Naimbitahan ang Reddit user na may handle na “TAonlyAITA” sa kasal ng kanyang pamangkin na si Ayla.
Hindi niya inakalang malalagay sa alanganin ang kanyang relasyon sa pamilya dahil sa imbitasyon.
Ayon sa post ni TAonlyAITA sa Reddit last January 9, 2024, mayroon siyang limang anak. Ang pinakabata ay nine years old, ang panganay naman ay 17 years old.
Read: Details from Heart Evangelista and Chiz Escudero's vow renewal ceremony

Read: Luis Manzano and Jessy Mendiola finally fulfill dream church wedding
Pagbabahagi niya, ang nakalagay sa imbitasyon ay: “TAonlyAITA’s Family.”
Ang pagkaunawa umano niya ay imbitado ang kanyang buong pamilya—siya, ang misis niya, at ang limang anak.
Ayon pa kay TAonlyAITA, walang naka-indicate sa imbitasyon kung bawal ang bata.
Wala ring nakalagay na minimum age ng bisita.
Kuwento pa niya, close si Ayla sa kanyang mga anak, lalo na sa kanyang panganay.
“Even though Ayla is a little older, she always had a lot of contact when she was younger with my children.
Nagkikita-kita rin ang mga ito kapag may family party.
Sinabi ni TAonlyAITA sa kanyang post na ang kasalan ay simple at maliit lang. Para rin lang ito sa pamilya at malalapit na kaibigan ni Ayla.
Wala ring naka-assign na upuan sa reception.
“From the invitation, I understood that my family was invited, and I took all my children,” ani TAonlyAITA.
ANG “INCONVENIENCE” NA DULOT NG KANYANG PAMILYA
Pagsapit ng araw ng kasal, napakasaya ng seremonya.
Pero nagulat si TAonlyAITA nang lapitan ng kanyang kapatid, na ina ni Ayla, para tanungin kung isinama niya talaga ang buong pamilya.

Read: Singaporean agrees to "marriage of convenience" with Pinay for PHP126K fee; now facing jail time
Sinabi niyang oo. Hindi na nagsalita ang kanyang kapatid.
Wala rin naman siyang ibang inisip tungkol sa tanong sa kanya, pero kinabukasan ay nag-message sa kanya ang ina ni Ayla.
Ayon dito ay naging “inconvenient” ang kasalan dahil sa kanya.
Dapat daw ay nagtanong muna siya sa mga ikinasal kung puwede niyang isama ang kanyang mga anak.
Kinapos umano ng upuan sa reception dahil sa dami nilang mag-anak.
Sinabi niya sa kapatid na akala niya ay invited ang kanyang buong pamilya kasama ang kanyang mga anak.
Read: Bride gets flak for requiring wedding guests to pay PHP3K
ANG PALIWANAG NI AYLA
Hindi tinanggap ng kapatid ni TAonlyAITA ang kanyang paliwanag.
“She said that when you have a family that big, you have to confirm if you can take everyone and don’t guess.”
Ang ginawa ni TAonlyAITA ay tinanong si Ayla kung buong pamilya ba niya ang inimbitahan nito.
Inamin naman ng bride na inakala raw niyang ang mga pinsang malalaki ang isasama lang ng parents.
“She confirmed that it was a planning error of hers, but that she liked everyone there in the end.”
Gayunpaman, ani TAonlyAITA ay galit pa rin sa kanya ang kapatid dahil sa nangyari.
Read: Bride, groom, 30 guests 'take control' of coffee shop and turn it into wedding venue
EXPERTS’ OPINION
Ayon sa relationship expert na si Elaine Swann, na kinonsulta ng The New York Post tungkol sa dilemma ni TAonlyAITA, walang mali sa kanyang ginawa.
Naka-address naman umano ang imbitasyon sa buong pamilya.
Paliwanag ni Elaine, kung ang mag-asawa lang ang imbitado, dapat ay naka-specify na “Mr. and Mrs.”
Kung may mali man ayon kay Elaine, iyon ay ang naging aksiyon ng nanay ni Ayla.
Wala umano sa timing ang pagsita nito kay TAonlyAITA sa reception.
Read: Wedding, dinagsa ng "shameless" gatecrashers; displaced ang legit visitors

Read: 89 anyos na mister, 40 years nang bigo na i-divorce ang 82 anyos na misis
Pinuri naman ni Dr. Jayme Albin, isang licensed psychologist at cognitive behavioral therapist sa New York City, si Ayla.
Inako umano nito ang responsibilidad sa naging pagkakamali sa imbitasyon at hindi sinisi si TAonlyAITA.
Gayunpaman, aniya ay dapat ding gumamit ng konting common sense at courtesy si TAonlyAITA tungkol sa kasal.
Para kay Dr. Albin, dapat ay nagtanong muna si TAonlyAITA kay Ayla kung puwede niyang isama ang lahat nang anak para naiwasan ang ganitong hindi pagkakaunawaan.
After all, parang nakakahiya rin nga naman kung isang batalyon kayong dadalo sa handaan.
Read: 53 anyos na singer, pinakasalan ang 22 anyos na ampon; umani siya ng batikos
