PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Winwyn Marquez gives birth to baby girl

Winwyn Marquez proudly welcomes her "little princess" Luna Teresita Rayn
by Bernie V. Franco
Published May 1, 2022
winwyn Marquez
Winwyn Marquez gives birth her to baby girl Luna Teresita Rayn
PHOTO/S: @teresitassen on Instagram

Nanganak na si Winwyn Marquez, 29, nitong weekend.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Winwyn ang picture ng kanyang baby girl.

“Our little princess, Luna Teresita Rayn,” tanging caption ng 2017 Reina Hispanoamericana.

December 18, 2021 nang kumpirmahin ng beauty queen-actress ang kanyang pagdadalantao.

Pero tikom ang kanyang bibig sa identity ng kanyang partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Bisperas ng Bagong Taon, December 31, 2021, nagkaroon ng baby shower si Winwyn at inanunsiyo na babae ang kanilang magiging anak.

Noong January 29, 2022, sabay na humarap sa camera si Winwyn at ang kanyang partner para sa isang vlog, pero naka-blur ang mukha ng lalaki.

Dito, ipinaliwanag ng lalaki ang dahilan kung bakit ayaw muna niyang ipakita ang kanyang mukha.

Sabi nila ni Winwyn, privacy reasons ang dahilan, pero hindi naman nagtatakip ng mukha ang lalaki kapag namamasyal sila sa labas.

Sa vlog ding ito ay tahasang itinanggi ng lalaki na siya ay “may sabit” at “nagtatago” kung kaya’t ayaw pa niyang isapubliko ang kanyang identity.

“Just for the sake of clarifying, wala akong ibang anak. Wala rin akong ibang asawa o partner.

“There’s certain things lang na still nice to keep private,” paliwanag ng partner ni Winwyn.

Read: Winwyn Marquez's partner reacts to "may sabit," "nagtatago" allegations

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiniyak din ni Winwyn na sigurado sila sa pagsasama ng kanyang partner ngayon.

Sabi ng aktres, “Sigurado ako. Every day I wake up, ang iniisip ko na sigurado ako sa kanya. Again, it’s a constant choice.”

Sundot ng lalaki, “Sigurado kami. Wala kaming doubts.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Winwyn Marquez gives birth her to baby girl Luna Teresita Rayn
PHOTO/S: @teresitassen on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results