Gumuhit ng bagong kasaysayan si Lola Aida Cruz-Del Rosario, ang kauna-uahang licensed female architect ng Pilipinas, nang tanggapin niya mula kay Mayor Ruffy Biazon ng Muntinlupa City ang P100,000 centenarian cash incentive.
Nagdiwang ng ika-100 taong kaarawan si Lola Aida nito lamang Thursday, August 11.
Siya ang kauna-unahang centenarian sa ilalim ng panunungkulan ni Mayor Ruffy.
Special na maituturing ang pagkakataong ito kaya’t personal na inihatid ng mayor ang cash gift mula sa pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA).
Iginawad kay Lola Aida ang cash incentive sa ilalim ng Republic Act 10868 o mas kilalang Centenarians Act of 2016.
Sa ilalim ng batas, ang mga Pilipinong nasa edad 100 pataas ay bibigyan ng cash gift bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa bansa.
Nag-post ang alkalde ng larawan kasama si Lola Aida sa kanyang Facebook account noong Friday, August 12.
Binanggit sa post na si Lola Aida ang “kauna-unahang registered female architect ng Pilipinas, at siya rin ang first female Architecture graduate ng University of Sto. Tomas.”
Read also:
- "Average" student Marianne Kaye Ofianga, Top 1 sa 2022 architecture board exam
- Dominique Frani: nagka-singko, na-reject sa trabaho; naging Top 4 sa architecture exam
- Ang kakaibang "war room" ng 2019 architecture board topnotcher
CONTRIBUTION TO SOCIETY
Si Lola Aida ay ipinanganak noong August 11, 1922, sa panahon ng mga Amerikano, at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Ayala sa Alabang.
Siya ay kinikilala bilang kauna-unahang licensed female architect ng Pilipinas, pride ng College of Architecture and Fine Arts ng University of Santo Tomas.
Pangarap noon ni Lola Aida na maging isang dentista, ngunit mas pinili niyang sundin ang kanyang amang nais na siya ay maging arkitekto.
Nagtapos siya ng kursong Architecture bilang kauna-unahang babae mula sa departamento noong siya ay 25 years old.
Ayon sa mga reports, nag-Top 7 din si Lola Aida sa licensure exam nang sumunod na taon.
Kalaunan ay nakaisang-dibdib ni Lola Aida si late engineer Jose Del Rosario, na katuwang niyang nagtayo ng mahigit 120 structures, mula Luzon hanggang Mindanao.
Karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa Baguio City, kabilang ang ilan sa mga original structures ng University of Baguio.
Nang mga panahong iyon, male-dominated industry ang architecture, kaya’t nakakahangang napatunayan ng isang tulad ni Lola Aida ang kanyang kakayahang makipagsabayan at bumuo ng iba’t ibang mga gusali.
Isa pa sa mga naiulat na nagawa ni Lola Aida ay ang Jacinto house sa Baguio City, na idinisenyo para kay Fernando Jacinto at kanyang asawa.
Ayon sa ulat ni Paulo Alcazaren ng Philstar.com noong 2009, hindi na ma-locate ang bahay na ito, at base sa kanyang panayam sa anak ng may-ari na si RJ Jacinto, nasira ito noong Martial Law at hindi na pag-aari ng kanilang pamilya ang lupang kinatitirikan nito.
Makailang-ulit na gumuhit si Lola Aida ng bagong kasaysayan at nakakatuwang andito pa siya upang masaksihan ang pagkilala sa ilan sa kanyang mga milestones, lalo na ang pagsapit ng edad na 100!
Happy birthday Lola Aida!