Madamdamin ang naging pagbati ni Cherry Pie Picache, 52, sa nobyong si Edu Manzano na nagdiwang ng kanyang ika-67 kaarawan kahapon, September 14, 2022.
Sa Instagram, nagbahagi ang award-winning actress ng tatlong photo mosaic ni Edu.
Ayon kay Cherry Pie, isang mabuting tao ang aktor na minsan ay may kabaliwan ding karakter.
Mensahe niya, “To my good looking man, no doubt… more importantly is, to this good good human being….crazy, pero….who isn’t and he’s my crazy [different emojis]
“Happy happy birthday hon ko!!! [emojis]”
Nagpasalamat din si Cherry Pie kay Edu sa pagiging bahagi nito ng buhay niya ngayon.
Saad niya, “Thank you so much for sharing your gift of life to me and to so many others you so generously share it with [heart, praying hands emojis]
“We’ll celebrate soon!!!”
View this post on Instagram
Love is lovelier the second time around ang naging sitwasyon nina Cherry Pie at Edu.
Una silang nagkaroon ng relasyon may dalawampung taon na ang nakalilipas.
Ito ang kuwento ng dalawa kay Luis Manzano, anak ni Edu kay Vilma Santos, sa YouTube channel nito na lumabas noong December 27, 2021.
Ayon kay Edu, "Tahimik lang kami noon. It was almost a year.”
Dagdag pa ng beteranong aktor, malaking bagay na matagal na silang magkakilala ni Cherry Pie.
Lahad niya, "Kahit papaano, nakakahinga ako ngayon nang malalim. Punumpuno ng saya.
"Nagkataon, after the twenty years, nanatili kaming magkaibigan. We never drifted apart.
"We always see each other sa iba’t ibang okasyon and sa iba’t ibang mga gatherings, and we would always be talking sincerely.
"We knew that we still like each other.”
Para naman kay Cherry Pie, answered prayer ang kasalukuyang relasyon nila ni Edu. Hindi rin daw niya akalaing magiging sila muli.
Kuwento ng aktres, "We remained friends and we would always see each other. And then, every time we see each other, you know that there’s something different.
"Pero me, I always tell him nga, like [magkikita], maghihiwalay na kayo and you’d feel na parang iba… Di ba, may ganoon?
"Pero I would always dismiss it because your dad has always been a charmer. Yung karisma niya, iba talaga.”
Read: Edu Manzano, Cherry Pie Picache admit rekindled relationship after 20 years
