Sa graduation party ni Juan Carlos Soriano, 23, isinuot niya ang uniform ng kanyang tatay na delivery rider.
Agaw-pansin ang gayak niya na napagkatuwaan pa nga ng mga kaklase.
Biniro rin siya kung nasaan na raw ang kanilang orders. Ngiti lang ang sagot sa kanila ni Juan.
Pero nang i-post niya ang dahilan, ang pagbibiro kay Juan ay napalitan ng paghanga.
Ang kanyang kuwento ay nag-viral recently, bagamat ang graduation party ay nangyari pa noong May 26, 2023, araw mismo ng kanilang graduation.
Read: Magna cum laude, may hirit sa pa-tarp ng mga kamag-anak: “Hindi pa ako patay.”

Juan Miguel Soriano, 23, wearing his dad's uniform. Juan's father is a delivery rider.
last mess, a GRADUATION PARTY
Si Juan, from Tondo, ay nagtapos ng Bachelor of Science in Marine Transportation mula sa Maritime Academy of the Asia and the Pacific sa Mariveles, Bataan.
Siya ay pinagkalooban ng Exemplary Award sa kanilang graduation noong May 26.
High school pa lang ay active student leader na siya, at isa ring scholar.
Pagkatapos mismo ng graduation, ginanap ang kanilang Last Mess, isang tradition ng mga nagsisipagtapos mula sa naturang academy.
Ang mga kadete ay may layang mamili ng isusuot nilang costume.
Sabi ni Juan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Bali yung huling kain po namin bilang kadete. Kaya po siya Last Mess.
“Kasi po, in our everyday life in the academy po, we are wearing the uniform.
“Huling kain po namin as kadete. Anything we want, anything under the sun, we can freely wear, whatever we want po.”
Ang orihinal na plano sana ni Juan ay magsuot ng Barong Tagalog dahil nais niyang maging pulitiko balang araw.
“And then, nakita ko po si Daddy talaga nun. Nung umuwi po siya nun.
“Pagod na pagod po siya. And then, he's wearing the driver uniform.
“So sabi ko, why not to impersonate my dad? Kasi gusto kong i-tribute talaga kay Daddy yung graduation.”
Standout ang green shirt ni Juan sa graduation event.
“Bale, natatawa po sila. Pinagtatawanan nila ako. Tapos parang inaano nila na kantiyawan po na, ‘Uy, uy yung order ko. Nasaan yung order ko?’ Ganon.
“Kakaiba po yung uniform ko, as in ako lang po yung naka-delivery rider that time.
“Tapos hindi po nila alam yung story na yun kasi kakain lang naman po kami wearing that uniform.”
Read: Board passer, inutusan ng nanay na gawin ang sariling tarpaulin; netizens naka-relate

Juan Carlos (far right) in delivery rider uniform together with his fellow cadets during their Last Mess.
Ipinost ni Juan ang dahilan kung bakit delivery-rider uniform ang isinuot niya: para magbigay-pugay sa amang delivery rider.
“So, I took the opportunity in posting in Facebook para ma-explain po. Then na-amaze po sila na may story po pala yung [costume].”
Nakatanggap ng mga mensahe si Juan mula sa mga kaklase.
“Ang galing daw kasi akala nila ginagawa ko lang katatawanan since delivery riders are trending nowadays.
“So, magaling daw kasi nasabi ko yung story ako dahil sa pagsuot ko ng uniform na yun.”
Read: Yancy Panugon, palaki ng lolang PWD, nagtapos bilang summa cum laude
PROUD OF HIS FATHER
Ipinagmamalaki ni Juan na anak siya ng isang driver.
“Never po akong nahiya kung ano po yung work ng parents ko.
“And mas proud po ako na sabihin na driver po si Daddy.
“Kasi since high school po, scholar po ako.”
Marami raw sa kanyang mga kaklase ay may mga kaya o may sariling business ang pamilya.
“Tapos parang magtatanong kung ano yung work ng parents. Hindi po ako nahiya na sabihin kung ano yung totoo.”
Kuwento ni Juan sa PEP.ph, higit 30 years nang driver ang kanyang amang si Bayani, 51.
Read: Pang-MMK story ni Baltazar Dela Trinidad, 28, magna cum laude at board topnotcher

Juan, together with his dad, Bayani Soriano, 51, who is a delivery rider
Naging Overseas Filipino Worker ang kanyang ama sa Middle East, at naging driver sa loob ng 10 taon.
Nang makauwi sa Pilipinas ay naging driver siya ng kilalang Transport Vehicle Network Service (TNVS).
“Then nag-Grab motor po siya ngayon,” ani Juan ukol sa ama, na pinakamalaking impluwensiya sa buhay niya.
Dugtong ng binata, “Sa family po namin, siya po yung pinagkukunan namin ng inspirasyon dahil handa po siyang tumayo at gawin ang lahat para sa aming mga mahal niya.
“Yun po yung nilu-look up ko kay Daddy po.”
Sa ngayon ay nagre-review si Juan para sa dalawang board exams.
Aniya, “I am preparing for my board exam this month. And also, I have a training po. Tapos mag-exam po ulit ako [board exam] kasi dalawa po yung exam po namin.
“So next month, mag-training po ako.
“Tapos by September, October, I will undergo for technical assessment interview in our company, which is Maersk Line po.
“So afterwards po, they will adopt me as an officer on board.”
Maliwanag ang kinabukasan ni Juan na puno ng pangarap.
Tungkol sa nag-viral na outfit niya, masaya siya dahil bida ang mga taong pinag-aalayan niya ng tagumpay.
“Na-realize ko po nung nag-viral yung post ko na nakasuot ako ng uniform.
“Kasi sa post ko po, in-honor ko po yung father ko, in-honor ko po yung parents ko.
“And I realized na kapag po talaga in-honor mo yung magulang mo, talagang maraming tao matutuwa.
“And at the same time, maraming tao makaka-appreciate because honoring our parents is a must. And also, it's one way of showing our love to our God.”
