PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Neri Naig appreciation message for husband Chito Miranda

Neri to Chito: "Thank you for loving me..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 14, 2022
Chito Miranda, Neri Naig 8th wedding anniversary
Neri Naig to husband Chito Miranda: "Thank you at araw araw mo pa rin akong pinapatawa, nililigawan, pinapakilig, at kinukwentuhan ng buhay-buhay. Mas gusto mong kasama kami ng mga anak mo kaysa tumambay kung saan man. The best dad ka talaga."
PHOTO/S: Chito Miranda/Mrs Neri Miranda Instagram

Puno ng pasasalamat ang mensahe ni Neri Naig sa kanyang asawang si Chito Miranda.

Nitong Martes, December 13, 2022, ipinagdiwang nina Chito at Neri ang ikawalong anibersaryo ng kanilang kasal.

Sa Instagram, inihayag ni Neri ang kanyang pagmamahal at pasasalamat kay Chito, na itinuturing niyang "best husband."

Mababasa sa kanyang post (published as is): "Happppppy 8th wedding anniversary, Dad!

"8 years na tayong kasal, 12 years na tayong naglalandian.

"Naghahanap ako ng photo ng kasal natin para sana payat tayo [laugh emoji].

"I love you sooooo much! Thank you sa pagiging best husband!

"Thank you at araw araw mo pa rin akong pinapatawa, nililigawan, pinapakilig, at kinukwentuhan ng buhay-buhay. Mas gusto mong kasama kami ng mga anak mo kaysa tumambay kung saan man.

Dagdag pa niya, "The best dad ka talaga."

Ayon pa kay Neri, maliban sa pagiging numero unong supporter ng asawa ay number one cheerer din niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, "I love you, Dad. Thank you for loving me. Ikaw ang number fan ko, number 1 cheerer ko.

"Ikaw talaga yung number 1 supporter ko at the same time number 1 critic ko, pero ikaw naman ang only 1 sa puso ko [laugh emoji] nahawa na ako sa kakornihan mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad din namang nag-reply ang Parokya ni Edgar frontman. Pabiro nitong sinabi na dahil sa gayumang binili niya noon kaya't hanggang ngayon ay in love sa kanya si Neri.

Reply ni Chito, "Shout out kay kuya na pinagbilhan ko ng gayuma.

"Super effective. Hanggang ngayon inlab na inlab."

Chito Miranda, Neri Naig 8th wedding anniversary

May hiwalay rin siyang anniversary message sa kanyang misis, kalakip nito ang larawan nila ni Neri na nagyayakapan noong araw ng kanilang kasal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad ni Chito sa caption, "Eto na yun...eto na lahat [heart emoji].

"No matter how hard things get, basta alam ko na magkakampi tayo, I know everything will be okay.

"Happy anniversary, mahal ko."

Noong December 2014 nang ikasal sina Chito at Neri sa Tagaytay City.

Ngayon ay may tatlo na silang anak— sina Miggy, 6, Cash, 1, at ang kanilang adopted daughter na si Pia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong December 2021 sa mismong araw ng kanilang 7th anniversary ay pormal nilang ipakilala sa publiko si Pia.

Read: Neri Naig and Chito Miranda introduce daughter Pia

Samantala, sa comments section ng post nilang dalawa ay bumuhos ang pagbati ng kanilang mga kaibigan, fans, at co-star.

Kabilang na sa mga nagkomento sina Moira dela Torre, Loisa Andalio, at Joross Gamboa.

Chito Miranda, Neri Naig 8th wedding anniversary

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Chito Miranda, Neri Naig 8th wedding anniversary

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Neri Naig to husband Chito Miranda: "Thank you at araw araw mo pa rin akong pinapatawa, nililigawan, pinapakilig, at kinukwentuhan ng buhay-buhay. Mas gusto mong kasama kami ng mga anak mo kaysa tumambay kung saan man. The best dad ka talaga."
PHOTO/S: Chito Miranda/Mrs Neri Miranda Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results