Ipinamalas ni McDonald’s Philippines chair and master franchise holder Dr. George T. Yang ang kanyang singing talent sa isang Christmas party gathering.
Ginanap ng mga empleyado ang Netflix-themed party sa Mall of Asia noong December 13, 2022, at kinuhang host ang real-life couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles.
Overwhelmed si Kim nang maka-duet niya ang big boss ng McDo sa kantang “The Prayer,” na pinasikat ng world-renowned singers na sina Andrea Bocelli at Celine Dion.
Sa isang Facebook post, excited na ibinihagi ni Kim ang video clip ng kanilang impromptu song number, na aniya ay “unexpected and indeed a one of a kind experience.”
Bahagi ng post ni Kim, “You are an inspiration to us all and I will forever cherish this moment of singing with the person who brought my childhood happy place, to the Philippines.”

McDo PH founder and actress-host-singer Kim Molina sing "The Prayer."
Samantala, nag-post ang isang empleyado na si Regine Flores ng kanyang proud moment with GTY, na naka-duet rin niya.
Kinanta nila ang classic Christmas song na “O Holy Night."
BUSINESS TYCOON as “SINGING TYCOON”
Si Dr. Yang ay hindi lamang successful na Filipino-Chinese businessman at former diplomat kundi isa ring classical at opera singer.
Ang hilig at talento sa pagkanta ay nagsimula bilang childhood pastime na nadiskubre niya noong siya ay 12 years old.
Noong September 12, 2022, naitampok ang 84th birthday ni Dr. Yang sa The Manila Times.
Dito inilahad na hindi aprubado ng mga magulang niya na gawing propesyon ang pagkanta, bagkus, pinayuhan siya ng kanyang ama na mag-concentrate sa pagtatrabaho.
Kalaunan ay nagtagumpay siya sa larangan ng business.
Si Yang ay nagtapos ng Bachelor’s Degree in Business Administration sa De La Salle University at ng Master’s Degree sa Wharton School, University of Pennsylvannia.
Ginawaran siya ng honorary doctorate degrees ng Jose Rizal University noong 2014 at De La Salle University noong 2017.
Pagbalik galing sa U.S. matapos makuha ang kanyang Master’s Degree, nagtrabaho si Yang bilang marketing manager sa Bataan Cigarette Company. Kasabay nito, nagturo siya ng business courses sa kanyang alma mater at nagsilbi ring consultant sa mga Chinese companies sa Binondo, Manila.
Noong 1981, binuksan niya ang kauna-unahang restaurant franchise ng American fast-food chain na McDonald’s sa Morayta, Manila, matapos ang ilang taong paghihintay at initial denial ng kanyang application.
Sa ngayon, mayroon na silang mahigit 650 McDonald’s stores sa ilalim ng Golden Arches Development Corporation.

UNDYING PASSION FOR MUSIC
Matapos magtagumpay bilang isang businessman, binalikan ni Dr. Yang ang kanyang naumsiyaming pangarap.
Sa isang interview niya sa INQUIRER.net, published on September 12, 2021, ipinahayag ng businessman na, “you’re never too old to live your dreams.”
Ito ay patungkol sa kanyang singing career na sinimulan niya sa kanyang senior years.
Sa mga ulat, nabanggit na napilitan siyang mag-join sa isang "karaoke session with guests at a bar in the late 1990s.”
Ito ang nagbunsod upang sumabak siya sa formal training alongside the country’s famous artists, including Rachelle Gerodias, Raul Sunico, Raul Navarro, Lily Monteverde, at Gerard Salonga.
Naging recording artist siya ng Universal Records at nakapag-release ng ilang CDs.
Ang una ay ang “Yang at Heart” released in 2002, na sinundan ng “Forever Yang,” “The Night is Yang,” at “Always Yang.”
Nagkaroon din siya ng collaborations kasama ang matalik na kaibigan, ang acclaimed singer/songwriter na si Jose Mari Chan, na tinaguriang “Father of Philippine Christmas Music.”
Noong November 2018, ginanap ang kanyang major solo concert sa Cultural Center of the Philippines (CCP) titled Yang Klassics Concert.
Bukod sa pagkanta, itinatag din ni Dr. Yang ang Klassikal Music Foundation noong 2007 upang suportahan ang mahuhusay na Filipino music artists.
Pinatunayan ni Dr. Yang na mapa-business, music, at charity, kailangan hindi lamang ng talento kundi dedikasyon.