Masayang-masaya si Samantha “Sam” Cruz na sa kanyang debut ay nakasama niya ang amang si Cesar Montano.
Si Sam ang pangalawa sa tatlong anak na babae ni Cesar sa ex-wife nitong si Sunshine Cruz.
Noong August 24, 2022 ang ika-18 kaarawan ni Sam kung saan nakasama niya ang amang si Cesar at ang partner nitong si Kath Angeles at mga anak nila.
Makikita sa post ni Sam na parang nasa isang beach silang mag-ama.
View this post on Instagram
SUNSHINE CRUZ
Labis na kaligayahan naman ang dulot nito sa ina ni Sam na si Sunshine Cruz.
Mensahe ng aktres para kay Sam sa Instagram:“My Dearest Sam,
“Happy 18th Birthday Sam!! [cake, heart, balloon emojis]
“Know that I am blessed to have a daughter who stresses mommy from time to time. [laughing in tears emoji]
“But also know, that I appreciate it when you know how to humble yourself. Sam, you always light up any room you are in and that sets you apart from the others.
"You are the sweetest Sam! Being your mom is a wonderful blessing I will forever be grateful for. I am very proud of you Sam.”
Paalala ni Sunshine, kahit nasa legal na edad na si Sam ay hindi ito nangangahulugang hindi na siya magpapakaina sa kanilang tatlong magkakapatid.
Bukod kay Sam, may dalawa pang kapatid si Sam sa amang si Cesar kay Sunshine—sina Angelina at Chesca Cruz.
Dagdag ni Sunshine, “Now that you’re 18, always remember that being of legal age will not stop me from being a mom to you and your sisters.
“I will always be here to guide, support and protect you. I pray that all your dreams that you are hoping for will come true. Enjoy your special day with your siblings, your Tita Kath and Dad anak.
“I am sorry mom’s locked in for work but I promise to make it up to you. You know i will.
“I love you so much @samcruzm!”
View this post on Instagram
Ngayong araw, August 26, makakasama na ni Sam ang ina sa isang selebrasyon.
Saad ni Sunshine sa bago niyang post sa Instagram, “And just like that my princess is now a lady.
"Thank you for sharing some of your birthday celeb photos/videos to me. Masaya ako you got to spend your birthday with your siblings, Tita Kath and Dad.
"Ramdam ko ang kaligayahan mo anak. Again, Happy 18th Birthday! I can’t wait to see you and celebrate with you tonight Sam.
"Thank you to my Underage family for today.”
Makikita sa isang picture na magkakasama sina Sam, Angelina, Chesca, amang si Cesar, Kath, at ang tatlong anak nila.
Sa isang video, may isang surprise birthday celebration namang alay si Cesar sa anak.
View this post on Instagram
OTHER GREETINGS
May kanya-kanya ring pagbati sina Diego Loyzaga, Angelina, at Chesca kay Sam.
Si Diego ay kapatid nina Sam, Angelina, at Chesca sa amang si Cesar.
Diego: "Happy birthday @samcruzm to the pinaka makulit sister of a lifetime. Big 18th for the big sakit sa ulo! I love you more than you know, Samantha."
View this post on Instagram
Angelina: "happy legality!!! to more laughs and film binges with u."
View this post on Instagram
Chesca: "happy legality superstar !!!!!"
View this post on Instagram
Happy 18th birthday, Sam!
