Ricardo "Ricky" Lee has been leading a wholly fulfilling life as screenwriter and playwright.
And although he has shown no signs of slowing down at 72, it is understandable that he has stopped believing that life still has more in store for him, least of all a surprise.
After all, he has been there, done that, and has also been richly rewarded for his dedication to his craft.
Imagine his disbelief when, at his age, Ricky Lee finally achieved his long-held dream of obtaining a degree from a school of learning.
The award-winning screenwriter did not finish his college education, but last Wednesday, May 8, Ricky went up the stage at the commencement exercises of the Polytechnic University of the Philippines (P.U.P.) to receive the honorary degree of Doctorate in Humanities.
Ricky, without any earned degree, has written over 170 screenplays and documentaries since 1979.
He has also received more than 50 awards and recognitions for many of his works, among which were the best-known and critically acclaimed films Jaguar (1979), Himala (1982), and Moral (1982).
The speech he delivered before the assembled faculty and graduates after receiving his award was an inspiring piece that recalled the lessons he learned throughout his four-decade long writing career in the movie industry.
(PEPsters: Read the speech at the end of the story. It is a gem.)
Ricky told PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) that he was able to finish the speech on his way to New York City last April.
He said, "Yung speech ko, natapos ko sa biyahe papuntang New York kasi ang tagal-tagal ng biyahe, yung draft.
"And then, in New York, pinolish ko and then I finished the first drafts nang sinusulat ko ang dalawang scripts."
PEP.ph interviewed Ricky over the phone on Thursday night, May 9. During that brief chat, he recounted how the plum award of an honoris causa from a university dropped on his lap from out of the blue.
It just so happened that he launched his third novel titled Bahay Ni Marta at the Claro M. Recto Hall of P.U.P.
Afterwards, he was approached by the officials of the university to bring up the idea of giving him an honorary degree in recognition of his body of work in the fields of film and dramatic arts.
He narrated, "Brining up nila yung possibility na bigyan ako ng honoris causa dahil wala akong degree.
"And I think they went through the process hanggang mapa-approve sa board of regents, and then napa-approve sa CHED [Commission on Higher Education].
"And then, a month ago, pinuntahan nila ako dito para i-offer yung honoris causa, and para sukatan ako ng toga."
Ricky's closest friends and family were present to witness his latest milestone. Among them were his son Kiko, his best friends Chanda Romero and director Rahyan Carlos, and his assistants Jerry and Ram.
RICKY LEE: A SURVIVOR
Ricky had always wanted a college education, and he pursued it relentlessly even when life kept throwing hindrances in his path until he gave up.
Armed only with his passion for learning and writing, Ricky left his hometown in Daet, Camarines Norte, along with four of his friends to pursue their dream of finishing college.
The first few years in Manila were tough for Ricky and his friends.
During their first year in Manila, Ricky and one of this friends were hired as waiters by a pizza parlor, while their three other companions found work in an umbrella factory.
When his friends decided to return to their hometown, Ricky moved to an apartment that he shared with a couple who also hailed fom Bicol.
After saving up some money, he was able to enroll at the Lyceum of the Philippines University in Intramurous to take up Journalism.
Ricky had to juggle several jobs in order to finance his studies.
He recalled in his speech, "May panahon noon na buong araw akong nagtatrabaho sa isang factory sa Del Monte, 'tapos mag-aaral ako sa gabi sa Lyceum.
"Para makapagtipid ay hindi ako kumakain ng hapunan, at bandang mga alas nuwebe ng gabi ay nilalakad ko lang pauwi mulang Lyceum hanggang Aranque kung saan nakikitira ako doon sa mag-asawang Bikolano.
"Minsan ay hinimatay ako sa gutom sa Avenida. Mga five minutes siguro akong nag-black out bago ako nagkamalay."
In his interview with PEP.ph, Ricky said this happened in the late '60s.
He was forced to drop out of school when he collapsed from exhaustion after barely a month of studying and working at the same time.
However, Ricky eventually received another opportunity to study in college—this time, as a working scholar taking up AB English at the University of the Philippines in Diliman, Quezon City.
But then martial law was declared in the country, tripping Ricky's plan for a college education once again.
While still at U.P., Ricky became a staff writer for the Philippines Free Press. He also joined the national democratic writers' organization called PAKSA (Pen for the People's Progress).
His reportage leaned heavily toward political activism, and when the country was put under martial law in 1972, Ricky went underground "full-time."
He was hounded by the military as a fugitive along with many other members of the press—including fellow political activists Pete Lacaba, Jose Dalisay, and PEP.ph Editor-in-Chief Jo-Ann Maglipon.
In 1974, Ricky was captured at his apartment in Sta. Mesa, Manila. He was imprisoned and tortured within an inch of his life.
Mercifully, he was set free after close to a year in prison.
Without any job prospect—broadcast and print media were all government-controlled—Ricky turned to screenwriting and fiction writing.
In 1979, he worked with the late film director Gil Portes on the documentary Pabonggahan that featured performers critical of the Ferdinand Marcos regime—Pepe Smith, Juan dela Cruz, and Sampaguita, among others.
In the same year, he co-wrote with Pete Lacaba the screenplay for the film Jaguar, which was based on a long essay written by the late National Artist for Literature Nick Joaquin.
The movie was directed by the renowned filmmaker Lino Brocka, who, after his death in 1991, was also given the rank and title of National Artist.
Jaguar won many awards from the local film industry and was nominated for the Palm d'Or award at the Cannes Film Festival.
The movie dramatically altered the course of his writing life. It elevated him to the major league in the film industry.
NOT JUST ANOTHER AWARD
For someone used to getting accolades and awards, Ricky Lee felt somewhat at a loss upon receiving his Doctorate in Humanities Honoris Causa.
He expressed, "Masaya na parang at the same time weird dahil I never expected it naman, e, na mangyayari ito.
"And parang in-assume ko na wala na, e, total nakakapagturo na rin naman ako so parang nawala na sa isip ko yun, e.
"So nung inalok ako, ang unang naisip ko, 'Naku, magsusuot ako ng toga.'
"And strange and then to make it stranger pa, may workshoppers ako na kaibigan ko rin na grumaduate nung April, may isa namang ga-graduate ng June, so nakakantiyawan kami, 'O, tatlo na tayong graduates.'
"So it seemed a little weird, at the same time, I felt very happy kasi yun, in the end, yung mahabang journey papunta dito...
"Kasi yung sa speech totoo yun, e, yung aral ako nang aral. Kasi importante sa akin yung education.
"Kaya ako lumayas sa Daet, dahil sa education, e, and kung hindi nag-Martial Law, tutuluy-tuloy ako na mag-scholar sa U.P. So mahalaga talaga sa akin, pero naputol."
In the meantime, congratulatory messages have been pouring in on his Facebook accounts, overwhelming Ricky.
He narrated, "Dati naman, kapag birthday ko ang daming bumabati, so pinipilit ko sagutin lahat kahit ang dami-dami.
"Pero ngayon, sorang dami! Pinipilit kong lahat sagutin, mag-thank you ako sa lahat ng nagpo-post or nagshe-share.
"Naubos ang buong araw ko, hindi ko pa rin matapos.
"Naa-appreciate ko yung warmth ng mga tao, as in, yung nanood ng video... ang dami-daming nanonood.
"Mahiyain akong tao, pero it makes you feel good na nakakonekta ka.
"Yung post, parang 800 na yung nag-share in less than a day.
"Parang it's worth it na pinagpaguran kong tapusin yung speech, at labanan yung nerbiyos ko, at umakyat doon.
"It was all worth it dahil sa warmth ng response nila ngayon sa akin.
"Hundreds ang friend requests ko ngayon na wala naman akong ma-accommodate.
"May tatlo akong accounts pero puno na halos yung tatlong accounts.
"Hanggang sa mga galing abroad, may mga nagre-request na maging kaibigan so hindi lang P.U.P. students.
"Masayang masarap na medyong weird experience for, but I feel humbled."
THE SPEECH
Ricky delivered a 13-minute speech to the 2019 graduating class of P.U.P.
It was a great speech, but he was shaking all throughout.
Eloquent with his pen, the writer has always shied away from public speaking. It makes him nervous.
He recalled an incident during his time at U.P. Diliman. As president of a college organization, he was asked to do a short speech in front of his peers.
He froze.
"Pumunta ako sa harapan para mag-speech dahil ako ang napiling presidente.
"Nakatingin lang ako sa kanila, nag-blangko yung utak ko, wala akong nasabi.
"Natatawa sila, natatawa rin ako. Tumingin sila sa akin, tumingin ako sa kanila then bumaba na ako.
"Ganun ako kakinakabahan, so dito, kabadong-kabado ako.
"Kinakabahan ako lagi na magsalita kapag nasa podium ako or nasa formal occasion.
"Bihira ako tumatanggap ng talks na formal occasion.
"Kapag nagsasalita ako sa mga universities, pumupunta ako sa audience.
"Yung mga workshop natin, pati yung sa ABS-CBN, informal ako, e, hindi ko kaya mag-formal.
"So kinakabahan ako kapag nagsalita ako sa harap ng maraming tao."
According to Ricky, it was his close friend Jo-Ann Q. Maglipon who gave him tips on how to speak in front of an audience.
He said, "Si Jo-Ann ang nag-text message ng mga gagawin.
"Uminom ng isang kutsarang honey, don't talk too fast, breathe, pause.
"Ang dami niyang mga text sa akin, kasi ang tendency ko kapag kinakabahan, binibilisan ko yung pagsasalita ko para matapos na.
"Sabi ko this time, 'Sabi ko, go slow, go slow.' Pero kabadong-kabado ako.
"Sinabi nga nung mga nasa stage na nanginginig yung kamay."
Here's the full transcript of his speech as posted by ANCX:
Mahalaga sa akin ang edukasyon. Noong grumaduate ako ng high school sa Daet sa Bicol, lumayas ako sa mga nag-ampon sa akin dahil hindi nila ako kayang pag-aralin sa college dito sa Maynila.
Nakapag-aral ako sa UP Diliman ng AB English pero hindi rin ako naka-graduate. Napilitan akong tumigil dahil nag-Martial Law at pinili ko ang masangkot sa pinaniniwalaan ko.
Bata pa pangarap ko nang makapagturo. Pero hindi puwede dahil wala akong degree. Kaya nagpa-workshop ako sa bahay ko nang libre mula noong 1982. Tapos sinubukan kong mag-apply sa UP sa Filipino Department dahil naisip ko, total ginagamit naman nila ang short stories ko sa kanilang mga subject…
Tatlong beses akong nag-apply. Tatlong beses akong na-reject.
Noong 1986, kinuha ako ng Ateneo maski wala akong degree. Di nagtagal ay sumunod ang UP Mascom Department. Noong huli ay kinuha na rin ako ng Filipino Department sa UP.
Kaya mahalagang mahalaga sa akin ang karangalang ito na ibinibigay sa akin ng PUP. Walang katapusan ang aking pasasalamat.
Kung noon ako grumaduate sa halip na ngayon, ano ang maipapayo ko sa sarili ko bilang isang bagong graduate na haharap na sa mundo? Tatlong bagay.
At iyon din ang maipapayo ko sa inyo ngayon.
Una, na laging kulang ang silya.
Hayaan n'yong magpaliwanag ako.
Nang lumayas ako sa Daet noon at sumakay ng bus papuntang Maynila, may kasama akong apat na kaklaseng puro mahihirap din. Hindi namin alam kung saan kami titira, kung ano ang magiging trabaho namin, kung ano ang naghihintay na kapalaran sa amin. Ang alam lang namin, punung-puno kami ng mga pangarap.
Di nagtagal nagtrabaho sa pabrika ng payong ang tatlo sa amin. Kami naman ng isa ko pang kasama ay naging waiter sa isang pizza parlor sa Pasay. Umarkila kami ng maliit na apartment. Aapat lang ang silya namin kaya kapag kumakain kami ay laging may isang nakatayo.
Habang nakatingin ako sa kasamahan naming nakatayong kumakain, pinangako ko sa sarili ko, balang araw makokompleto ang silya.
Di nagtagal ay di nakaya ng mga kasamahan ko ang trabaho nila sa pabrika. Lagi silang nagsusuka pag-uwi dahil sa kinakain doon. Nagkahiwa-hiwalay kaming lima at kasabay ng iba pang mga gamit na naipundar namin ay ibinenta namin ang apat na silya. Bitbit namin ang maliit na kahon ko ng mga damit, inihanap nila ako ng Bikolanong puwede kong pakitirahan.
Working student ako all throughout college. Nag-salesman ako, accounting clerk, tutor, student assistant, proofreader at kung anu-ano pa. Tinanggap ko na, na sa buhay na ito ay laging hindi kompleto ang silya. Hindi nakaabang ang mundo para ibigay sa'yo ang lahat ng kailangan mo. Hindi ka entitled. You have to be resourceful. You have to work hard. Kailangan mong pagtrabahuhan ang kulang na silya.
May panahon noon na buong araw akong nagtatrabaho sa isang factory sa Del Monte, tapos mag-aaral ako sa gabi sa Lyceum. Para makapagtipid ay hindi ako kumakain ng hapunan, at bandang mga alas nuwebe ng gabi ay nilalakad ko lang pauwi mulang Lyceum hanggang Aranque kung saan nakikitira ako doon sa mag-asawang Bikolano. Minsan ay hinimatay ako sa gutom sa Avenida. Mga five minutes siguro akong nag-black out bago ako nagkamalay.
Maraming mga okasyong gaya noon na bumabagsak ako. Iyon bang parang madilim at wala nang pag-asa ang lahat. Iniisip ko lang ang kulang na silya sa apartment at lumalakas na uli ang loob ko, nakakabangon uli ako.
Ikalawang payo ko, hindi ka kailangang maging perpekto.
Ngayong graduate ka na, papalaot ka na sa mundo, at ii-evaluate ka ng iba. Sasalain ka, pupunahin, ikukumpara lagi sa iba pa. Mag-eexpect sila ng kung anu-ano mula sa'yo, na karamihan naman ay hindi na reasonable. Kung anu-ano ang gagawin sa'yo ng mundo upang ipakita lagi sa'yo na you don't measure up, kulang ka.
Hayaan mo sila. Just keep working hard. Ipaglaban mo ang mga pangarap mo.
Hindi baleng mabigo ka na ipinaglalaban ang mga pangarap mo, kesa nabigo ka nang hindi man lamang dahil sa mga ito.
At kahit mabigo ka, huwag kang mag-alala. Hindi iyan ang sukatan ng worth mo bilang tao. Hindi mo kailangang maging perpekto. Hindi mo kailangang labanan ang sarili mo, o pantayan ang iba. You are never worthless. Just be yourself. Langoy lang nang langoy, lipad lang. Bawat graduation ay pag-iwan kaya lumayas ka, putulin mo ang tali, iwanan mo ang nakagawian, pumalaot ka. Huwag kang matakot magkamali. Di baleng malunod. Di baleng mahulog. Kapag bumagsak ka, doon mo mas mahahanap ang sarili mo. Sa paulit-ulit na pagkabigo ay mas matututo ka. Para kang sinusulat na nobela na kailangang paulit-ulit na i-revise. Hanggang sa kuminang.
Bata pa ay may inferiority complex na ako. Maaga akong naulila, sakitin, clumsy at makakalimutin, walang sense of direction. Kanina nga nang papunta kami dito nina Chanda (Romero), tapos ang dami-dami kong nakitang graduates—ngayon lang ako nakakita ng ganito kadaming graduates, ang gulu-gulo ng sitwasyon—sabi ko sa assistant kong si Jerry, siguraduhin n'yo 'yung papasukan nating hall, baka mamaya mag-speech ako sa maling graduation. At ang sagot ni Chanda do'n, ‘Oo nga, Ricky, I won't be surprised kung gawin mo 'yun!’ Kasi up to now I make that mistake. I enter the wrong car.
So may inferiority complex ako bata pa. Weird ang tingin nila sa akin. Lagi kong ikinukumpara ang sarili sa iba. Ba't ang dami nilang nagagawa na hindi ko magawa? Ano ang kulang sa akin?
Lumaki akong laging gano'n. Kaya ang ginawa ko nagsikap ako. Nag-aral akong mabuti para maging First honor ako mula Grade 1 hanggang Fourth Year. Sa UP rin university scholar ako maski di ako nakatapos. Nag-aral talaga akong mabuti para labanan ang inferiority complex ko.
Later on ko na lang natutunan, na kung saan ka mahina, kung anuman ang mga depekto mo, balang araw iyon din ang magiging strength mo. Kasi ang strength, kapag nanggaling sa depekto, mas matibay. Dahil nakita mo ang ibaba, mas naiintindihan mo ang itaas. Dahil nanggaling ka sa dilim, mas natatanggap mo na ang buhay ay hindi puro liwanag.
Kung nasaan man ako ngayon, kung anumang tagumpay ang meron ako ngayon, matatag ang kinatatayuan ko kasi nakatuntong ako sa isang bundok ng mga pagkakamali at mga pagkabigo.
Ikatlo at huling maipapayo ko, makisangkot ka. Ang buhay na hindi inilaan sa kapakanan ng iba ay parang lantang gulay o bilasang isda na walang nakinabang.
Huwag kang kuripot. Ibigay mo ang buhay mo sa iba, maski na paminsan-minsan lang.
Pumunta ka sa mga bukid, sa mga minahan, sa mga bundok, sa mga batang lansangan, sa mga home for the aged, sa mga inulila ng digmaan. Magtanong ka kung anong maitutulong mo.
Magkaroon ka ng boses. Ng opinyon. Mundo mo ito. Di ka parang hanging nagdaan lang. Mag-iwan ka ng marka.
'Yang hawak mong diploma, para 'yan sa iba, hindi 'yan para sa'yo.
Isa sa pinakamakulay at pinakamahalagang bahagi ng buhay ko ay nang maging aktibista ako noong panahon ng Martial Law. Lahat ng mga personal na ambisyon ay kinalimutan ko. Ang buong buhay ko ay inilaan ko na para sa iba, para sa bayan. Nakulong ako nang isang taon sa Fort Bonifacio. Minsan sa gabi ay naiisip ko pa rin, paano na ang mga pangarap ko? Hindi na ba matutupad?
But in the end I realized it was all worth it. Dahil wala nang sasarap pa kaysa sa pakiramdam na hindi lahat ng ginawa mo ay para sa sarili mo lang.
Lagi nila akong tinatanong. Ba't ka nagbibigay ng libreng workshops mula pa noong 1982? Napakahirap at madalas ay napapabayaan ko ang mga personal kong projects tuwing nagpapa-workshop ako. Pero hindi lang ang mga workshopper ko ang natututo, natututo rin ako. Nakikita ko ang sarili ko sa kanila at sa paunti-unti nilang pag-unlad ay umuunlad din ako.
Naniniwala kasi ako na kapag nagbigay ka nang walang hinihintay na kapalit, ngingiti sa'yo ang mundo, ibabalik sa'yo ang ibinigay mo sa mga paraang hindi mo inaasahan.
Kagaya ng karangalang itong ibinibigay n'yo sa akin. Di ko alam kung anong nagawa kong kabutihan sa PUP para ibigay ninyo sa akin ito. Di ko alam kung paano kayo pasasalamatan.
Di ko rin alam kung paano pasasalamatan lahat ang napakaraming taong tumulong sa akin, mula doon sa matandang librarian sa Daet na lagi akong pinapahiram ng libro maski nag-iimbentaryo sila o bumabagyo, hanggang sa mga teacher ko sa high school na inihatid pa kami ng mga kaklase ko nang lumayas kami sa Bikol papuntang Maynila, hanggang sa mga kaibigan ko at katrabaho at workshoppers at pamilya na laging tumutulong sa akin. Maraming salamat sa kanila. At sa inyo ring mga graduates, maraming maraming salamat.
Para sa akin, para sa inyo, mahirap pantayan ang araw na ito.
Kaya ngayon sa pagtatapos n'yo, go out, celebrate, work hard para makompleto ang silya, make mistakes, makisangkot ka, vote wisely. Hindi lang 'yun para sa kinabukasan natin kundi kinabukasan din ng mga magiging anak n'yo. Ipaglaban mo ang mga karapatan mo, write a story, hug your parents. Nagpagod silang lahat para mapa-graduate kayo. Ako na working student, nakikita ko kung paano sinikap ng mga parents n'yo na huwag kayong maging working student at makapag-focus kayo sa pag-aaral. At kanina habang papasok ako dito, ang nakikita ko na grumaduate ay hindi kayo kundi ang mga magulang n'yo. Gusto kong maiyak para sa kanila. So hug your parents, listen to somebody else's heartbeat, join a rally, donate to a cause, support your friend's dream, listen to the silence in the midst of chaos, persevere.
Mangarap ka at habulin mo ang mga pangarap mo na halos hindi ka na makahinga at sabihin mo sa sarili mo, ako ito, graduate na ako at handa na ako.
Hawak mo ang sarili mo.
Hawak mo ang buhay mo.
Iyan ang totoong diploma.
Maraming maraming salamat uli sa karangalang ito, at sa pagkakataong makapagsalita sa inyo.
Congratulations!