Ang beef tallow o taba/ sebo ng baka ay hindi na lang ginagamit sa pagkain o pagluluto.
Inilalagay na rin ito sa mukha.
Sa paniniwalang kaya nitong magpaganda ng balat at mag-address ng ilang skin problems, ginagamit bilang main ingredient ang beef tallow sa ilang beauty products.
Sa pag-search lamang sa online shopping sites, nagsulputan na ang beef tallow beauty products na ointment, moisturizer, at balm.
Ang iba, may claim pa na “grass fed” ang mga bakang pinagkunan ng beef tallow bilang main ingredient ng product.
Sa social media rin, kaliwa’t kanan ang content creators na nagpapatotoo sa paggamit ng beauty products na may beef tallow.
May iba pa ngang nagdu-Do-It-Yourself (DIY) sa paggamit ng beef tallow.
Ang benepisyo raw nito ay skin moisturizer at gamot sa skin irritation.
Read: Chupa Chupa fruit gains attention in the Philippines
DOCTOR ON BEEF TALLOW
Paliwanag ni Dr. R-Jay Agbon ng Philippine Dermatological Society, may benepisyo namang nakukuha mula sa taba ng baka.
“Dahil gawa po siya sa fatty acids so medyo masebo po siya,” ani Dr. Agbon sa ulat ng One PH nitong October 16, 2025.
Nakakapag-provide ito ng moisture at may emollient effect sa skin para mapalambot ang balat at ma-trap ang moisture dito.
Sa kabila nito, hindi kumbinsido ang doktor na nakakagamot ito ng skin problems and irritations.
Posible pa nga raw na ito pa ang maging cause ng skin problems tulad ng breakout.
“Wala itong anti-inflammatory properties, ang unsaturated fatty acids sa taba,” ani Dr. Agbon.
Ang isa pang isyu rito ay kung aprubado ba ng Food and Drug Authority ang mga beauty products na may beef tallow.
Ani Dr. Agbon, tiyakin daw dapat na malinis at ma-isolate nang maayos ang beef fats at ma-process nang maayos dahil puwedeng magkaroon ng bacterial growth sa beef tallow at magdulot ng skin infection.
“Puwede siyang ma-oxidize o mabulok ang taba,” sabi ng doctor.
Read: Story of Jan Tristan Ramos: student and part-time janitor, now a lawyer
OTHER EXPERTS WEIGH IN ON BEEF TALLOW FOR SKIN CARE
Ang paksang ito ay tinalakay rin sa artikulong lumabas sa National Geographic noong February 20, 2025.
Nagkaroon ng interes sa beef tallow bilang alternative beauty ingredient dahil sinasabing malinis ito at natural.
Sustainability-wise, pasok kung gagamitin ang cow fats upang hindi masayang at magamit bilang useful byproduct mula sa industriya ng karne.
Binanggit na ang beef tallow ay ginagawang alternative sa skin care dahil sa taglay nitong vitamins at fatty acids na nakakatulong daw sa usaping medicinal at pagpapaganda.
Pagkumpirma ni Adam Friedman, professor at head of dermatology sa George Washington of Medicine and Health Sciences, nagtataglay ang taba ng baka ng saturated at unsaturated fats na matatagpuan din sa tao.
Ang fats na ito ay maaaring magamit bilang “effective barrier repair product, helping to reinforce the skin’s armor, trap moisture, and soften the skin,” ayon sa National Geographic.
Taglay rin ng beef tallow ang maliit na amount ng fat-soluble vitamins tulad ng vitamins A, D, E, at K, na pwedeng makadagdag bilang antioxidants.”
May posibilidad daw na tularan daw ng beef tallow ang natural lipids o fats ng skin na nagdudulot ng cosmetic at health benefits sa katawan.
Pero hindi kumbinsido ang mga dermatologists na makakatulong sa pagpapaganda ang beef tallow.
Ang dahilan, kulang na kulang sa clinical evidence.
Paliwanag ni Rajani Katta, isang certified dermatologist at dermatology professor mula sa University of Texas Houston, mas nauna ang pagiging viral ng beef tallow kesa pag-aaral.
May isang pag-aaral na sinasabing may hydrating at moisturizing benefits ang beef tallow, pero hindi alam kung ano ang negative effects nito.
Pagdating din sa ancient medicine tulad ng Chinese medicine, hindi kilala ang beef tallow bilang sangkap na ginagamit sa pagpapaganda.
Isa pang banta ng beef tallow ay ang katiyakang malinis ang pinagkunan nito para masiguradong safe.
Payo naman ng mga eksperto sa mga taong ayaw paawat sa paggamit ng beef tallow para sa kanilang skin care, “proceed with caution.”
Simulan daw sa paggamit ng small amout, use in moderation, at i-monitor ang resulta.
Ang isa pa nilang inirerekomenda, napakaraming mapagpipilian pang produkto sa market na mas ligtas, FDA-approved, sumailalim sa pag-aaral ng mga eksperto, at specific para i-address ang particular skin issues.
