Nagpa-raffle ng paid vacation leaves (VL) ang social-media influencer at beauty guru na si Nina Cabrera sa Christmas party ng kanyang local cosmetics brand.
Nag-viral sa Tiktok noong December 11, 2022 ang video ni Nina tungkol sa kanyang kakaibang raffle prizes.
Ang mga winners ay may dagdag na limang araw na bakasyon, on top of their regular vacation leave benefit, sa 2023.
Naisipan daw ng kumpanya na ito ang ipa-raffle dahil sa pagiging hardworking ng mga empleyado.
Sa dami ng regalong maaaring matanggap ngayong Pasko, naniniwala ang ibang netizens na wala nang hihigit pa sa aginaldong ito.
Ang ideyang ito ay inspired ng tweet ni Atty. Gideon Peña, isang law professor, noong December 7, 2022:
“Sana ang iparaffle sa mga Christmas party ay additional leaves.
“Aanhin mo naman kasi ang malaking tv kung lagi ka namang nasa opisina.”
Sabi nga ng isa sa nag-comment sa video ni Nina (published as is): “Ganito dapat ang pa raffle!! Kahit wala akong makuha na gadgets o money sa raffle, eto lang sapat na to spend time with fam. #SANALL PO!”
Papuri naman ang hirit ng isa pa, “This is the new normal na para sa companies who value and appreciate their employees. Best boss you’ll ever have guys!”
May iba naman nagpasaring na gusto nilang maging bahagi na rin ng kompanya ni Nina:
“hiring ba kayo Ms. Nina? Gusto ko mag apply sa company mo huhu”
“MAY OPENING BA DYAN”
“prang gusto ko n mgapply kay ms nina ah”
Sa kasalukuyan ay umani na ito ng halos 200,000 views, 8,755 reactions, 135 shares, at 130 comments.
SI NINA CABRERA AT ANG COLOURETTE COSMETICS
Sa kanyang Facebook profile, ipinagmamalaki ni Nina na siya ay isang self-made beauty entrepreneur.
She explained in one of her posts, “When I started my entrepreneurship journey, I did not have the privilege of having a mentor.
“I had to commit mistakes to learn from them. I had to experience problems first hand so I would understand its repercussions.
“Fast forward to today, I finally was able to grow my business from zero to hero.”
Si Nina o Nina Ellaine Dizon-Cabrera ang founder at CEO ng Colourette Cosmetics, isang beauty brand na “made FOR Filipinos, BY Filipinos,” ayon sa website nito.
Nagsimula ang kanyang vision para sa negosyo noong siya ay nasa college, pero nagkaroon ito ng katuparan nito lamang 2015.
Itinayo niya ang Colourette upang mag-produce ng make-up products na magke-cater sa gandang Pinoy, considering “factors like the everyday Filipino's budget and lifestyle, our humid, tropical weather, and our specific range of skin tones!”