Makaantig-damdamin ang kuwento ng isang construction worker na naghanda ng isang masayang sorpresa para sa 17th birthday ng anak niyang babae noong April 14, 2023.
Ang nakakalungkot, hindi na pala maisasayaw ng ama ang kanyang anak sa debut nito sa susunod na taon.
Tatlong araw matapos isagawa ang sopresa, pumanaw ang ama.
Ito ang kuwento ni Kuya Pidot ng Iriron, Calintaan, sa Occidental Mindoro.
Read:
- "Congratulations turned to condolences": Wedding ng OFWs, sad ang ending dahil sa COVID
- Napakasakit: Groom pumanaw isang araw matapos ikasal. “From marriage certificate to death certificate.”
Ang kanyang madamdaming kuwento ay ibinahagi ni Ymer Gallejos, 31, isang event organizer.
Si Ymer ang tinawagan at kinomisyon ni Kuya Pidot para gawin ang birthday surprise.
Sabi ni Ymer sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pumanaw si Kuya Pidot noong April 17, habang nagtatrabaho sa construction site.
At ibinahagi niya ang kuwento sa Facebook dahil testament ito ng di matatawarang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak.
Ang sabi pa ni Ymer sa PEP.ph, “Dati siyang konduktor po ng jeep na bumabiyahe dito po samen tapos nag-resign at napunta na sa construction."
Kilala si Kuya Pidot sa kanilang lugar bilang masayahin at palabirong tao.
KUYA PIDOT’S LAST SURPRISE FOR HIS DAUGHTER
Mas marami pang detalye sa Facebook post ni Ymer noong April 17.
March 27, 2023, nang kausapin ni Kuya Pidot at asawa nitong si Daisy si Ymer na mag-organize ng car-trunk surprise para sa anak nilang si Trexia.
Ang kuwento ni Ymer (published as is), “From the time it was booked to us Kuya Pidot didn't missed a day to follow it-up to me up to the time of its delivery.
“He would call/chat/videocall me in the morning and at night to make sure that everything is okey. He would say: ‘Mer, surpise yan hah. First time kasi yan. Gusto ko masupresa yung anak ko.’"
Kitang-kita raw ni Ymer ang excitement ni Kuya Pidot.
"I felt a love that is so pure and great.”
Noong araw ng delivery, April 14, tinawagan ni Kuya Pidot si Ymer at sinabing hindi siya makakarating sa sorpresa dahil nasa trabaho siya.
Pero hindi na lang daw umalis si Kuya Pidot.
“When we executed the surprise, his daughter was so happy and even cried.
"And when I looked at Kuya Pidot, I saw him teary-eyed. There, I saw so much love for her daughter.
“Though he has work that day, he can’t afford to leave and he just stayed.”
Yun na pala ang huling beses na makikita ni Ymer na buhay si Kuya Pidot.
April 17, bandang 11:00 a.m., nakarating kay Ymer na pumanaw na si Kuya Pidot, “Presumably due to heart attack in the midst of his work in the construction.”
Sa nasabi ring Facebook post, pinasalamatan ni Ymer si Kuya Pidot: “In behalf ng lahat ng pasahero at estudyante na hindi mo sinisingil ng pamasahe noon kapag sasakay ng Jeep, kasama na ako…
“Gayundin ang mga padala na di na siningil, mga padalang allowance ng estudyante at mga gulay at bagoong.
“Maraming salamat. Hindi ka namin makakalimutan. You are part of lives.
“Bahagi ka kung nasaan ka man ngayon. Isa ka sa mga mahahalgang tao sa komunidad."
May pabaon ding paghanga ang event organizer: “Kuya Pidot, you're such a great father. Salute!”
