Cristina Decena happy to see daughter marry boyfriend of 16 years

by Rommel Gonzales
Sep 10, 2022
Cristina Decena and the bride, her daughter Denny Decena-Mina
Cristina Decena and the bride, her daughter Denny Decena-Mina
PHOTO/S: courtesy of Denny Decena-Mina

Masayang-masaya ang businesswoman na si Cristina Decena dahil sa wakas ay ikinasal na ang anak niyang si Denny Decena at ang boyfriend nito for 16 years na si Donnie Mina.

Denny Decena-Mina and Donnie Mina

Nangyari ang kasalan noong August 28 sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus sa Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristina bago magsimula ang enggrandeng wedding reception na ginanap sa ballroom ng Mariott Hotel.

Denny Decena-Mina and Donnie Mina

Nasabi niya kung ano ang pakiramdam niya bilang ina ng bride, “Unang-una napakasarap pala!

"Na ang mapapangasawa ng anak mo ay gusto mo dahil nakasama mo na for sixteen years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakita mo kung papaano sila nagsikap sa buhay, kung papaanong unti-unti umangat ang buhay nila at naging, paminsan-minsan nauutangan ko pa,” at tumawa si Cristina.

“Totoo, totoo! At saka yung aking son-in-law, kung minsan mas nakakapagsabi ako sa kanya ng problema kesa sa sarili kong anak.”

Denny Decena-Mina and Donnie Mina

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit?

“Kasi ano siya, e, mapagmahal sa akin, kasi nakita niya na all-out din ako sa kanila kung sumuporta.

"Parang mahirap paniwalaan, pero sobra kaming nagmamahalan bilang mag-biyenan at manugang.

“Nung dati close siya pero nung nagkapera siya, hindi siya nagbago, mas lalo siyang naging close sa akin.

"There was a time merong gustong mag-arbor nung aking Hermes na bag, na hindi ko matanggihan.

“'Tapos nagkasalubong kami sa hagdanan dala-dala ko yung Hermes ko, umiiyak ako kasi may sentimental value sa akin yung Hermes na bag.

“Tapos sabi niya, ‘Tita, bakit ka umiiyak?’ Sabi ko, ‘Kasi yung bag ko may aarbor hindi ko naman matanggihan dahil ang laki ng utang na loob ko.’

“Alam mo ba kinabukasan meron akong Hermes.”

Ibinili si Cristina ng bagong Hermes bag ng kanyang manugang, “Kasi ayaw daw niyang makita na malungkot ako.

Sabi pa niya tungkol kay Donnie na mayroong successful vaping business, "Hindi yung pinag-uusapan yung halaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang pinag-uusapan yung ayaw niyang makita na malungkot ako o may nawala sa akin na mahal ko.

"Kaya pinalitan niya agad. Hindi ko makalimutan yun.”

Denny Decena-mIna and Donnie Mina

Ano ang pinakamagandang advise ang ibinigay niya sa bagong kasal?

“Sana huwag nilang susukuan yung problema, sana magmahalan sila kahit na labing-anim na taon na silang nagsasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana malagpasan nila lahat yung problema.”

RETIRING AS BUSINESSWOMAN

Maging si Cristina ay masasabing nalampasan na rin ang mga sarili niyang problemang kinaharap sa mga nagdaang taon.

“Ang plano ko na lang yung unti-unting bumitaw sa negosyo. Napagtapos ko na ng pag-aaral ang mga anak ko, may kanya-kanya ng negosyo, may kanya-kanya ng propesyon.

“Meron akong dalawang anak na piloto 'tapos meron akong isang anak na may sariling eskuwelahan.

"Meron akong anak na namamahala ng Belleza De Cristina na maganda naman ang takbo."

Ang Belleza De Cristina Aesthetic Clinic ay ang negosyong ipinundar ni Cristina at hindi raw niya akalaing magiging successful.

Aniya, “Hindi ko alam na ganyan pala kaganda ang pagkita ng salapi na ang negosyo ay pagpapaganda.

“Nagulat ako, nagulat ako dun kasi hindi kami affected ng pandemic.”

Bakit niya naisipang bumitiw na sa kanyang mga negosyo?

“Kasi ang aga kong nagsimula, parang pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon, sabi ko, it’s time, na kung aalis man ako unti-unti sa paggawa ng bahay, sa build-and-sell business o real-estate properties.

"Alam ko na lang na lahat ng mga anak ko, ayos na sila. Puwede ko na silang pakawalan.

"At saka meron ng konting naipon, at least para sa kanila naman din yun kaya gusto ko nang magbitiw unti-unti.”

Ilan sa mga negosyo ni Cristina ay ang paupahang condo units, branded accessories store na Signatures by Cristina, furniture store (Muebles by Cristina), at ang pinaka-latest ay ang paupahang apartelle sa Makati.

Pero sa ngayon ay tututok daw si Cristina sa pag-aalaga ng kanyang mga apo.

“Kais hindi ko naalagaan ang mga anak ko before sa kakatrabaho kaya gusto kong bumawi sa mga apo ko.”

CELEBRITY FRIENDS

Masasabing star-studded ang kasal nina Denny at Donnie.

Denny Decena's bridal gown is created by Sony Boy Mindo of Malolos, Bulacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang mahabang listahan ng mga ninong at ninang sa kanilang kasal: couples Mar Roxas at Korina Sanchez, Joey de Leon and Eileen Macapagal, former Laguna Governor ER Ejercito and former Pagsanjan City Mayor Maita Ejercito, former MMDA Chairman Bayani Fernando and former Marikina City Mayor Marides Fernando.

Bayani and Marides Fernando

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin sina Bulacan Governor Daniel Fernando, Calatagan, Batangas Vice-Mayor Andrea del Rosario; ang male newscasters na sina John Consulta at Henry Omaga-Diaz; ang showbiz news anchor na si Mario Dumaual at showbiz columnists na sina Vinia Vivar at Aster Amoyo.

Pati sina Patrick Garcia and Nikka Martinez-Garcia ay ninong at ninang din.

Patrick and Nikka Garcia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Cristina, taong 2004 pa raw niya kakilala si Korina.

Pagbabahagi niya, “Nung una niya akong in-interview, ipinakita niya yung koleksiyon ng mga bahay.

"Magmula noon hanggang ngayon close na kami kasi si Korina masarap maging kaibigan. Mabait na kaibigan, pag meron kang kaaway, kaaway niya.

“At the same time yung mga kapatid niya naging parang mga kapatid ko na rin. Lagi niya akong kasama pag meron siyang okasyon.”

Korina Sanchez with Deejay Gloria, son-in-law of Cristina Decena

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano naman niya naging kaibigan sina ER at Maita?

“Si ER naman nagkaroon ako ng problema sa Laguna, siya yung nag-ayos. Mula noon, naging close na kami.”

ER and Maita Ejercito

Noon namang tumakbong vice-governor ng Bulacan si Daniel ay sinuportahan na ito ni Cristina.

“Kasi naniniwala ako na magiging magaling siyang leader. At ngayong gobernador siya, hindi pa rin ako bumibitaw ng pagsuporta sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi taga-Bulacan ako, alam ko na may integridad siya na pulitiko.

"Hindi ko siya kinuha dahil governor siya, kinuha ko siya dahil alam ko rin na kung magkakaroon ng problema ang mga anak ko...

"Kasi wala namang perpektong relasyon, darating ang time na magkakaroon ng challenges sa buhay nila, alam ko na [ang mga ninong at ninang] nandidiyan para bigyan sila ng suporta.”

Daniel Fernando at the wedding of Denny Decena

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Minsang na-link sina Cristina at Daniel.

Pinabulaanan niya ito, “Oo, pero hindi totoo yun, hindi totoo yun!”

Ex-husband niya ang komedyanteng si Ariel Villasanta at ex-partner naman niya si Philip Salvador.

Walang karelasyon si Cristina ngayon.

“Nagko-concentrate lang ako sa mga apo ko, e. Kasi sabi ko kahit na iyon nga, kahit na nga magtago ka pa kahit sa loob ng aparador, pag may dadating may dadating talaga.

“'Tsaka gusto ko this time pag meron akong minahal, yung alam ko na mahal niya ako dahil ako ay ako.

“At saka gusto ko yung siya naman ang magsusuporta sa akin.”

Cristina Decena with her daughter Denny, and the latter's dad Danilo Decena

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IN THE MEANTIME...

Balak rin ni Cristina na ituloy ang pagpo-produce ng travel show, pero balak din niya na unti-unting isalin ang pamamahala ng lahat ng mga ito sa kanyang mga anak.

Wala ba siyang balak pasukin ang pulitika?

Hayag niya, "Hindi naman sa pagpupulitiko mo lamang maipapakita ang pagtulong mo sa kapwa, hindi ba?

“Gusto ko ng tahimik na buhay, baka ma-ambush na naman ako pag naging pulitiko ako,” at natawa si Cristina.

Ilang taon ang nakakalipas ay may ilang tao na nagkaroon ng atraso kay Cristina.

Umabot ito sa tangkang pag-ambush kay Cristina sa pamamagitan ng pamamaril sa kanyang sasakyan noong August 2013.

READ: Businesswoman Cristina Decena ambushed

Tapos na raw lahat ng ito, “Wala na. Lahat ng mga nag-landgrab sa akin, sinoli yung titulo, lahat-lahat sinoli, humingi ng tawad sa akin," lahad ni Cristina.

"Umiyak, pinatawad ko na naman, kahit na na-ambush ako, pinatawad ko naman kasi nakuha ko naman lahat ng kinuha nila sa akin, nabawi ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung gagawin sa telebisyon o pelikula ang makulay na buhay niya, sino ang nais niyang gumanap bilang Cristina Decena?

“Si Eula Valdes! Napakagaling niyang umarte e at saka parang pag tinitingnan ko siya marami siyang pareho kami.”

Papayag daw siya sakaling isadula ang buhay niya, “Oo, kasi very inspirational, mula sa ibaba, unti-unting nagsikap para magkaroon ng konti.

"So kung mapapanood ng mga tao kung papaano ko ginawa yung buhay ko sa tulong ng Panginoong Diyos palagay ko marami akong mai-inspire na tao.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristina Decena and the bride, her daughter Denny Decena-Mina
PHOTO/S: courtesy of Denny Decena-Mina
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results