Ganap na ang pagiging Kristiyano ni Scott Angelo Domagoso, ang anak ng aktor na si Joaquin Domagoso at ng aspiring actress girlfriend nitong si Raffa Castro.
Bininyagan si Scott sa St. Michael The Archangel Parish sa Taguig City, ngayong Sabado ng hapon, April 29, 2023.
Read: Joaquin Domagoso finally speaks about being young dad

Joaquin, Raffa, and Scott with Joaquin's dad Isko Moreno (in stripes), Raffa's dad Diego Castro (extreme right), and Joaquin's manager Wowie Roxas (center).
Doble ang selebrasyon na naganap dahil bukod sa bininyagan si Scott, ipinagdiwang din nito ang unang kaarawan.
Ginanap ang baptismal reception ni Scott sa The Atrium ng Enderun, sa Taguig City.
Dumalo sa pagtitipon, na may Ahoy Sailor theme, ang mga magulang nina Joaquin at Raffa; ang talent manager na si Wowie Roxas, ang namamahala sa showbiz career ng mag-amang Isko at Joaquin; ang dance choreographer na si Lyn Tamayo; at si Joy Alonzo, ang manager ni Martin Nievera.

The birthday boy with his parents and guests, including Sofia Pablo, Allen Ansay, and John Gabriel
Kabilang ang mga young star na sina Sofia Pablo at John Gabriel sa mga ninang at ninong ng anak nina Joaquin at Raffa.
Kasama ni Sofia na sumipot sa binyag ng kanyang inaanak ang ka-love team niyang si Allen Ansay.

Joaquin and Scott with Daddy Wowie and John Gabriel
Isinilang si Scott sa isang ospital sa Quezon City noong April 29, 2022. Pero inilihim muna nina Joaquin at Raffa ang pagkakaroon nila ng anak.
Read: Joaquin Domagoso, may two-month-old son na sa kapatid ni Claire Castro
Nalaman ng publiko ang katotohanan nang aminin at kumpirmahin ni former Manila City Mayor Isko Moreno na lolo na siya sa isang interbyu noong July 2022.
Read: Isko Moreno admits to being a lolo to son Joaquin Domagoso's child: “Ang pogi ng apo ko.”
Si Isko ang ama ni Joaquin samantalang ang former actor-turned-newscaster na si Diego Castro ang tatay ni Raffa.