PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Taylor Swift fan, kinarir ang Eras Tour-inspired Halloween display

Super bonggang Halloween display ito!
by KC Cordero
Published Oct 26, 2023
The Taylor Swift-inspired Halloween display
Binihisan ng fan ni Taylor Swift ang sampung kalansay para gayahin ang mga isinuot niya sa Eras Tour. Kabilang sa mga costumes ang outfit ni Taylor sa "You Belong with Me" at "Shake It Off" videos.

Isang "Swiftie" sa Sun Prairie, Wisconsin, ang naghatid ng takot—at entertainment—sa kanyang neighborhood at maging sa TikTok.

Ito ay matapos niyang bihisan ang sampung kalansay para gayahin ang Eras Tour ni Taylor Swift.

Ito rin ang paraan niya ng pagse-celebrate ng Halloween.

Pagbabahagi ni Katelyn McLaughlin, 36, na-inspire siya na gawin ang kanyang Halloween display matapos mapanood ang isang concert ni Taylor last June 2023.

Agad siyang naghanap ng mga plastic na kalansay, at sinimulan ang pananahi ng mga costumes na isinuot ni Taylor.

Read: Babaeng nakaubos ng 48 talaba at maingay humigop, iniwan ng ka-date

The Taylor Swift-inspired Halloween display

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sambit ni Katelyn sa panayam ng Fox News Digital last October 23, 2023, "I couldn’t stop thinking about how good of an idea it was.

“I started obsessing watching the videos from the show to figure out which outfits were in the cases."

Inilagay umano niya ang mga kalansay sa frames para ma-recreate ang isa sa mga sets mula sa concert na napanood niya.

Read: World’s oldest known dog, pumanaw na; muntik ilibing nang buhay noong tuta pa

Dagdag pa niya, nagsilbing creative outlet para sa kanya ang pananahi ng bawat damit na isinuot niya sa mga kalansay.

“It was a lot of fun."

Makikita ang mga kalansay na nagliliwanag na mala-Taylor Swift sa harapan ng bahay ni Katelyn.

Maririnig din bilang background ang mga awitin ng pop star.

Read: Wrong spelling sa tattoo, ikakagalit mo?

The Taylor Swift-inspired Halloween display

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Batang lalaki, nag-viral sa pagiging maginoo sa loob ng tren

Sinabi ni Katelyn na katulong niya ang kanyang mister at mga anak sa pagbuo ng mga frames na pinaglagyan ng mga kalansay.

Nakabitin ang mga kalansay gamit ang pisi sa pamimingwit.

The Taylor Swift-inspired Halloween display

Isang kaibigan naman niya ang naglagay ng mga ilaw na kumikislap sa saliw ng mga awitin ni Taylor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kabilang sa mga costumes ang outfit na isinuot ni Taylor sa "You Belong With Me" at "Shake It Off" videos.

Tinawag ni Katelyn ang kanyang Halloween display na "ScarEras Tour."

The Taylor Swift-inspired Halloween display

Ang video na ini-upload niya sa TikTok ay nakakuha na ng million views at libu-libong komento ng paghanga dahil sa kanyang creativity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging ang mga napapagawi sa kanyang area ay humahanga sa dekorasyon.

Ani Katelyn, tumitigil ang mga ito at kinukunan ng photos ang display.

Marami sa mga ito ay nakikipagkilala sa kanya.

Read: 143 sites sa Luzon, itinayo para gunitain ang pamilya Marcos—UP study

Gumawa pa umano siya ng friendship bracelets at ibinibigay sa mga nanonood ng kanyang Halloween display.

Paliwanag ni Katelyn, ang mga Swifties ay nagpapalitan ng friendship bracelets kapag nasa concert ng kanilang idol.

Read: Lumang takip ng manhole, naging artwork na collector’s item

Aminado naman siyang excited siyang malaman kung ano ang magiging reaksyon ni Taylor sa kanyang obra.

Kung wala naman, nauunawaan niyang masyado itong busy.

Biro pa niya, pag nag-comment si Taylor sa kanyang TikTok video, malamang na himatayin siya sa sobrang saya.

Read: Lalaki manikin sa araw, magnanakaw sa gabi

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binihisan ng fan ni Taylor Swift ang sampung kalansay para gayahin ang mga isinuot niya sa Eras Tour. Kabilang sa mga costumes ang outfit ni Taylor sa "You Belong with Me" at "Shake It Off" videos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results