Ikinasal na ang pilotong si Captain Cristina May Decena sa aesthetic physician na si Dr. Christian Peralta.
Si Cristina Mae o MM ay pang-apat na anak ng celebrity host/businesswoman na si Cristina Decena.
Si MM ay piloto sa Alphaland Aviation ng Balesin Island, ang sikat na resort sa Lamon Bay, Polilio, Quezon Province.
Si Christian naman ay resident aesthetic doctor ng klinika na pag-aari ni Cristina, ang Bellezza Aesthetics.
Naganap ang garden wedding nila sa Hillcreek Gardens sa Tagaytay noong November 11, 2023.

THE WEDDING GOWN FROM DIVISORIA
Sa kuwento ni Cristina May o MM sa Philippine Entertertainment Portal (PEP.ph), sinabi nitong nagkakilala sila ni Christian sa Tinder.
Limang taon silang magkarelasyon noong nag-propose si Christian noong Mayo ng 2022.
Sa ikaanim na taon ng kanilang relasyon, noong Nobyembre 11, 2023 (11-11-23), sila ikinasal.
May significance daw kay MM ang 11-11.
Lahad ni MM, “Kasi po growing up, alam niyo po ba yung tumblr.com?
“Blogger po kasi ako growing up, nagsusulat ako ng parang online dairy tapos uso nun sa Tumblr yung 11-11 wish. Na parang kapag naabutan mo daw sa orasan yung 11:11, puwede kang mag-wish.”
Bata pa lamang daw si MM hanggang nagdalaga, kapag inaabutan niya sa relo ang 11:11 ay nagwi-wish siya o nagdarasal ng maliit o malaki mang kahilingan, pati na rin ang makatagpo siya ng tamang lalaki para sa kanya.
Kaya sa pagpili ng petsa ng kanilang kasal ay November 11 ang pinili nina MM at Christian.
Isa pang detalye sa kanilang kasal: kahit mayaman at kapwa may magandang trabaho ay sa Divisoria nagdesisyong bumili ng kanyang wedding gown si MM.

“Kasi po meron kaming mga wedding suppliers na non-negotiable, which was the food. Top priority namin yung food, tapos photo and video, also the venue.
“So, medyo yung big four na yun, doon napunta yung budjey [budget]!” at tumawa si MM.
“As in very pricey po talaga yung mga nangyari dun sa apat na yun.
“Tapos na-realize ko na parang pag wedding gown isang beses mo lang namang susuotin tapos itatago mo na after, and it’s really more on bagay sa iyo o hindi. Hindi naman siya sa pangalan nung gumawa.
“Kaya nag-research ako, nagpunta akong Divi, nagsukat-sukat ako dun. Tapos nung natuwa ako, pinursue ko ng Divisoria na lang.”
Customized naman daw ang kanyang wedding gown na yaring-Divisoria na nagkakahalaga ng PHP45,000.”
Ang una raw niyang pina-canvas na wedding gown ay naglalaro sa 150,000 to two 200,000 pesos.
“So, ang laki nung tipid,” bulalas pa ni MM.

Ang second gown ni MM during the wedding reception at ang suit ng kanyang mister ay gumawa ng isang designer from Bulacan na family friend nila, si Sony Boy Mindo.
Next year na raw ang honeymoon nila, ayon pa ka MM, at sa Europe nila balak, although ang prenup pictorial nila ay sa Eiffel Tower sa Paris, France ginawa.
CRISTINA'S SON-IN-LAW
Nakausap din ng PEP.ph ang ina ni MM na si Cristina Decena,
“Sa isang ina, hindi naman mawawala yung malulungkot ka, di ba?” umpisang pahayag ng businesswoman/TV host.
“Pero pag ibibigay mo yung anak mo sa isang taong alam mong mahal yung anak mo, at alam mong successful at alam mong may pagmamahal din sa mga magulang niya, siyempre, alam mo na mabuting tao.
“Kasi ako, mahal na mahal ko yung magulang ko, e. Ako yung nag-alaga sa magulang ko, e. Pag ikaw nag-alaga ka sa magulang mo, lagi kang makakatayo sa lahat ng problema mo.
“Kasi nakikita ni Lord lahat ng mga ginagawa natin sa mundo, di ba? Naniniwala ako dun.”
Read: Cristina Decena's 60th birthday party hosted by ex-husband Ariel Villasanta

Pagpapatuloy pang kuwento ni Cristina, “Ang ganda ng proposal niya [Christian] sa anak ko, sa Balesin ginawa, nandun kaming lahat!
“Yang son-in-law ko na yan, tinitipid niya yung sarili niya. Talagang sobrang tipid.
"Napaka-successful na doktor… di ba minsan tayo, hindi naman sa pagmamayabang, pag tayo di ba pupunta sa isang doktor, tinitingnan muna natin, ‘Ano kayang klaseng doktor ‘to?’
“Sa dami ng pasyente niya, number one siya.
"Tapos titingnan mo kung ano suot. Hind siya mahilig sa signature. Na kahit anong gamit, yung mga signature na belt, signature na shoes, hindi siya mahilig.
“So, ang ginawa ko, dahil binigyan niya yung anak ko ng singsing na three karats na heart-shaped na napakaganda, so siyempre alam ko kung magkano ang halaga nun, di ba?
“Binigyan niya ng magandang engagement party, proposal [sa Balesin], siyempre alam ko kung magkano yung mga nagastos niya doon.
“Pati yung kasal binigyan niya ng napakagandang kasal.
Lahad pa ni Cristina, “Bago siya ikasal, dinala ko siya sa Louis Vuitton [store]. Sabi ko, ‘Kailangan ang shoes mo Louis Vuitton. Kailangan ang belt mo Louis Vuitton rin. Sige, anak, kung ano ang gusto mong bilhin diyan ako ang magbabayad.’
“Kasi nga, nakita ko na tinitipid niya ang sarili niya. Lahat ng iniipon niya para sa anak ko—yung singsing, yung proposal, tapos yung wedding.
“So, natantiya-tantiya ko kung magkano lahat ang inilabas niyang pera para sa anak ko.
"So, ako naman, dahil tinitipid niya ang sarili niya at parang anak ko siya at magiging anak ko na siya during that time before the wedding, dinala ko sa LV. Sabi ko, lahat ng gusto mo bilhin mo ako ang magbabayad.'”
Tumanggi raw noong una ang manugang na lalaki ni Cristina sa alok nitong LV shopping spree.
“Ayaw niya. Pero ako mismo ang namili para sa kanya. Dahil parang natulala, e"
Pagpapatuloy pa ni Cristina, “Sabi ko, ‘Lahat ng kulay ng sapatos kunin mo!’
“Kasi nakakatanggap siya ng awards, pumapanhik siya ng stage tapos napakasimple niya, ng sapatos niya, iyon lagi ang nakikita kong sapatos na suot niya. Yung suit niya nag-iibang kulay lagi pero yung sapatos niya…
“Sabi ko, ‘Hindi mo tinitipid ang anak ko. Since ganyan ang ugali mo, halika gagantimpalaan kita.’”

Naluha raw si Cristina sa isang bahagi ng speech ng groom.
“Nakita ko yung groom, umiiyak siya, na-touch akong masyado sa sinabi ng groom tungkol sa anak ko, na akala daw niya hindi niya kayang abutin dahil anak ni Cristina Decena.
“Pero napakasimple pala daw ng anak ko, down-to-earth, at saka higit sa lahat, sobrang organized.”
Cash, wedding rings, at condominium unit ang wedding gifts ni Cristina sa kanyang anak at bagong manugang.
“Kaya lang naman ako nabubuhay para sa mga anak ko,” sambit niya.
THE CELEBRITY GUESTS AND ENTOURAGE
Ilan sa mga celebrity guestsy si Korina Sanchez-Roxas , a ninang ng mga bagong kasal; ang mga ninong na sina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., Bulacan Governor Daniel Fernando, at ang beauty guru na si Cathy Valencia.
Ang proxy raw ni Governor Daniel ay ang chief of staff nito. Kasalukuyan daw nagpapahinga si Daniel na kamakailan ay naging laman ng mga balita dahil habang nasa isang speaking engagement ay biglang nahirapang magsalita kaya isinugod sa ospital.
Read: Bulacan Governor Daniel Fernando, hindi totoong inatake sa puso
“Nagpapahinga siya kasi sobra siyang workaholic, e. Pero okay na siya, back-to-normal na siya kaya lang kailangan niyang magpahinga, nasobrahan lang ng pagod,” paglilinaw pa ni Cristina sa kalagayan ng kaibigang Gobernador.
Ninong at ninang din si Patricia Javier at ang mister nitong American chiropractor na si Dr. Robert “Rob” Walcher.
Bisita rin sa kasal ang 2010 Miss Universe 4th runner-up na si Venus Raj na kaibigan ni Cristina at co-host sa travel show na Business Flight, at ang Lord of Scents na si Joel Cruz ng Aficionado Perfumes.
Parte ng entourage ng kasal ang apat sa mga anak ni Joel bilang ring bearer, coin bearer, at flower girls.
Bizu ang catering ng kasal nina MM at Christian.
