Mainit na usapin ngayon sa social media ang golden souvenirs ng couple na ikinasal nitong weekend.
Literal kasing ginto ang giveaways ng newlyweds na sina Emerson Tolentino at Aeriel Estacio ng Taytay, Rizal.
Isandaang 24-karat gold bars ang ipinamigay ng couple sa araw ng kanilang kasal.
Ang bawat gold bar ay four-inch long at may design ng rabbit dahil Year of the Rabbit ngayon.
Read also:
- VIRAL: Bride na tumigil sa pagsayaw ng traditional dance sa wedding para kunin ang delivery
- Bride, dismayado sa kanyang wedding pictures; netizens to the rescue
Ikinasal sila sa Aquila Crystal Palace sa Tagaytay nitong Linggo, February 19, 2023.
Dahil sa bonggang giveaways ng couple, mabilis itong naging trending at viral.
Diumano, PHP15,000 kada piraso ang ang gold bar souvenirs na ipinamigay ng bagong kasal.

Ang 20 piraso ay ipinamigay sa pamamagitan ng online live sa mismong araw ng kasal.
Samantalang ang 80 piraso ay ipinamigay sa wedding attendees.
Ibig sabihin ba nito ay isa at kalahating milyong piso ang ginastos nila sa isandaang gold-bar wedding giveaways?
May paglilinaw na ipinaabot ang senior wedding coordinator na si Aldrik Gohel ng Moments by Ruffa ukol sa presyo ng ibinalitang gold-bar giveaways.
THE TRUTH ABOUT THE PRICE OF THE GOLD BARS
Kinlaro ni Aldrick sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilang impormasyon ukol sa souvenirs.
Nakapalitan siya ng mensahe ng PEP.ph ngayong gabi, February 20, 2022.
Dahil nakaabot na sa couple ang tungkol sa pinag-usapang giveaway, may nais silang linawin sa pamamagitan ng interview.
“Sasabihin nila dun na sa mall at hotel price yung PHP15,000. Pero mura lang talaga siya,” ani Aldrick.
Ipinaabot ni Aldrick na mas minabuti ng couple na huwag nang banggitin ang exact prize ng souvenirs.

Sa kabilang banda, ang 24-karat gold na souvenirs ang naisip gawing souvenirs nina Aeriel at Emerson dahil online sellers sila ng gold jewelry.
Ang business nilang ito ang nagpayaman sa kanila at ang gold bars na giveaways ang paraan ng pasasalamat nila.
Bago sila umasenso, interns noon sina Aeriel at Emerson sa Crown Plaza at doon sila nagkakilala.
Napagkasunduan nilang magbenta ng mga alahas nang maging couple sila at kalaunan ay umasenso.
