PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

18 parents, edad 25 to 58, nagtapos ng kinder sa Davao Occidental

Ngayon, marunong na silang magsulat, magbasa, at magbilang.
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Jul 28, 2023
graduation
Age is just a number. Eighteen parents that are no-read and no-write have graduated kindergarten through a program in an elementary school in Malitas, Davao Occidental.
PHOTO/S: Facebook (TFS Tabunan Elementary School)

Labingwalong (18) parents edad 25 to 58 ang nagtapos ng kindergarten ngayong 2023 sa Tribal Filipino School (TFS) of Tabunan Elementary School sa Malita, Davao Occidental.

Pinupuri ang naturang paaralan dahil sa programa nitong tumanggap ng mga may edad na mag-aaral mula sa Tribo Tagakaulo para matupad ang mga pangarap nilang matutong magsulat kahit man lang ng kanilang mga pangalan.

Masayang ibinahagi ng kindergarten adviser na si Teacher Romnick “Nick” Masayao, na bukod sa pagsusulat ay nakakabasa na rin ng Tagalog ang ilan sa kanyang mga estudyante.

Karamihan kasi sa mga magulang na ito ay magsasaka, walang trabaho, at no-read at no-write.

Nagmartsa sila sa isang kakaiba at nakakaantig na graduation ceremony na ginanap nitong July 12, 2023.

Suot ang kanilang puting toga, nagmartsa ang kinder graduates, at ang naghatid ay kanilang mga asawa o kaya ay mga anak.

“Proud po akong sabihin na mula sa hindi marunong sumulat ng kanilang ng mga pangalan, ang ilan po sa kanila ay marunong nang magbasa ng Tagalog,” kuwento ni Teacher Nick sa ABS-CBN report.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Grade 10 student on PHP1M graduation gift: “This has gotta be a prank.”

HINDI HADLANG ANG EDAD SA TAONG MAY PANGARAP

Bagama’t marami sa mga pupil-parents ay inuna munang pag-aralin ang mga anak nila, pinatunayan ng mga taga-Tribo Tagakaulo na hindi hadlang ang edad sa mga gustong mag-aral.

Dagdag ni Teacher Nick, “Hindi sila nakapag-aral noong bata pa sila dahil ayaw silang pag-aralin ng kanilang mga magulang, dahil malayo ang kanilang paaralan sa kanilang bahay at takot ang kanilang mga magulang na baka may mangyari sa kanila sa daan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya’t nang magkaroon ng pagkakataon, sa pamamagitan ng programa ng TFS of Tabunan Elementary School, dagli silang nag-enroll kahit karamihan sa kanila ay nahihiya at natatakot na ma-bully.

Upang hindi sila ma-discourage, inihiwalay ni Teacher Nick ang mga ito sa mga regular na mag-aaral. Mayroon siyang 45 na estudyante sa kinder.

“Separate po ang oras ng klase ng parents and pupils po na maliliit kasi noong una nahihiya po ang mga parent-pupil na baka pagtawanan sila.”

Read: Cadet wears dad’s delivery rider uniform in graduation party

Si Teacher Nick ay kabilang din sa parehong tribo ng mga Lumad sa lugar kaya’t hindi naging mahirap para sa kanya ang magturo, makipag-usap, at maintindihan ang sitwasyon ng mga ito.

Sa suporta ng buong eskuwelahan, maging ng kanilang school head na si King Rowel Ganir Salinas, nakapagtapos sa Kinder ang mga magulang.

Mensahe ng punongguro sa kanyang Facebook page (published as is):

“Entering Kindergarten, regardless of age, is a courageous step that requires embracing new experiences, acquiring new skills, and fostering a love for knowledge.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“We applaud your dedication to personal growth and your unwavering belief in the transformative power of education.

“Your presence in the classroom will undoubtedly inspire others and serve as a testament to the fact that it is never too late to pursue your dreams.”

Tatlong bagay lamang umano ang nais ng mga ito: ang matutong magsulat, magbasa, at magbilang.

Ang pinakamatanda sa kanilang mga mag-aaral ay 58 years old, at ang ilan sa mga ito ay mag-ina o di kaya naman ay mag-asawa.

Sa pamamagitan ng Akap Guro Connected, ibinahagi ni Mr. Salinas kung paano nilang nahikayat ang mga ito na mag-enroll sa kabila ng mga pagsubok, tulad ng paglalakbay nang malayo upang marating ang paaralan.

“We provided them the options for their learning modalities and we gave them free learning supplies and food supplies.”

Nagbahagi rin ng parehong saloobin si Teacher Nick sa Akap Guro Connected. Aniya sa kanyang local dialect:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bisan sa ka-busy, daghan obligasyon sa balay pero ginagahinan gihapon ug oras pag-skwela basta determinado nga makat-on ug makahuman wala jud babag nga dili makapadayon ug skwela.”

(Sa kabila ng pagiging busy at dami ng obligasyon sa bahay, binibigyan nila ng oras ang pag-aaral basta determinado na matuto at makatapos. Walang makakahadlang sa pagpapatuloy nila sa pag-aaral.)

Dahil sa tagumpay ng programa ay magsisikap silang makahikayat ng mas marami pang adult learners sa susunod na taon.

Ani Mr. Salinas, “We proved already na effective, and we also know how to handle yung mga learners. We are hoping na mayroon pang papasok na another set of parents.”

They are also very thankful sa exposure na nakuha ng kanilang programa sa media nang ma-feature ito sa iba’t ibang news agencies.

Dahil dito ay inaasahan nilang maka-inspire ng marami pa, at mahikayat din ang ibang eskuwelahan na tularan ang kanilang nasimulan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Age is just a number. Eighteen parents that are no-read and no-write have graduated kindergarten through a program in an elementary school in Malitas, Davao Occidental.
PHOTO/S: Facebook (TFS Tabunan Elementary School)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results