Nauuso ang mga sikretong pagpapakasal ng mga celebrities.
Sabi ng ilan sa kanila, mas exciting at memorable daw ang secret weddings.
Sabi naman ni Joyce Pring, na sikretong nairaos ang kasal kay Juancho Trivino nitong Pebrero, mas nakokontrol daw nila ang bilang ng mga taong gusto nilang ma-enjoy na makasama at mai-share ang saya nung araw ng kanilang kasal.
Sa report ni Nelson Canlas ng 24 Oras, binalikan niya ang ilang memorable secret weddings na naganap sa showbiz.