nagsasabing totoo ang paniniwalang ito.
Ang pinakamainam na paraan, ani Trovato, para magkaroon ng thicker, fuller eyelashes ay ang paglalagay ng mascara.
Better yet, magtanong sa doctor kung ano ang solusyon sa problema o isyu sa inyong pilik-mata.
Read: Jessica Sanchez: A new chapter, in her own voice
EYELASHES ARE GENETIC INHERITANCE, PERIOD!
Ipinaliwanag sa video ng The Social CTV na bagaman at ang pagti-trim sa eyelashes ngayon ay associated na sa masculinity ng kalalakihan, ang totoo ay wala namang scientific merit para sa ganitong konsepto.
Ang haba ng ating pilik-mata ay genetic inheritance.
Ang kasabihan din na feminine looking ang lalaking mahaba ang pilikmata ay “purely cultural belief.”
