Kagulat-gulat ang enggrandeng party na naganap to celebrate the birthday ng aktres na si Jenny Miller nitong February 4, 2023, Sabado, sa Juan Carlo The Caterer sa Quezon City.
Dapat ay surprise birthday party ito para sa kaya na nabuking niya dahil sa fashion designer na si Francis Libiran.
Kuwento ni Jenny sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) during the celebration, “Yes, pero hindi na kinaya kasi nga nagde-demand na si Francis Libiran.
"‘I need her measurements,’ kasi masisira siya kung hindi fit yung gown, so yun, na-reveal na rin niya.
"Sabi niya, ‘Ate sorry kasi may ina-arrange kami, eto na yung contract ng lahat ng suppliers, may debut ka,’ so yun.”




Pero na-surprise pa rin si Jenny nang nalamang ganoon ka-bongga ang “debut” niya, malayo raw ito sa debut niya noong araw sa probinsiya.
Aniya, “Kasi siyempre first time kong magpa-party nang ganito, normally birthday ko…alam nila Ara [Mina, close friend ni Jenny] iyan, bar lang.
"‘Inom lang tayo, let’s have fun’, basta to celebrate life lang, pero in a simple way, ganun lang ako normally.
“Ito enggrande! First time ito ever talaga, na karir!”




LOVE FROM UNEXPECTED PLACES
Ang interesting detail sa party niya ay sponsored ito ng mag-inang nakikilala niya through livestream sa Bigo during the pandemic.
Masayang sabi niya, “I don’t know, siguro special siya kasi maraming…may mga taong nagmamahal sa akin. Hindi ko akalain na ganito ako kamahal.”
At tumawa ang aktres. “Like yun nga, si Nay Emily Otani.”
Ang naturang mga kaibigan ni Jenny, ang mag-inang sina Emily at Gigi Otani na based sa Amerika, ang nagregalo sa kanya ng party, as in sinagot nila ang lahat ng gastos sa party ni Jenny.
Dr.
Bakit ganun siya kamahal ng mag-ina?
“Hindi ko rin alam, honestly, question mark sa akin na…hindi ko akalain, nagpakatotoo lang ako.
“So iyon, since then consistent na sila laging nasa live ko, nagtawagan na kami, naging deep na yung relationship namin, tinanggap na nila ako."
Mistulang second family kung ituring ni Jenny ang dalawa. Parang "pangalawang ina" niya si Emily at "pinaka-bunsong kapatid" si Gigi.
Sabi pa ng birthday girl, "...niloloko nga nila ako kasi kamukha ko daw si Nanay, kamukha ko daw kasi so parang anak talaga.
"Pero close din siya sa maraming showbiz personalities, like sila Valerie Concepcion, Sherilyn Reyes, kamag-anak nila.”




HEALING EFFECT OF ENTERTAINMENT
During the pandemic ay naging sandalan emotionally ni Gigi si Jenny.
Lahad ng aktres, “Yeah, hindi ko rin akalain na magma-matter pala sa kanya yun, nandun lang ako sa kanya during that time na namatay si lola ni Nay…
"Hindi ko alam kung maysakit ba si Nay, nasa hospital yata, basta wala, walang naka-ano sa kanya kundi ako, ilang oras kaming magka-usap na pinapatulog ko siya.
"Kasi hindi siya makatulog, iyak siya nang iyak kasi nga namatay si lola, kasi lumaki siyang lola’s girl, e, while si Nay nasa…nagtatrabaho siyempre, sa ibang bansa.”
Si Jenny ay naging vulnerable at pinanghinaan rin ng loob at the height of the pandemic, pero siya ang naging source of strength ni Gigi, paano niya nagampanan iyon?
Tugon niya, “Kasi nga rin wala kaming work, e, walang tapings during the pandemic, so ako nag-focus ako sa livestream,
"Nag-e-enjoy ako to entertain viewers, lalo na yung mga OFWs na nasa ibang bansa nating mga kababayan, na natutuwa ako na nag-e-enjoy din sila sa company ko sa livestream.
"So iyon, naging close ako sa kanila, then nagtawagan na, hanggang sa nagtuluy-tuloy lang, na hindi na nila ako pinabayaan till now,
"Sobrang grateful ako, sobrang blessed ako.”
Ano ang ginawa niya para makapang-entertain livestream ng tao?
Ani Jenny, “Yung conversation lang with them, sobrang importante sa kanila, may topic.”
Para siyang psychiatrist?
“Parang ganun, kung ano yung io-open nilang topic, kahit sa family nila, nire-relate ko din yung experiences ko with them.
"Tapos nagkakantahan kami, andun sila sa live ko, kumakanta sila and nakikikanta ako sa kanila kahit hindi ako singer.”
Samantala, ikinalungkot ni Jenny na hindi nakauwi ang mag-inang Gigi at Emily para dumalo sa party na birthday gift nila sa aktres.
“I was… honestly, hoping pa din ako till the last minute na dadating sila, iniisip ko na, ‘Surprise iyan, dadating sila’, I’m still hoping, sabi ko kahit video call.”
Bulalas pa ni Jenny sa PEP.ph, “Sobrang happy dahil nandito yung mga mahal ko sa buhay, the family, the friends.
"Kasi marami na ring mga commitments, may mga tapings na rin and all, so lahat ng nandito sobrang masaya ako na nakapunta.
"Änd kayo thank you, thank you for coming. Maraming salamat.”
STREAMING LIVE AND SURVIVING
Inamin nga ni Jenny na nagkaroon siya ng anxiety attack nung kalakasan ng COVID-19 virus.
“Nagkaroon! Wala akong trabaho, ano ginawa ko? Umuwi ako ng probinsya, nagpa-ampon ako sa nanay at tatay ko para libre yung kain.
"Sobrang depressed na depressed ako nun. Wala, e, shutdown ang ABS, so anong gagawin namin?
“Till nag-approach nga sa kin yung hairstylist ni Vice [Ganda], si Mama B, sabi niya, ‘Jen gusto mong i-try ang livestream?’
"Sabi ko, ‘Ano iyan?’ Parang for me noon anong kalokohan iyan?
“How will I entertain people? Hindi ako singer, ano iyan sasayaw ako diyan? Di ba parang mukhang tanga? Ganun pa ako dati.”
Ngayon, tuloy pa rin kanyang Bigo, “Till now, kasi nandiyan yung mga supporters na hindi bumibitaw sa akin and sayang yung income, di ba?”
Ilan ang followers niya?
“Doon? Nasa a hundred thousand yata, worldwide yun, e, global yun.”
Nagbibigay sila ng mga parang stars?
“Virtual gifts, iyon yung nako-convert namin into cash.
“Nag-Tiktok din ako, pero hindi ko na natuloy kasi pumasok na ulit yung mga tapings, e.”
Napanood si Jenny sa The Fake Life nina Beauty Gonzalez at Ariel Rivera na umere sa GMA Afternoon Prime nitong June ng nakaraang taon.
“Oo, tapos nag-KathNiel ako, 2Good to be True, sinabay ko yung Ariel Rivera-Beauty Gonzalez, so sabay kong ginawa yung dalawa.”
(Note: Some details have been deleted upon the request of Jenny Miller.)
