Proud mama si Ina Raymundo dahil nagtapos na ang kanyang anak na si Jakob Poturnak ng high school sa International School Manila sa Bonifacio Global City, Taguig.

Nag-post ang aktres sa Instagram ng video collage na kuha sa graduation at ng kanilang naging celebration pagkatapos.

Present din ang mister ni Ina na si Brian Poturnak at ang kanilang apat na anak na babae na sina Erika Mae, Mikaela Jade, Anika Sage, at Minka Eve.
Ang caption ni Ina sa kanyang IG post: “When you least expect it, it happens! Yes! A face to face graduation, though Erika’s Zoom graduation last May 2020 wasn’t bad at all. It was special.
“Way to go son, @JakobPoturnak!”
May paalala rin si Ina kay Jakob sa bagong mundong papasukin nito: “Just like you said, high school was easy but brace for university & some intense baseball!
“We’ll always be proud of you. Your sisters, mom and dad love you so much! Congratulations Jakob!”
Eighteen years old na si Jakob. Magiging miyembro siya ng Xavier Musketeers baseball team, isang varsity intercollegiate baseball program ng Xavier University sa Cincinnati, Ohio.
Noong November 2021 ay ibinahagi ni Ina na nakatakdang maglaro si Jakob sa National Collegiate Athletic Association Division 1 college baseball sa America.