Watch Now

Anak ng dating TNT sa Japan, pumasa sa bar exam

Apr 12, 2022
anak ng TNT japan bar exam
Renato Meniado Baysa of Cagayan hangs a tarpaulin that congratulates his son Lynk Juren Baysa for passing the bar exam.
PHOTO/S: Precious Jewel via PIA -Cagayan on Facebook

Masasabing sulit ang lahat ng pagod at sakripisyo ng single father na si Renato Meniado Baysa dahil ang kanyang anak ay pumasa sa bar exam ngayong 2022.

Ang anak ni Renato na si Lynk Juren Baysa ay isa sa 8,241 bar passers mula sa 11, 402 na kumuha ng naturang exam.

Mula sa Solana, Cagayan, lumipad si Renato patungong Japan at doon naging isang TNT (tago nang tago) na overseas Filipino worker.

Nang makauwi sa Pilipinas, nakabili siya ng pampasadang dyip, na siyang naging kabuhayan niya para mapag-aral ang tatlong anak.

Naibahagi ang kanyang kuwento sa Facebook post ng Philippine Information Agency (PIA)-Cagayan, ngayong Martes, April 12, 2022.

Ayon sa ulat ng PIA – Cagayan, bago pa man lumabas ang resulta ng exam ay umakyat na sa puno si Renato at isinabit na ang tarpaulin na nag-a-announce na pumasa ang kanyang anak sa bar.

Nagbunga ang matibay na pananampalataya ni Renato dahil pumasa nga si Lynk Juren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TNT Japan

Inuna na raw ni Renato na ipa-lay out at ipa-print ang tarpaulin bago pa lumabas ang exam result.

Si Lynk Juren ay isang political science graduate na nag-pursue ng law.

Sa tarpaulin, naka-print ang graduation photo ni Lynk Juren.

Agaw-pansin ang nakasulat dito: “Congratulations From: Daddy. The single parent who sacrificed everything for your good. I am proud of you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TNT in Japan bar exam

Lynk Juren Baysa after graduating from law school.

Samantala, ang isa pang anak ni Renato ay nakatakdang mag-take ng bar exam sa susunod na taon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Renato Meniado Baysa of Cagayan hangs a tarpaulin that congratulates his son Lynk Juren Baysa for passing the bar exam.
PHOTO/S: Precious Jewel via PIA -Cagayan on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results