PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baby girl sa Guimaras, instant millionaire sa kanyang first birthday

“Pinaghandaan talaga namin."
by Bernie V. Franco
Published Mar 10, 2023
Grand birthday celebration
Sabi ng ina ng birthday celebrant, hindi pa siya buntis noon ay pinaghandaan na nila ang magiging kaarawan ng kanilang baby. Pinangarap talaga nila ang isang enggrandeng birthday para sa anak.
PHOTO/S: Yume Films

Enggrande ang selebrasyon ng first birthday ng isang baby girl sa Jordan, Guimaras.

Hindi tinipid ang pagdiriwang ng kaarawan ng bata.

Bukod sa bumaha ng mga bisita sa selebrasyon, magarbo ang fairytale theme sa venue, at may five-layer cake with projector.

Naka-costume din ang performers.

Pero ang highlight ng birthday party ay ang enggrandeng birthday gift ng mga magulang—tumataginting na PHP1 milyon.

Ang regalo ay binubuo ng tig-iisang libong piso na isinilid sa mga transparent plastic para magmukhang kapa.

PHP 1 million cape

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

P1 milion birthday gift

Isinuot ito sa birthday girl sa gitna ng selebrasyon.

Read: Higit kalahating milyong piso, pa-birthday ng pitong anak sa ina

Kuwento ng ina ng bata na si Rolyn Faith Co Dellavan, matagal at matindi ang paghahanda para sa okasyong ito.

Hindi pa raw siya buntis, nagsimula na silang mag-ipon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pinaghandaan talaga namin siya since nagpa-plan pa lang kami na magka-baby,” kuwento ni Rolyn sa ulat ng GMA Regional TV One Western Visayas.

“Ever since nanganak ako, plan ko talaga na luxurious and bongga ang magiging first birthday party niya,” patukoy sa kanyang anak.

Kaya naman wish ng ina para sa kanyang baby, maging mapagbigay rin ito paglaki niya.

“I hope someday, maging tulad ka namin ni Daddy mo na generous,” ani Rolyn.

Credits:

Photos by: Yume Films

Organizer/ Stylist: Nluxxe Events

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sabi ng ina ng birthday celebrant, hindi pa siya buntis noon ay pinaghandaan na nila ang magiging kaarawan ng kanilang baby. Pinangarap talaga nila ang isang enggrandeng birthday para sa anak.
PHOTO/S: Yume Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results