Ganap nang dalaga ang panganay na anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan Agoncillo.
Ipinagdiwan ni Yohan ang kanyang 18th birthday kahapon, November 7, 2022.
Sa pamamagitan ng Instagram, inalala ni Judy Ann ang kanyang pangarap noon na pagtuntong sa edad na 26 ay maakgroon na siya dapat ng anak.
At hindi naman siya binigo ng Diyos dahil dumating sa kanyang buhay ang panganay.
Lahad ng 44-year-old actress, “18 years.. just like that, time does really fly fast my love… 24 years ago i started praying for a baby when i turn 26.. in the same year that i turned 26, God gave me you..”
Ayon pa sa aktres, marami siyang natutunan sa anak dahil parang sabay silang lumaki.
Nagpasalamat din siya sa asawang si Ryan na gumabay sa kanila at nagpakita ng pagmamahal.
Mahalaga raw ang pamilya dahil talikuran man ang isang tao ng kanyang mga kaibigan at ng mundo, ang pamilya ang magiging karamay niya hanggang dulo.
Aniya, “and how lucky i am to have you.. you taught me a lot.. and up until now mommy’s still learning.. we grew up together.. literally..
“and we are both blessed to have dad to guide and experience life and love with all our imperfections.. this we promise you.. life is tough my love.. friends come and go.. but, family.. is permanent..
“wherever you wanna go.. whatever you want to be.. we will be here for you .. always and forever.. happy 18th our big buding.. we love you, with all of our hearts. @ryan_agoncillo”
View this post on Instagram
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na inampon ni Judy Ann si Yohan noong dalaga pa ang aktres taong 2004.
Noong panahong iyon, nasa tugatog ng kanyang kasikatan si Judy Ann.
Ito rin ang taong namumuo ang romansa sa pagitan nina Judy Ann at Ryan sa set ng Kapamilya telefantasya na Krystala.
Taong 2005, inamin nila ang kanilang relasyon. Na-engage naman sila noong 2008.
Nagpakasal sila noong 2009.
Biniyayaan pa sila ng dalawang anak, sina Lucho at Luna.
Ayon kay Judy Ann, bata pa lamang si Yohan ay unti-unti na niyang sinasabi rito ang salitang “adoption.”
Kuwento niya sa isang panayam noong 2019, “I just had to tell it to her when she was four, five years old, early on pa lang.
"Nung nakakuha ako ng chance na ma-introduce sa kanya yung word na 'adoption,' inunti-unti ko na.
"Kasi ang fear ko naman, kapag hindi ko sinabi sa kanya, imposibleng wala magsabi sa kanya... How can you pacify her? How can you control the emotions?
"Nung simula pa lang, nung nakakaintindi na siya, inunti-unti ko na kasi mas gusto ko, ako yung mas mahirapan mag-explain kung anong relationship namin.
"Kaysa mahirapan ako mag-explain na may iba na nakapagsabi sa kanya. Isipin pa niya na tinago ko o wala akong planong sabihin.
"At sa daming tsismosa sa mundo natin, hello, maitatago mo talaga?
"If you share it with a positive attitude, then you will inspire people or other adopted children na being adopted is such a good thing.
"It's the most beautiful word that you can encounter because it just means na a family adopted you. They wanted you, they chose you to be part of their family.
"It's not as if they didn't have a choice, so me, I wanted you even before I got married.
"Even before I met your dad, you're with me already. So, it's my choice to have you as my daughter.
"That alone, she's empowered already na, 'Ah, oo nga.' So, hindi ako natatakot..."
Read: The day Judy Ann Santos told daughter Yohan she is adopted
Samantala, simple lang ang pagbati ni Ryan sa anak.
Nag-post siya ng black-and-white picture ni Yohan sa Instagram kung saan nilagyan niya ito ng caption na, "18 [heart emoji]"
View this post on Instagram
