Masayang inalala ni Pauleen Luna, 33, ang pag-iibigan nila ng kanyang mister na si Vic Sotto, 68, sa araw mismo ng kanilang ika-labing isang taong anibersayo bilang magkarelasyon.
Sa Instagram noong November 7, 2022, ibinahagi ni Pauleen ang anniversary message niya para kay Vic.
Kalakip nito ang mga kuhang video clip mula sa kanilang kasal, travel trips, at bonding nilang magkasama. May background song itong "Baby I Love Your Way" ni Joseph Vincent.
Para kay Pauleen, "greatest blessing" niyang maituturing ang kanyang mag-ama — sina Vic at Tali.
Buong mensahe ng TV host-actress sa caption (published as is), "11 years. Glad we followed our heart [heart emoji].
"My husband once sang this song [Baby I Love Your Way] for me and it's stuck like glue.
"I love you babe, @mzet280 [heart emoji].
"You and Tali are my biggest blessing!"
Dagdag pa niya, "Happy Anniversary!"
Inulan ng komento at pagbati ang anniversary post ni Pauleen mula sa kanilang mga kaibigan at kaanak.
Kabilang na sa mga nag-comment ang anak ni Vic na si Danica at asawa ni Oyo na si Kristine Hermosa.


Umusbong ang pagmamahalan nina Vic at Pauleen sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga.
Ikinasal sina Pauleen at Vic sa Great Parish Church sa Alabang, Muntinlupa City, noong January 30, 2016.
Read: Vic Sotto announces wife Pauleen Luna is pregnant!
Nito lamang November 6, bago ang kanilang anibersaryo, ay ipinagdiwang naman nila ang 5th birthday ng kanilang anak na si Tali.
Read: Pauleen Luna at Vic Sotto, natuwa sa simpleng birthday wish ni Tali
Ipinost din ito ni Pauleen sa kanyang Instagram page kung saan makikitang Unicorn ang naging tema ng birthday party.
Mensahe ni Pauleen, "Celebrated Tali’s 5th birthday yesterday.
"I think yesterday was the best day of her life! She was so happy and really enjoyed every minute of her party!
"It’s so nice pala to give kids this age a party cos they show appreciation na. She kept on telling stories about what happened yesterday.
"Thank you to everyone for making time to make my daughter happy [pray and heart emoji].
Si Tali ang ikalimang anak ni Vic.
May dalawa siyang anak sa una niyang asawa na si Dina Bonnevie — sina Danica at Oyo.
May isa siyang anak kay Coney Reyes, si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Anak naman niya kay Angela Luz si Paulina.