PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joseph Riparip, Larraine Fernando engaged at campaign rally

Andaming nag-cheer!
by Bernie V. Franco
Published Mar 21, 2022
PasigLaban
A presidential campaign rally of Leni Robredo in Pasig becomes even more memorable for couple Joseph Riparip and Larraine Fernando, who got engaged on the scene as witnessed by several rallyists who cheered them.
PHOTO/S: Twitter (@phoebevicencio)

Unforgettable wedding proposal.

Ito ang komento ng netizens sa ginawang surprise proposal ng isang lalaki sa girlfriend sa campaign rally ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa Pasig City, Linggo, March 20, 2022.

Nasa 137,000 ang tinatayang supporters ni Robredo ang dumalo sa mga kalye ng Doña Julia Vargas Avenue at Emerald Avenue sa Ortigas.

Bagamat ang pangangampanya ni Robredo ang highlight, naging mas memorable ito sa ilang tao dahil sa mga kaganapan sa paligid.

Isa na rito ang engagement ng isang couple.

Sa ipinost na videos, makikitang pinaligiran ang dalawa ng kapwa Kakampink supporters.

Kinilala ang couple bilang sina Larraine Fernando at Joseph Anthony Riparip.

Habang ongoing ang campaign program at tinutugtog ng bandang Ben&Ben ang kanilang kilig song na “Pagtingin,” hudyat na ito ng tiyempo ng lalaki.

Nasa gilid lang ng kalsada ang grupo.

Lumuhod si Joseph na may hawak na itim na box, kung saan naroon ang engagement ring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa sobrang gulat ni Larraine, nahampas pa niya ang boyfriend gamit ang hawak niyang nakarolyong tarpaulin.

proposal campaign rally

Makikita namang nagpunas ng luha si Larraine at niyakap siya ng katabing lalaki na tila close friend niya.

Siyempre, nag-“yes” ang babae kaya nagpalakpakan at naghiyawan ang kapwa supporters nila.

Matapos mahimasmasan, lumapit si Larraine at iniabot ang kaliwang kamay sa boyfriend para ipasuot ang engagement ring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumayo si Joseph at niyakap ang girlfriend na naging fiancee na niya bago matapos ang campaign rally.

Na-post sa social media ang video ng proposal at naging viral ito.

Bagamat hindi kakilala ang mga nakasaksi, maging ang mga netizens, bumati sa couple.

Bumuhos rin ang iba’t ibang komento, na karamihan ay positibo.

May nagsabing manalo matalo ang kandidato nila sa eleksiyon, panalo ang lalaking nag-propose.

PasigLaban

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag ng isa pang netizen, isantabi dapat kung sino ang mga iboboto at maging masaya sa couple para sa bagong yugto ng kanilang buhay.

PasigLaban

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A presidential campaign rally of Leni Robredo in Pasig becomes even more memorable for couple Joseph Riparip and Larraine Fernando, who got engaged on the scene as witnessed by several rallyists who cheered them.
PHOTO/S: Twitter (@phoebevicencio)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results