Naging laman ng local at foreign news ang kasal ng couple na sina Paulo Jayvee Padilla at Dianne Victoriano, parehong taga-Bulacan.
Ginanap ang pag-iisang dibdib nila sa makasaysayang Barasoain Church sa Malolos, Bulacan noong July 30, 2023.
Naging unforgettable at pinag-usapan ang kanilang wedding dahil itinuloy ang ito kahit na lampas bukong-bukong ang baha sa loob ng simbahan.
“Hindi po namin inaasahan,” sabi ni Dianne sa interview niya sa Julius and Tin nina Julius Babao at Christine Bersola-Babao ng One PH nitong August 1, 2023.
“Nagulat po kami kinabukasan nung nag-viral yung mga kasal nga po namin," sabi ng bride na si Dianne.
Tinanong ang newlyweds kung naisipan ba nilang ikansela ang kasal nang makita ang sitwasyon sa simbahan.
Ang sabi ng bride, “Nung malapit na po yung oras nung ceremony namin, nag-inform po yung mga coordinator po namin na may tubig nga po sa loob ng simbahan.
“Kailangan na po naming mag-decide kung ipu-push through pa po yung wedding o wag na lang... Doon lang po kami nakapag-decide.”
Desidido raw sina Dianne at Paulo na ituloy ang kasal. Ang mas inalala nila ay ang kanilang mga bisita at entourage.
Read: VIRAL: Pekeng oso sa zoo? Zoo management, sumagot na

Wedding despite the flood in Barasoain Church in Bulacan
May mga bisita raw kasi silang galing sa malalayong lugar, tulad ng ninong nilang si Jojo Alejar na galing pa sa Antipolo, Rizal.
Ani Dianne, “Sabi nga po naming dalawang mag-asawa, ang pinaka-goal talaga po namin, e, makasal nung araw na iyon.
“Talagang iniisip lang din po namin yung mga bisita namin na nanggaling pa po sa malalayong lugar.”
Isa-isa raw kinausap ng mag-asawa ang kanilang mga ninong at ninang.
“Inabisuhan po namin sila na, ‘Okay lang po ba na ganito po yung sitwasyon?’ Kung hindi naman po, okay lang po. Sa reception na lang po kami magkita-kita. And kaming ikakasal na lang po, kasama ng pamilya namin yung magmartsa.
“Itutuloy po namin ito kahit po hindi maging kumpleto yung entourage po namin.”
Pero wala raw umurong sa kanilang entourage at mga bisita.
“Nakita po kasi namin yung suporta nila. Sabi ko nga po, yun yung pinakahindi namin din inaasahan.
“Kumbaga natanggap na nga po namin na maaaring kaming dalawa na lang, pamilya na lang namin, ang nandoon [sa simbahan]...
“Pero sobrang nagulat po kami nung makita namin yung mga ninong at ninang na kumpleto po silang lahat.
“Kumpleto. Walang kulang kahit isa. Lumusong po talaga lahat.”
Read: Meet Alma Roque, 48-year-old nanay who earns 5 digits from online gaming and live streaming

Actor-host Jojo Alejar in boots at the wedding. Jojo was one of the sponsors.
ON CRITICS
Pagdating sa reception, nakapaglinis at nakapagpalit naman daw ang lahat.
“Yung iba po nakapag-apak na po sila. Yung iba po, nakapagbili ng bota," sabi ng bride.
May baon namang tsinelas ang iba dahil alam naman nilang maulan noong araw na iyon dahil sa bagyong Egay.
Positibo naman daw ang karamihan sa reaction ng netizens.
Pero may ilang negative comments sa social media.
May nagsabing hindi dapat hinayaang lumusong sa baha ang mga sponsors.
May komento ring: “wedding now, leptospirosis later.”
Pero giit ng mag-asawa, “Talagang isa-isa po talaga namin silang sinabihan at tinanong. Kumbaga wala po talagang pilitan na nangyari.
"Kusang loob po nila iyon na gustong makasama kami sa mismong araw na iyon, sa mga oras na iyon.”
Read: Man fulfills dream of becoming a dog with realistic costume worth PHP760K

The groom Paulo Jayvee Padilla (center) with his family inside the church while waiting for his bride.


Kahit ang ninong na si Jojo Alejar ay nag-post ng live video sa kasal.
At sa kabila ng baha ay masaya ang actor-host sa kanyang ninong duties.
Sabi niya pa, “Tuloy ang kasal! Mabuhay ang bagong kasal!
“Rain or shine, through thick and thin, in sickness and in health, in storms or in flood, kahit ano po yan… typhoon… God is with you.
“You will endure and no one can be against you, again love goes on, endless love, endless flood goes on," biro pa niya.
