Pagpupugay ng apat na magkakapatid na nagtapos ng kolehiyo dahil sa amang driver at dyip

Nov 8, 2021
jeepney
College graduates all because of their father's jeepney: (L-R) JC Bell, Joyce, Jomarcel, and Cyryl Torres. Insert shows the four siblings brandishing their college diplomas beside their family jeepney.
PHOTO/S: joyce torres tiktok

Apat na magkakapatid ang nakapagtapos dahil sa pampasaherong dyip ng kanilang amang si Mang Celso Torres.

Sila ay sina Jomarcel, 28, Special Education teacher; JC Bell, 26, logistics division chief sa Philippine Coast Guard; Cyryl, 25, administrative personnel sa Philippine Air Force; Joyce, 22, kitchen staff member.

Naitampok ang kanilang kuwento sa On Record ng GMA News and Public Affairs noong October 26, 2021.

Binili ni Mang Celso ang kanyang dyip noong 1997, at pinangalanang Air Jordan, na hango sa NBA star na si Michael Jordan.

Ang pambili ng dyip ay inutang niya sa bangko na umabot ng isang milyong piso.

Pero kung cash sana itong babayaran ay aabot lamang sa PHP400,000.

Ang asawa niyang si Aling Jocelyn ay isa namang elementary school teacher.

Ang ruta ng pampasadang dyip ay Cavite, Alabang, at Baclaran.

Umaabot naman sa PHP10,000 ang kinikita ni Mang Celso kada buwan.

Ang kinikita ng ama sa pamamasada ang main source of income ng pamilya—mula sa pang-araw-araw hanggang sa matrikula at baon.

Continue reading below ↓

Ani Cyryl, ang nag-iisang lalaki sa magkakapatid, "Fifty percent ng tuition fee namin sa kanya namin kinukuha. At saka allowance namin, sa kanya talaga kinukuha araw-araw."

Sabi pa niya, hindi naging madali ang kanilang buhay dahil apat silang nag-aaral.

Pero ang hirap na naranasan nila ang kanilang naging motivation para naisin nilang makapagtapos ng pag-aaral.

jeepney

Continue reading below ↓

Wala ring tigil sa pagkayod si Mang Celso.

Kuwento ni JC Bell, “Sinusumpong na po siya ng rayuma niya, pinipilit pa rin po niyang bumiyahe, kasi alam niya po na kailangan namin ng mas malaking pera.”

Dito raw kasi kinukuha ang kanilang pangmatrikula, baon, at iba pang gastusin sa pag-aaral.

Noong 2012, tumigil sa pagtuturo ang kanilang ina. Pagkalipas naman ng dalawang taon, o noong 2014, pumanaw na ang kanilang ama dahil sa karamdaman.

Naiiyak na sabi ni Joyce: “Puro hirap lang po yung naranasan niya, wala pong sarap ng buhay.

“Yung pawis niya sa pagmamaneho, sa init, sa lamig, kaya siguro po rin siya nagkasakit, dahil sa pagmamaneho po.”

Nag-hire sila ng driver para patuloy na matustusan ang kanilang pag-aaral.

Noong 2019, nakatapos na silang apat sa pag-aaral.

Sa kabila nito, hindi buo ang saya nila dahil wala na sa kanilang piling ang kanilang ama na nais nilang pag-alayan ng kanilang diploma.

Continue reading below ↓

Nanghihinayang daw si Jomarcel dahil ito raw sana ang nais makita ng kanilang ama: ang maging okay silang magkakapatid.

“Ito yung gusto mo, yung maging stable kami. Stable kami magkakapatid,” ani Jomarcel.

Sabi ng panganay sa magkakapatid, ang ama na lang nila ang kulang.

At matapos ng higit dalawang dekadang pagsisilbi ng kanilang dyip, iginarahe na muna ito dahil sa laki na rin ng sira.

Tinatayang kalahating milyong piso ang kailangan para sa overhaul ng dyip para mapaandar ito muli.

Pero hindi raw ito susukuan ng magkakapatid dahil malaking bahagi ng kanilang tagumpay ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
College graduates all because of their father's jeepney: (L-R) JC Bell, Joyce, Jomarcel, and Cyryl Torres. Insert shows the four siblings brandishing their college diplomas beside their family jeepney.
PHOTO/S: joyce torres tiktok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results